Andrea "Get dress!" "Huh! Ano yon?" pagpapaulit ko sa sinabing iyon ni Ferdz. Ang hilig talagang sumulpot sa kung saan ng lalaking ito. Feeling ko talaga may powers siya, hindi lang niya sinasabi sa akin. "Magbihis ka binge!" asar na sagot naman nito. "Binge ka diyan!" "At bakit mo naman ako pagbibihisin naka hubad ba ako?" Sinipat ko pa ang aking sarili ng bigla akong matigilan. "Waaaahhh... May x-ray vision ka ba at nakikita mo akong nakahubad?" Bigla tuloy akong napayakap sa aking sarili at pilit iniwas ang aking katawan sa mapanuring mga mata nito. Toiiinksss...! Hindi ko inaasahan ng bigla na lang akong binatukan ni sungit. "Aray naman!" singhal ko rito habang hinimas-himas ko ang aking ulo na tinamaan ng mabigat na kamay nito. "Haisst! Hindi ka na nga kagandahan baliw ka