"I don't like that." Sandali akong natigilan doon. Hindi ko inakalang sa maamo niyang mukha ay may natatagong kamalditahan. Gayunpaman, hindi siya ang tipo ng tao na makakapanakot sa akin. Akala ko ay wala pa ring ibibigay na reaction ang katabi ko ngunit ng kumalansing ang kutsara at tinidor na gamit niya ay napagtanto ko na maging siya ay hidi nagustuhan ang naging tono ng babaeng kaharap. Nilingon ko siya at nakitang matalim ang titig na ipinukol niya sa babae. Nang ibaling ko ang tingin sa harap ay sumubo lang ang babae, kumakain at nakabalatay ang inosenteng reaction sa mukha na akala mo ay walang sinabing hindi maganda. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jiro bago bumaling sa akin. "Are you done?" Tanong niya kahit pa alam naman na hindi pa ako kontento sa kinain. Mar