"Ang Doctor na si Oscar Lee ngayon ay nahaharap sa kasong k********g, child trafficking at iba pa ngang kaso na ihahatol sa kaniya sa oras na makapagdesisyon ang Presidente sa kaso nito. Ang bansa ay naiipit sa mga batikos at pagpupumilit ng ibang bansa na madaliin ang paghahatol kay Oscar Lee at gayon na rin sa ibang Doctor na ikinanta nito. "Ayon nga sa Kapitan ng Pulisya na hindi nabigyan nang tiyansa upang ating makapanayam, ang dalagang si Robin Caniete na siya ring nahaharapan sa kasong murder ay nagsabi umano na siya ay susuko lamang sakaling ang Doctor na si Oscar Lee ay makukulong at mahahatulan katulad ng kaniya. Gayunpaman, ang doctor ay makukulong hindi dahil sa nais ng dalaga kundi dahil na rin sa natagpuang mga papeles na siyang matibay na ebidensya na nagsasabing ito nga an