Napakatahimik nang byahe makalipas ang isang oras mula nang lisanin ng dalawa ang laboratoryo nang Doctora. Ang dalaga ngayon ay mahimbing ang tulog habang ang binata ay malalim ang iniisip habang minamanebela ang sasakyan. Mula pa lamang nang lisanin nila ang dental clinic kung saan nabiyan ang dalaga ng paunang lunas ay hindi kailanman sila nakatagpo ng mga taong humahabol sa kanila. Walang mga sasakyan ng sundalo ang biglang susulpot upang sila ay guluhin. Hanggang sa marating nila ang laboratory ng Doctor in trainee ay wala man lamang nagpakita sa mga iyon. Isa iyon ay pangalawang gumugulo sa isip ng binata maliban sa sitwasyon na kinaharap ng dalaga na ngayon sa tingin niya ay nasa maayos ng kalagayan. Ayon sa kaniyang pagkakalkula ay wala na ang cellphone ng dalaga sa kanila