"Hustisya! Hustisya! Ibigay ang hustisya!" Ang mga katagang yaon ang nag-iingay sa harapan ng Munisipalidad ng Balangay kung alin ang sentro ng Bataen. Mula nang araw na matapos ang sabay sabay na paglilibing sa mga nasawi sa pangyayari ay nagsimula na rin ang problema ng Gobyerno. Maraming tao ang may hawak hawak na mga plakard, kahoy na malapad at iba ay mga printed words kung saan nakalagay ang mga salitang hustisya para sa aming mahal sa buhay. Pinangungunahan ang nasabing rally sa mga oras na iyon ng mga pamilya at kamag-anak ng mga nasawi sa Oranei City. Kahit pa sa katirikan ng araw at miski sa gabi ay may naiiwan roon upang ipagpatuloy ang kanilang pagpo-protesta laban sa Gobyernong sa kanilang palagay ay hindi kumikilos at walang balak na bigyan ng katarungan ang pagkamatay n