Episode 10

1506 Words

"Sir, salamat ulit, ha." Pasasalamat ko ulit kay Agaton ng marinig na ang sigaw ng konduktor ng bus para sa susunod na bayan na hihintuan. Sa kabila ng naging gulo dulot ng snatcher ay naging matiwasay naman ang naging biyahe namin hanggang sa malapit na nga ako sa bayan ko. Hindi naman kumibo si Agaton at basta na lang nakatingin sa harap ng sasakyan. Ilang sandali na nga lang at huminto na ang bus. Si Agaton na ang kumuha ng maleta ko sa aming uluhan at saka pa ako tinulungan na maibaba hanggang sa labas ng sasakyan. "Sobrang naabala na kita, Sir. Salamat ulit. Pwede mo na akong iwanan." Nakangiti ko ng pagtaboy sa kanya ngunit hanggang sa isinara ang automatic na pinto ng bus ay hindi na bumalik pa sa loob ng sasakyan si Agaton. "Hala! Sandali po! Naiwan ang pasahero niyo!" bulal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD