Sa isang klinika kung saan lilimang tao lamang ang naroon. Ang tatlo sa kanila ay hindi magkumahog sa simula pa lamang ng makita ang panauhin na pumasok sa pintuan. Ang isa sa limang katao ay pabalik balik sa paglakad at hindi mapakali dahil sa lubos na pag-aalala na nararamdaman. Ang mga kamao nito ay mapula na dahil na rin sa paulit ulit na madiing paghimas. "Gaano katagal?" pagkuway tanong ng binatang ngayon ay huminto sa ginagawang paglalakad subalit hindi natigil ang malalalim na paghinga. Wala itong natanggap na kasagutan mula sa tatlo roon sapagkat hindi sa pagkakataon na iyon marapat na ipaliwanag ang kalagayan ng dalaga. Kailangan nang konsentrasyon upang hindi mas madagdagan ang kalubhaan na dulot ng balang nasa katawan. Kulang ang kanilang mga kagamitan doon, kahit pa alam