“Himala at sumabay ka ng umuwi sa akin ngayon?” tanong ni Erika. Sa halos dalawang linggo rin kasi na lumipas ay marami akong dahilan sa kanya para hindi ko lamang siya makasabay sa pag-uwi. Mahirap na kasi at baka nga may mga nakaabang sa akin diyan sa labas at madamay pa ang walang kaalam alam at inosente kong kaibigan. Napansin ko na rin naman kasi na parang wala na ring panganib sa paligid ko. Baka inisip ng mga namaril sa akin dati na natamaan nila ako napatay sa loob ng bahay ko kaya hindi na sila muling nagparamdam pa. Sadyang oa lang talaga si Agaton sa kakaisip at pagprotekt sa akin kahit wala na rin naman talagang kaaway. Maaga akong nag-out ngayong araw at hindi na nagpaalam pa kay Agaton dahil alam kong hindi niya rin naman ako papayagan. Balak ko kasing puntahan ang isa