CHAPTER 11 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Hindi mo na naman kailangan na sundan mo ako araw-araw o kahit na anong lakad ko." Sabi ko kay Jackson. "Hindi kailangan ma’am, ayoko man pero habilin ni sir Madden na dapat samahan kita sa lahat ng lakad mo.” Aniya. Inikot ko ang mga mata ko. Papunta ako ngayon sa bar dahil birthday na naman ng kaibigan namin na si Sabrin kahit tapos na. Duda ako sa babae na ito. Kaya isa sa dahilan kung bakit ayokong pumunta siya kasama si Jackson dahil baka mamaya maunahan pa ako ng aking kaibigan, panay pa naman text ng bruha na nagchat ang lalaking ito sa kaibigan ko. Mali pala ako na nabura na cellphone number, dapat kay Sabrin iyon kasi siya ang nagbigay agad ng motibo na magtext silang dalawa pero nakakainis dahil nirereplayan niya talaga. Nakakairita.