SIX: SWEET MOUTH

3591 Words
Pinara ko ang jeep nang makarating sa kanto ng aming apartment. Nang makababa ay pasimple kong hinawi ang aking buhok at pinahinga sa gilid ng aking leeg, Habang ginagawa ko iyon ay pasimple kong nilingon ang pinanggalingan ko. He has been following me since the night he drove me back to home. I seldom see him at the bar since that night pero tuwing oras na nang uwi ko ay nakahimpil ang kanyang sasakyan sa kabilang kalsada. At kapag nakasakay na ako ng jeep ay saka naman ito bubuntot. He’s like my stalker in the night pero ang kaibahan nga lang ay kilala ko siya at alam kong hindi nanganganib ang buhay ko. Sumikdo ang puso ko. Uhm. Parang gustong magreklamo nito. My heart is trying to tell me that it’s nearing its limit. Konti nalang at hihiyaw na ito ng code blue. But I’m scared. I’m scared to fall in love with the same person. What if I’d fall again? Will he be there to catch me for real this time? Sa araw naman ay walang palya kung magpadeliver ito ng pagkain tuwing tanghalian. My staffs have been pained in the ass for always ruining my mood dahil sa pagiging makulit. I couldn’t tell them who’s sending food to me, could I? “Sino ba kasi yan, Bea? Sino si Ser Sungit? Di kaya at nagtataksil ka kay Tyler niyan?” Nakataas na kilay na sabi ni Gina. “Grabe ka naman, ate. Hindi naman siguro ganyan si ate Bea. Tsaka di naman natin sure na nanliligaw si Ser Sungit sa kanya. Di naman kasi porke nagpapadala ng pagkain ay mangangahulugan na agad na nanliligaw yung tao. Malay mo naman taga-hanga lang ni ate. Pwede naman kasi nating hangaan ang isang tao na hindi ito nililigawan, tama?” si Alyana. “Tama. Let’s not jump into conclusion. Grasya ito at masamang tinatanggihan ang grasya.” Sang-ayon ni Lea. “Ano pa ba ang intensiyon ng lalake na yan? E di ang manligaw! Ganun naman talaga ang cycle di ba? Magpapakilala, magpaparamdam, manunuyo at manliligaw. Hay naku kayong mga bagets. Papunta pa lang kayo ay pabalik na ako. Yang mga ganyang moves, basing basa ko na yan sa aking palad.” Si Gina na binanatan na ang fried chicken. Pinilig ko ang aking ulo. Nanliligaw ba ulit si Alejandro? Teka, ulit? Eh hindi naman yun kailanman nanligaw sa akin, ah. Duh! Hindi ugali nito ang manligaw. He always gets what he wants. Yung mukhang yun nanliligaw? I don’t think so. Peace offering would be the right term. Alam niyang hindi ko na siya maaari pang papasukin sa buhay ko pero bakit hindi pa rin ito tumitigil. Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib. Ang lakas ng t***k ng puso ko. I scoffed bitterly. Sirang puso, kailan ka ba titino? Okay na nga, di ba. Nakuha mo na ang closure na kailangan nyong pareho to move on. Both of you have ended the relationship. Get over it and pull your f*****g self, heart. Isang sulyap pa ang ginawad ko sa kanyang sasakyan bago ako naglakad patungo sa gate namin. Ang tiyaga niya. Isang linggo na niya itong ginagawa at laging walang mintis. Parang nasasanay na nga ako na lagi itong nakasunod sa akin. Sa dilim ay lagi itong hinahanap ng aking mata at sa tuwina ay lagi ko itong natatagpuan. Sa loob man ng bar o sa labas. Nang makapaglinis ng katawan at nakapagbihis ng pambahay ay sumilip pa ako ng isang beses sa bintana dito sa kwarto ko. He’s still there. Nakapatay ang ilaw ng kanyang sasakyan at ganun din ang makina. Bakit niya ito ginagawa? When will he ever give up? Inilang hakbang ko ang switch na nasa gilid ng pinto.  I turned it off at pagkatapos ay bumalik ulit sa bintana para tanawin ito. “Three…. two…one…” He started the engine kasabay ng pag-ilaw ng headlights niyon. Malungkot na ngumiti ako. Ilang sandali pa ay pinaandar na nito at sasakyan at nang hindi na ito abot ng aking tingin ay saka pa lang ako humugot ng malalim na hininga at lumayo sa bintana. Pinagmasdan ko sandali ang aking anak before I leaned down to kiss her cheek. Tumabi ako sa paghinga sa kanya, isang kamay ay nakapatong sa kanyang tiyan. Bago ako tuluyang hilahin ng kadiliman ay sumagi pa sa balintataw ko ang mukha ni Alejandro. I can’t wait to meet you in my dreams, Ale. Dahil sa panaginip ko, tayo pa ring dalawa sa sarili nating mundo.     **********   “Walang food delivery today?” Bumusangot ang mukha ni Karen. “Mukhang wala nga. Wala pa naman akong dalang lunch box. Umasa ako, te.” Lumabi si Lea at nag-abot ng tissue at kunwari ay naiiyak. Pungalumbaba sa kanyang mesa si Gina. “Hayysss. Bakit kaya? May nangyari kaya kay Ser Sungit?” “Ate Bea, inaway mo ba?” Tanong ni Janis na may sumbat pa sa kanyang boses. I snorted. “Tigilan n’yo nga ako. Hindi ko nga kilala kung sino ang nagpapadala ng pagkain tapos aawayin ko? Paano ko siya aawayin gayung wala akong idea kung sinong Poncio Pilato yun?” “Di kaya si Mr. Salvatore si Ser Sungit?” Lea gaped at me suspiciously. Nagsinghapan din sila Gina and the rest of the staffs. Lahat sila ay nakatitig sa akin at naghihintay ng kompirmasyon. Pekeng umubo ako at nagkunwaring busy sa pag-o-organize ng aking table kahit organized na ito. Sumandal si Janis sa kanyang upuan. “I smell something fishy talaga, e.” “Ako rin.” Tumaa-baba ang kilay ni Lea. Sumulirap lamang ang aking mata sa kanilang lahat. “Lubayan ninyo ako, pwede ba. Napaka-imposible niyang iniisip n’yo.” “Sabagay.” Gina shrugged her shoulders. “May asawa na pala yung tao tsaka may jowa na rin si Bea. Ekis na si Mr. Salvatore sa listahan natin. Sino pa kayang ibang lalake ang may gusto kay Bea?” Nag-isip ito. “Naku ate, baka di talaga natin kilala. Tingin ko sa bar nakilala ni Ser Sungit si Bea.” Si Janis. Tumigil ang diskusyon namin nang dumating si Dette. May pinuntahan itong meeting at kahit assistant niya ako ay hindi ko alam kung anong meeting iyon. She halted her steps and looked at me. “Walang pa-foods si Ser Sungit?” “Namulubi na siguro sa kakabili ng pagkain sa ating lahat.” Ngisi ko. She shrugged her shoulders. “Mga lalake talaga, pa-fall. Walang paninindigan.” She uttered in annoyance before she entered her private office. That, I agree. I slumped in my seat at napatingala sa kisame. What happened though? Pero mabuti na rin na itinigil na nito ang pagpapadala ng pagkain. Ayokong masanay…ayokong umasa…Mamayang gabi ay kakausapin ko ito. Pagsasabihan kong itigil na ng tuluyan ang pagpapadala ng pagkain at ganun na rin ang pagbuntot niya sa akin tuwing umuuwi ako sa apartment. But Alejandro didn’t show up tonight. Nagpalinga-linga ako sa magkabilang side ng kalsada. Wala ang kanyang Ferrari. May kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa aking dibdib. I was being hopeful to see him. I was hoping I could talk to him. Pumara ako ng jeep at sumakay doon. I purposely sat at the farthest back of the jeepney para madali lang sa akin makita kung nakasunod ba ang kanyang sasakyan. Malay mo biglang sumulpot nalang, di ba. Pero nagawa ko na ang lahat ng night routine ko ay walang sasakyan ang humimpil sa tapat ng bahay. Sumandal ako sa bintana at napabuntong-hininga. “Stop overthinking, Bea. He’s fine, for sure. Stop worrying about something that is beyond your control.” Bulong ko sa akin. But I guess, some things never change. I will always worry about that man. My heart will always…. sigh. Itutulog ko na lamang ito.     *********   Kasalukuyan kaming nasa board room dahil nagpatawag ng emergency meeting si Dette. “What’s up? May problema?” I asked immediately pagkaupo ko. Kadarating lang ni Dette galing kung saan at bigla na lamang niya kaming sinabihan na pumasok sa board room. Pinaikot nito ang tingin sa aming lahat. Kinabahan ako. She looked bothered. Buong umagang nakakunot ang noo nito at umalis at nakabalik na lang ito ay ganun pa rin ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Umupo ito at pinagsalikop ang mga palad sa ibabaw ng mesa. “I have to tell you something.” “I bet you do.” I uttered. Ayaw pa kasing sabihin! Kinakabahan na tuloy kaming lahat. I was being anxious myself. Paano kung kinabuksan ay wala na kaming trabaho? Paano na lamang ang pamilya ko? “I went to the bank. I’m afraid to inform you that we will close the agency three months from now. We’re facing bankruptcy.” Nanginig ang boses nito at napayuko. Kaming lahat ay natulala lamang. Hindi ma-proseso ng utak ko ang kanyang sinabi. Why? “Bakit, Dette? We never run out of clients. Laging puno ang schedule natin. In fact, our schedule for next month is quite hectic. Gusto ko na nga magreklamo dahil baka hindi natin kayanin lalo na’t walang rest day maliban lang tuwing Sundays.” Hindi ko na mapigilang ibubulalas ang tumatakbo sa aking isipan. Sa aming lahat ay ako lang ang hindi umiiyak. Lahat ng staffs, even Dette herself is crying silently. “It’s nobody’s fault, Bea. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay ako iyon. My jerk of a husband took all the money I have saved. Pati pera ng agency ay nakuha niya. I already filed a case against him. But I’m afraid, it would take a year para mabawi ang pera ng agency. Iyan ay kung hindi pa nito iyon nagagasta. He blindsided me. I never thought he would go to this extent na pati ang negosyong pinaghirapan ko ay kukunin niya dahil lang sa ayaw niyang makipag-hiwalay sa akin, legally.” She heaved a deep sigh. “I’m sorry kung nadamay kayong lahat dahil sa personal na problema ko. I thought I have already figured out everything, it turned out, I haven’t. Ang tanga ko talaga.” She gritted her teeth at naikuyom ang palad. Wala akong makapa na galit sa dibdib ko. All these years na naging parte ako ng company niya, she has been good to me. Inabot ko ang kanyang palad at pinisil iyon. “Kung may maitutulong ako, kami, magsabi ka lang.” Ani ko. She nodded. “We need a one-time big-time deal to save the company, Bea. Pero sa ilang taon ko sa field na ito, walang ganung offer. It’s almost imposible. Walang company ang willing magbayad ng millions sa isang agency na katulad ng sa atin. We never have a huge project na maihahalintulad sa ibang malalaking ageny. We can’t even afford to pay ads.” Nanghihinang sumandal ito sa kanyang upuan. Kaming lahat ay sumalampak din. “Ma’am Dette, sana po wag n’yo isara ang agency. Saan na lang po kami pupulutin, Ma’am?” Si Lea na puno ng luha ang pisngi. “Kahit provincial rate lang tayo dito, masaya naman po ako sa trabaho ko. Nakakaraos naman po ang pamily ako sa kinikita ko dito. Kaya sana po wag n’yo isara, Ma’am Dette.” Si Janis. “Pag nagkataon, mapipilitan akong lumuwas ng Maynila para doon maghanap ng trabaho. Ayaw ko pa naman doon.” Si Karen. “Ayaw ko rin doon. Ayokong mapalayo sa mga magulang ko.” Sang-ayon ni Lea. “Sana may himala. Naku, Ma’am Dette. Wag lang talaga magkrus landas namin ng asawa mo at baka makalbo ko. Tutuhurin ko siya. Walang kwentang nilalang sa mundo. Dapat sa kanya ipakain sa buwaya.” Alburuto ni Gina. Dette grabbed her laptop from her bag and placed on top of the table. “I don’t think magpapakita yun sa atin, Gina. Alam niyang kakasuhan ko siya. Tiyak akong nagtatago na iyon.” Sagot ni Dette na ang mga mata ay nakatuon sa laptop. I faced Dette by propping up my chin with my elbow on the table. “Anong plano mo ngayon, Dette? Bayad na ang ibang clients natin. Wala tayong pang-abono.” Her worried look made me more worried. If worse comes to worst, baka idemenda kami ng clients namin. Baka sa kulungan ang bagsak namin nito. “Huh?” Dette’s facial expression changed as she leaned closer to the screen. She was reading something. “Everyone, pwede bang lumabas muna kayo? I need to talk to Bea in private.” Nagsitanguan silang lahat. Ano kayang pag-uusapan namin na hindi pwede marinig ng lahat? Nang iangat nito ang mata sa akin, namimilog ang mga ito. “Bea, you’re an angel, don’t you know?” Hinuli nito ang aking palad at hinalik-halikan, sa panggilalas ko. “Anyare sa’yo?” Binabawi ko ang aking palad pero ang higpit ng kanyang kapit doon. “If I need to kneel in front of you., I will.” “What are you talking about?” “I’m talking about this.” She let go of my hand and put the laptop in front of me. “Salvatore Group of Companies is inviting us to join their marketing team.” My heart skipped a beat. “Okay? Anong kinalaman ko diyan?” Ibinalik ko ang laptop sa kanya. Ayokong basahin ang email ng SGC sa kanya. Wala naman akong kinalaman diyan. “Naririnig mo ba ako, Bea? Binasa mo ba ang letter mula sa office of the CEO?” Umiling ako. “I’m not interested. Kung anuman man yan Dette, congrats. Pupuntahan mo ba bukas ang office nila?” A part of me wanted to ask her if it would be okay kung ako ang pupunta sa office ng SGC, kung saan man iyon. I…I just want to have a glimpse of Ale. If he’s been doing fine, then I’m good. Tumitipa ito sa kanyang keyboard. Ang bilis ng mga daliri nito habang nagta-type ng kung ano-ano. “Ikaw ang pupunta at hindi ako, Bea. I need to follow up the case I filed against my husband.” “I don’t get it. Hindi naman siguro ganun kahirap ang pumunta sa office nila. After your meeting with them, you can go to the precinct for follow-up.” Her deadpan expression made my hair prickle. It’s as if I said something stupid. “Yes, only if the meeting will take place in Davao which is not the case.” “What do you mean?” She typed something again and one last click on her keyboard then she turned the laptop to me. “You’re going to Manila tomorrow. SGC will cover all the expenses, from your plane tickets to your staycation in The Queensland Hotel, which, by the way, owned by them as well. Oh, I don’t need to stress the obvious about whose family owns the airlines, do I?” Nanlaki ang mga mata ko. “Did you say, Manila? Did you say tomorrow?” Sunod-sunod itong tumango, both hands clasped together as if she’s praying. Her puppy face while gazing at me gave me goosebumps. It was the first time I’ve seen her acted this way. “Please, Bea. You must go. Kahit wag na ako ang isipin mo. Kahit para man lang sa agency at staff natin. Kahit para man lang sa kanila. I need this, Bea. Please help me. I beg you.” Sumamo nito. I closed my eyes and sighed in resignation. If I say no, pakiramdam ko makakagawa ako ng isang kasalanan. I guess, I don’t have a choice this time.     **********   Tiningala ko ang pagkataas-taas na building na nakita ko sa tanang buhay ko. Is this really the SGC? Lumapag ang eroplano ko kaninang alas diyes ng umaga. A hotel car fetched me from the airport. Pagdating ko sa room na nakalaan sa akin ay halos malaglag ang panga ko. Ang ganda at sobrang lawak! Hindi pa ako nakakapagbihis nang tumunog ang doorbell. Isang waiter ang napagbuksan ko na may trolley nap uno ng pagkain. “I didn’t order for this?” Alanganin kong sambit. Konting pera lang ang dala ko at tiyak akong ang mamahal ng pagkain sa hotel! Ngumiti at umiling lamang ang waiter. “This is free of charge, Ma’am. If you need anything, or if you want to eat something other than these, just call us. There’s a phone directory placed at your side table.” Napamaaang ako. “Free ito, kuya? Sure ka diyan, ha?” “Yes, Ma’am.” He smiled. Napangiti na rin ako. “Salamat po. Sorry kung wala akong tip, kuya.” Ngumiwi ako at natampal ang bibig. He chuckled. “It’s okay, Ma’am. Kahit mayroon po ay hindi ko pa rin tatanggapin. Utos po mula sa taas.” “Uh. Okay po. Salamat po.” Nang umalis ang waiter ay hindi pa rin nagsink in sa akin ang lahat ng ito. Bakit feeling ko, they’re treating me as a VIP? Kahit sa plane, kahit economy class ang nakalagay sa ticket ko pero pagpasok ko sa airbus a certain stewardess told me that I was upgraded to VIP. She even ushered me to my seat and she’s extra attentive to my needs. Ang weird naman o sadyang ganito talaga ang mga tao sa Manila? I wanted to savor the moments at kahit gusto ko sanang umidlip ay hindi ko magawa. My appointment will happen at one o’clock in the afternoon so instead of taking my time, naligo ulit ako pagkatapos kong kumain. Humugot ako ng hininga as I headed toward the main lobby of the building. Ang sabi ni Dette, all I have to do is to mention my name at ipakita ang agency I.D ko sa receptionist. “Good afternoon, I’m Beverly Ann Samaniego of VIP Events Agency. I came from Davao. I believe I have an appointment at one o’clock?” I knew I came early. Twelve forty pa lang but I want to make a good impression to them. It’s always better to be early than to be late. Kinuha nito ang I.D ko at tumipa ito sa kanyang keyboard. “Yes, Miss Beverly Ann. May schedule ka nga ngayon. Here.” Bukod sa I.D ko ay isa pang card ang inabot nito sa akin. “Please use this visitor’s card every time you use the lift. You may press the 30th floor. Another receptionist will guide you once you arrive there.” Tumango ako. “Thank you.” Sasagot na sana ang babae when suddenly, all of them scampered at humilira sa gilid. Gumawa ang mga empleyado ng dalawang linya, creating a path. Kunot noong nakamasid lamang ako sa kanila. Dadating ba ang Philippine President para salubungin nila ng ganito? Ang nakakapagtaka ay ako lang ang tila naguguluhan samantalang ang ibang bisita ay palakad-lakad lamang na para bang normal na sa kanila na makakita ng ganito. I felt like I was an outsider. I felt like I was an alien. “He’s here.”  Bulong ng isa. Dahil curious ako, I whipped my head to the entrance door. May isang limousine ang humimpil doon at anim katao na naka black suit mula sa SUV na sasakyan sa likod ang umibis. Humilira din ang mga ito, facing each other. This scene looked familiar. Parang sa movie na may MAFIA-related ko lang nakikita ang ganitong mga tagpo. Hindi ko akalaing nag-e-exist ito sa totoong buhay. A man in his dark gray suit got out from the luxurious vehicle. He stood there as if he owned the whole damn world. His hands shoving in the front pockets of his expensive pants as he started walking. He looked like a model from a fashion magazine. Alejandro. I sighed in relief as I looked at him. As usual, nag-aalala ako sa wala. When will I ever stop worrying about him? Ang laki na nga ng pinagbago nito. Nakakalakad na nga’t lahat, para pa rin akong baliw na palaging iniisip ang kalagayan nito. As he’s getting near me, I swallowed the lump behind my throat. My chest was about to burst. The memories of him crying crossed my mind. Napayuko ako at pinagsalikop ang mga palad sa aking likod. That man they treat like a god cried in front of me. That man who could flip the whole world with just a snap of his finger, begged me. I sniffed and wrinkled my nose. Why I am getting emotional is beyond me. I raised my head once more only to be surprise at his scowling face. His brows furrowed, his tight expression giving me goosebumps. Bakit tila galit ito? I glanced at my both sides. Wala naman akong katabi. Sa akin ba siya galit? Ano na naman ang ginawa ko e nanahimik ako dito sa sulok? In a couple of strides, Alejandro was in front of me. He cupped my cheek na ikinasinghap ko at ng mga tao sa paligid namin. My eyes grew big, flabbergasted at his action. “What’s wrong?” He asked, a concerned frown engraving his perfect face. “Huh? What do—” “You’re about to cry. What’s wrong? Did any of my people hurt you? Did someone say nasty things at you?” His eyes turned into slits like he’s ready to wage a war. Kumagat-labi ako at umiling. “It’s not like that.” “Then tell me what’s wrong? You’ve got to tell me what’s wrong or I’m gonna flip this whole building. I haven’t seen you for weeks and trust me I’m on the verge of killing myself. And now I found you here looking so defeated.” I wet my lips as I looked at him. “I…I was worried when you didn’t show up.” “Emergency.” I nodded. “Okay.” “Does it bother you?” He c****d his eyebrow at me. Again, I nodded. “You bought food for me. You made sure I was safe every time I came home from the bar. And suddenly, you disappeared, Ale. I thought something’s wrong with you or you might be in pain. You have been taking care of me. I was wondering….” I choked a sob. “I was wondering if there’s someone taking care of you.” Alejandro shut his eyes tightly when he heard me. “God, baby. Are you planning to kill me with your sweet mouth? Come with me.” He grabbed my hand carefully. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero kung saan man iyon, it doesn’t matter anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD