CHAPTER 23 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Dad?" Nagulat si daddy dahil sa bigla kong pagsulpot sa kanyang harapan. “Ja- Jazielyn? You're here. Akala ko ba hindi ka makakasundo sa akin dahil may party ka na pupuntahan, tapos na ba? Kinakabahan niyang saad sa akin habang niyakap niya ako. "I miss you, my favorite daughter. How are you?” Dagdag niya pa. Bumaling ako sa direction kung saan dumaan ang babae na kasama ni daddy palabas ng airport. Sumakay na ito ng sasakyan. Gusto kong itanong kay daddy kung sino iyon pero ayokong pangunahan dahil sa bagay na yan ay pag-awayin namin lalo at kakarating lang niya galing sa ibang bansa. “I'm good dad, hindi na ako natuloy sa party. I'm so excited to see you kasi eh, that's why I'm here." Ani ko at niyakap ulit siya ng mahigpit. May kutob ako na