CHAPTER 37 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Anak Jazielyn, meet Susana. Darling, ang aking anak, si Jazielyn." Pagpapakilala ni papa sa kanyang kasintahan sa akin. Nasa hapag-kainan kami ngayon at tulad ng sabi ko, umuwi ako bandang gabi na para pagdating ko rito sa bahay ay kakain na lamang ng dinner habang pinapakilala ni papa ang kanyang bagong girlfriend. Matanda si daddy ng tatlong taon sa kanya. Simple naman siyang manamit at walang arte sa katawan o nagkataon lang. “Nice meeting you, Jazz, sabi ng daddy mo na isa ka sa magaling na modelo sa ating bansa. I saw your magazine and I was amazed at how you delivered your facial expression to the camera. Very brilliant pose.” Aniya na ikinatuwa ko kahit papano. “Salamat." Tanging sabi ko at ipinagpatuloy ang kinakain, hindi ko nga ala