"S. . . sleav. . ." Napakahina ng mga boses na iyon. Kung hindi sadyang tahimik ang paligid ay siguradong hindi na ito maririnig ng binata na ngayon ay inaayos ang napupugnaw na apoy ng bonfire na ginawa Lumingon ang lalaki upang kumpirmahin kung ang dalaga ay gising o hindi. Nnag makita ang banayad na pag-angat ng kamay nito ay tumayo ang lalaki saka dito ay lumapit. "May masakit ba muli sa iyo? Nasusuka ka ba o nilalamok ka?" sunod sunod na tanong ng binata. Ngumiti ng tipid ang dalaga saka umiling. "H-hindi na tayo. . . ako. . . m-makakaalis sa l-lugar na 'to," utal utal nitong pahayag. Yumuko ang ulo ng lalaki dahil iba ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Naramdaman niya ang init ng kamay ng dalaga sa kaniyang braso, sandali lamang iyon dahil agad na ibinaba ng dalaga an