Ferdz
Simula ng tumira ang impakta na 'yon sa pamamahay namin nawalan na ako ng ganang mabuhay.
Joke!
Napasama pa ang pagtulong ko sa pangit na' 'yon.
Ang akala kong isang araw lang na pagtira niya sa amin ay umabot na ngayon ng isang linggo at talaga namang tuwang-tuwa si Mommy at Daddy sa kaniya pati narin ang kapatid kong si Samara ay close na close sa Andrea na 'yon.
Kahit ilang beses kong itanggi na girlfriend ko siya which is hindi naman talaga mangyayaring patulan ko ang babaeng 'yon kahit na magunaw pa ang mundo o kaya maubos na ang lahat ng mga babae sa mundong ibabaw at siya na lang ang maiwan ay hinding-hindi ko talaga siya papatulan.
Haisst... Hindi ko alam kung malas ba o swerteng nandito siya sa amin?
Aaminin ko nagkaroon ng buhay ang pamamahay namin ng dahil sa kanya. Masyadong maalalahanin itong si Andrea at madali niyang nakukuha ang loob ng lahat ng tao sa amin. Pati mga maids, guards at helpers namin ay ka vibes niyang lahat.
___
Alas singko ng hapon nakaramdam ako ng matinding init kaya lumabas ako sa aking kwarto bitbit ang aking twalya. Gusto kong mag swimming at meron kaming malaking swimming pool dito sa mansiyon kaya naman do'n ako dumiretso.
Nag inat-inat pa muna ako.
Wala pa akong balak lumangoy dahil nag e-enjoy pa ako sa aking stretching habang nakatayo sa gilid ng pool.
"Ferdz, my love nag meryenda ka na
ba?"
"Anak ng... pating!" Laking gulat ko nang bigla nalang sumulpot sa aking tagiliran si Andrea. Kaya imbes na hindi pa ako maliligo ay napalundag ako ng wala sa oras sa swimming pool.
Splaaaaassssshhhhhhh......!
"Ikaw nga huwag kang nanggugulat, aatakihin ako sa puso sa takot ko sa'yo, eh!" singhal ko rito nang makaahon ako sa tubig.
"Hala! Anong ba'ng ginawa ko? Tinatanong ko lang naman kung nagmeryenda ka na bigla ka nalang lumundag d'yan," natatawang sabi nito na umupo sa gilid ng pool at pinagmamasdan akong palutang-lutang.
"Yun na nga eh! Wala ka pa ngang ginagawa natatakot na ako, paano pa kaya kung may gawin ka na?" singhal ko rito habang pinupunasan ng aking kamay ang mata kong hilam na sa tubig.
"Aysus... Wag kang mag alala wala akong balak gapangin ka, hindi kita type!" paisimid na sabi nito at iwinagayway pa ang mga kamay na para bang ipinapahiwatig na walang kwenta ang mga pinagsasabi ko.
Napabuga ako sa hangin sa ginawi niya.
"Wow ha...! Choosy ka pa ng lagay na 'yan, for your information napakaraming nag gagandahang babae ang naghahabol sa akin at dumi ka lang sa kuko nila kung ikukumpara kita sa mga 'yon.'Wag ka ngang mag feeling maganda d'yan," pambubwisit ko rito.
Haiist! Ewan ko ba kung bakit asar na asar ako sa itsura niya? Pangit na nga bakit ba lalo pang pinapangit ang kanyang sarili?
"Wow ka din! Akala mo naman ang perfect mo, hindi ka naman macho, ni wala ka ngang
abs," nakangising dumila pa ito sa akin.
"Wala pala ha... Oh... ayan maglaway ka!" Tinanggal ko ang suot kong T-shirt na nabasa na at tumambad sa kanya ang hubad kong katawan, kitang-kita ko kung paanong napalunok ito ng sarili niyang laway habang pinapasadahan nang tingin ang kabuuan ko.
"Ito ang katawan na pinagnanasahan ng mga kababaihan, ituring mo ng swerte ang sarili mo at nasilayan mo ang katawang ito ng malapitan, dahil sa totoo lang ipinapakita ko lang ito sa mga karapatdapat na babae," taas noo at may pagmamalaking sabi ko.
"Tsh... Ang pangit naman ng katawan mo, hindi ko pagnanasahan 'yan. Eh, ano kung marami kang pandesal d'yan, hindi parin kita type," anito, napahalukipkip pa, sabay ismid sa akin.
Napipikon na ako sa babaeng ito, kung makaasta akala mo kagandahan. Hindi na nga maganda ang taas pa ng standard.
Lumangoy ako papalapit dito sabay hila ko sa paa nito, hindi ko tinigilan hanggang sa hindi siya nahuhulog sa pool. Hindi niya inasahan ang ginawa ko kaya naman hindi niya nagawa pang makaiwas.
"Aaaay.... Ano ka ba?" Pinagbabayo nito ang dibdib ko sa sobrang inis, napahilamos pa sa mukha niya at pasinghap-singhap na kumuha ng hangin para makahinga nang maayos.
Hindi ko naman pinansin ang ginawa niya agad kong hinapit ito sa kaniyang bewang at hinatak papalapit sa akin, hanggang sa limang pulgada nalang ang layo namin sa isa't-isa.
"Ngayon mo sabihing hindi mo ako type at wala kang pagnanasa sa'kin," naghahamong sabi ko, sobrang lapit na namin sa isa't-isa at dinig na dinig ko ang malakas na t***k ng puso nito habang pakurap-kurap ang mga mata na nakatitig sa akin.
Alam ko kung ano ang best asset ko, bukod sa ubod ng gwapo kong mukha at perpektong katawan na para bang hinulma sa greek god na si Adonis, ang higit na nakakaakit sa mga kababaihan ay ang natural grey eyes ko na nakakahiponotismo kapag ako ay nakatitig na. Walang ni isa mang babae ang tumanggi sa karisma at ka-perpektuhan ko.
I am, Ferdz Limcuangco Lemsworth and I am The Epitome of Perfection.
Natigilan din ako nang magpanagpo ang mga mata namin.
Parang bigla tumigil ang pag ikot ng mundo, may kung anong kakaibang bagay akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag.
Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya.
"Fe... Ferdz! " Marahan akong itinulak nito ng bahagya kong ilapit ang mukha ko sa mukha nito.
"Haisst... Grabe! Bakit ba habang patagal ng patagal lalo kang pumapanget? Dapat siguro sumama ka minsan kay Mommy kapag bumisita siya sa beauty consultant niya. Ang sakit mo sa matang titigan. Ha! ha! ha!" napapailing at sobrang disappointed na sabi ko.
Hindi ko na talaga mapigilan ang mamilipit sa
katatawa, ang buong akala naman kasi niya ay hahalikan ko s'ya.
Gusto ba niyang bumaliktad ang sikmura ko kapag ginawa ko 'yon?
"Heh! Ang sama mo talaga... Salbahe
ka!" asar na sabi nito sabay saboy ng tubig sa mukha ko.
Hindi ko naiwasan iyon kaya naman nasalong lahat sa mukha ko. Hindi naman ako makakapayag na maagrabyado kaya naman.
"Ah.... Ganun pala ha!" Gumanti ako sa ginawa nito, hindi ko siya tinantanan, sinabuyan ko rin ng tubig ang mukha niya ng walang tigil, kung puwede nga lang lunurin ko na ay gagawin ko talaga.
Ha...ha...ha... Joke lang naman iyon siyempre.
"Waaahh.... Tama na nahihirapan na akong huminga, nahihilam na ang mga mata ko bwisit kang impakto ka! " sigaw nito habang nagkakawag.
"Ah gano'n... Impakto pala, ha!" Maslalo ko pang nilakasan ang pagsaboy ng tubig dito.
"Ha! ha! ha! " Tuwang-tuwa talaga ako habang nakikita siyang parang aso na kumakawag.
__
Inabot din ng ilang minuto bago ko siya tinantanan.
"Huh! Isusumbong kita kay
Mommy!" Mangiyak-ngiyak na umahon ito at pinagbantaan pa akong talaga.
Tsh! Parang bata, sumbongera.
Sinundan ko lang siya ng tingin at napatda ako ng makita ang kabuuan nito, dahil basa ang damit niya ay naaninag ko na ang kabuuan nito dahil sa bumakat na ang katawan nito sa suot na puting blouse at pink na pajama.
Tsh.. Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala ang hubog ng katawan nito, napakaliit ng bewang at katamtaman ang hugis ng kanyang dibdib. Hindi ko masasabing maliit, hindi rin masasabing malaki sakto lang at perfect na para sa'kin.
Hmm... May itinatago rin palang ganda ito, panget lang ang mukha pero may dating ang katawan.
Pwede na, kailangan lang pagdating sa mukha pipikit ka na lang o kaya takpan na lang ng kumot para hindi ka mawalan ng gana.
Natatawang napapailing ako sa kalokohang naiisip ko, ng mabaling muli ang tingin ko rito ay naalarma ako.
"Hoy.....Andrea tuwalya ko yan ibalik mo yan!" napasigaw ako ng makita kong kinuha nito ang dala kong tuwalya na ipinatong ko sa beach chair.
"Manigas ka d'yan! Bahala ka sa buhay mo, yabang!" ang sabi nito na agad itinapis sa kaniyang katawan ang aking tuwalya at nagtatakbong lumayo.
"Tsh! Ang kulit din ng
impaktang 'yon." Napapakamot na lang ako sa sarili kong ulo, wala akong choice kung hindi ang lumakad ng basa papasok ng mansiyon.
And, as I expected na sermonan ako ni Mommy nang makita niya akong basang-basa na lumalakad papasok sa loob ng aming bahay.
Tumahimik na lang ako at hindi na nangatwiran na umakyat patungo sa kuwarto ko para magbihis habang may apat na mga maids na may dalang basahang tuyo na nakasunod sa akin para punasan ang mga tubig na naiiwan ko sa paglalakad.
Ang galing din kasi ng impaktang iyon, eh.
Pero natutuwa na rin ako dahil may bago akong na-discover sa kanya.
Sexy naman pala.
Pwede ng pagtiyagaan.
Napapahimas ako sa aking baba at nag-imagine kung ano ang itsura niya kapag naka- two piece swimsuit.
Okay na sana ang imagination ko kaya lang ng umabot na sa bandang ulo ay tumigil na ako nag umpisa kasi ako sa paa pataas, hanggang sa leeg lang tama na 'yon para hindi naman ako mawalan ng gana.
Ginawa kong ibagsak ang aking buog katawan sa malambot kong kama at padapang nahiga. Iniisip ko kung sino naman ang aking idi-date ngayong araw. Madalas model, artista at beauty queen ang ka-date ko, try ko kayang makipag date sa babaeng wrestler ngayon para maiba naman. Agad kong kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa side table ng aking kama.
Meron kayang wrestler dito sa mga contacts ko?
Sa rami kasing babaeng nahuhumaling sa akin at nagme-message sa mga social media accounts ko hindi ko narin matandaan kung sinu-sino sa mga 'yon ang na-date kona at naikama.
Ang hirap talaga maging gwapo.
Hay, makatulog na nga lang muna.
Huwag ko lang sanang mapanaginipan si Andrea at baka bangungutin ako.
Tsk!
Bigla akong napaupo.
Huwag na nga lang akong matulog mahirap na baka magkatotoong mapanaginipan ko siya.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko na nakapatong sa lamesa katabi ng aking cellphone at tuluyan ng tumayo, naisipan kong tumambay na lang muna sa restaurant ng pinsan kong si Maxine.
Siguradong pagkakaguluhan na naman ako ng magagandang kolehiyala doon.
Napangiti ako at napasipol pa sa excitement.