Ilang araw ang nakalipas, Friday came, puro pag-iwas kay Zena at Del ang ginawa ko. Hanggat maari ay umiiwas din ako kay Jiro upang hindi na maging malapit kay Del. Napansin ko na kung nasa paligid ko si Jiro, naroon din si Del. Akala mo ay langaw na laging nakasunod. Nakikita ko na ang iba't ibang ugali nila. Si Mylene na halos pang-araw araw na yata ang kasupladahan, binibitamina niya yata iyon. Si Zena, madaldal pa rin at makulit. Kalimitan ay umiiwas ako subalit kahit anong layo ko sa kaniya, hindi naman ako nakaliligtas sa mata niyang mapanuri. Hindi ko na kailanman kinalimutan ang drawing pad. Ayokong maulit pa ang nangyari noong nakaraan. May iilang pasaring pa rin si Del ngunit hindi na tulad noon na talagang pinipeste niya ako. Maliban na lamang kung makikita niyang nasa akin