SLEAV's POINT OF VIEW. Makulimlim na kapaligiran ang sumalubong sa akin. Napakatahimik at walang makikitang tao sa paligid maliban sa nag-iisang dalagang nakatayo ngayon hindi kalayuan sa aking harapan, nakabalatay ang pagkakagulat sa kaniyang mukha at nakabalatay sa kaniyang malalamig na mga mata ang takot. Naglandas ang aking tingin sa aking mga kamay, sumunod ay sa aking paa, matapos iyon ay aking dinama ang braso at iginalaw ng kaunti ang aking ulo. Kumpirmado. Ako nga ay muling nabigyan ng buhay. Nababatay sa kapaligiran at sa tila makabagong simoy ng hangin, ako ay nasa makabagong panahon. Ang uri ng pananamit ng dilag sa aking harapan ay malayo sa kasuotan noon ng tulad niya. Miski na ang kaniyang tindig ay ibang iba. Isang dilag na kayang itago ang kaniyang ekspresyon sa pagita