Kabanata 1

3033 Words
As I've saw the trees we are passing by, I feel the same old ambiance of the place. The fresh feeling of the wind and the greeny colors of the leaves that gaves warm to my heart. Nakatataba ng puso na nasasamyo ko muli ito. Kahit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na muli kong nasilayan ang nagtataasang building at bahay mula sa Manila papunta rito sa Barrio Venza kung saan kami dati nakatira. I'm really glad na pumayag si Mommy na dito muli tumira matapos ang ilang ulit kong pagpilit sa kaniya. Kahit pa balak niya na lamang na kumuha ng condo malapit sa Hospital. I told her na hindi kailangan mangamba dahil una sa lahat ay wala naman akong sakit. I saw the birds and cows sa bawat bukid na nadadaanan namin. I smiled to myself. This is where I belong, not in that boring Hospital talking with those nonsense scientists and Doctors. I can barely see the children's playing freely on the weirs.The farmers who are struggling yet happy of what they are doing. Lalo kong niluwagan ang pagkakabukas ng bintana ng kotse. Mas maganda ang tanawin rito sa gilid dahil mas klaro iyon kaysa sa harap. Hindi ko maiwasang mapangiti. I miss this feeling. The feeling of seeing beautiful things thatcan capture your heart even in just one glimpse and that is the familiar feeling of being home again. Huminto ang kotseng sinasakyan namin ng aking ina. Bakas sa mukha niya ang pagod dala ng byahe. Ngunit agad 'yong nawala ng makita ang nakangiting mukha ng sasalubong sa amin. Parehas kumikislap ang mga mata nila sa saya. Dr. Lee is my Mother's colleagues way back. Siya ang unang nilapitan ni Mommy regarding my condition. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay hindi ko na gusto. Pakiramdam ko ay kapahamakan lamang ang dala niya. Pinagmasdan ko sila. I saw how he kissed my Mom and how she responded. I rolled my eyes. I can't help myself but to feel annoyed whenever he's around. Bumaba ako sa kotse at dumiretso agad sa likod upang kuhanin ang iba ko pang gamit. Narinig ko ang pagbati niya sa akin. "Welcome home, Robin." I rolled my eyes once again. I really hate every damn thing about him. I despise him a lot. He keep on talking to mommy and telling her jokes. This is great! I already told Mom that I don't want to be with them—with him to be specific, but still, matigas ang ulo niya at talagang pinauna niya pa ang baliw na Doctor na iyan dito. Diretso ang lakad ko at hindi ko na sila tinignan o binati pa. Lumagitik ang kahoy na tulay na ngayon ay tinutungtungan ko. Oh how I love this sound! Pinagpatuloy ko ang paglakad at ang tunog ay hindi nawawala. Natatanaw ko na ang bahay namin na may kaunting pagbabago lang. Marahil ay pinaayos pa rin ni mommy ito dahil alam niya kung gaano ko kagusto na bumalik dito and I cannot believe that I'm actually seeing it now , with my very own eyes. Dati ay ina-alala ko na lamang o 'di kaya ay napapanaginipan na lamang ito. I released a deep breath and put a smile on my face. This is it, Robin! You're already home and the creaking sounds of the old wooden bridge is one of the proof that I'm now free and home again. Free from those crazy things and people who just caused me pain and unforgetable experience. Sa sobrang excitement ay nagawa kong takbuhin ang layo ng agwat ng kinatatayuan ko papunta sa bahay namin. Halata sa labas na wala talaga itong pinagbago. Maliban na lamang sa mga bagong ayos na hardin at bagong pintura nito. Naunang umuwi rito si Doctor Lee upang maayos ang bahay. Tatlong araw na rin siguro siyang namamalagi dito. Muling bumalik ang pakiramdam ng pagkainis sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko matanggap na magpapatira si Mommy ng lalaki nya rito. Sa bahay namin kung saan nakasama ko ang daddy ko. Kung saan nabuo ang pamilya namin. Umiling ako at pilit na inalis ang panlalambot dahil sa ideyang iyon. I push the door and wandered my eyes in every corners of it, familiarizing myself in my so called old home. Nilibot ko ang bahay maging ang bawat kuwarto. Tatlong kwarto ang mayroon dito. One for Mommy and daddy, one for me and guestroom na ang isa. We don't need a maid back then dahil nag-iisa lamang naman akong anak at gusto ni mommy na tutok siya sa akin. While I'm wondering and taking my time to feel the essence of this home, I smell something—it smells like a burning steak. Mabilis ang naging takbo ko patungo sa kusina. Halos nag-uusok ang kawali ng marating ko iyon. Naunahan ako ng pagkataranta at hindi na nag-alinlangang buhatin ang kawaling mainit ng hindi gumagamit ng kahit anong saplot sa kamay. Maluha luha kong tinignan ang palad kong pulang pula at may bakat ng hawakan ng kawali. I closed my eyes and tried to unleashed the pain. Dumilat lamang ako ng marinig ang boses ni Mommy. "Robin, what happened? What did you do?" may halong pag-aalala at paninising tanong niya. Hindi ko napigilan ang pag-gapang ng inis sa aking katawan. Lalo na ng makita ang mukha ng baliw na Doctor na 'to. "Why don't you ask the guy beside you?" I hissed. He blinked twice and I heard my Mom's laughed. "Oh, honey. You tried to cook? You know you can't, right?" natatawang sambit ni mommy. Umirap na lamang ako sa kawalan. Kanina lamang ay may paninisi ang boses niya. Samantalang ngayon ay malambing na tumatawa sa kabaliwang ginawa ng baliw na doctor na iyon. Hindi ko mapigilang isipin na hindi yata ako ang naapektuhan ng gamot na binibigay sa akin kundi si Mommy dahil tila nagkadeperensiya siya sa utak. Tila hindi napansin ng Mommy na nagsalita ako na hindi ko noon ginagawa. Wala akong nagawa kundi talikuran na lamang sila. Minsan pa ay wala akong balak ibuka muli ang aking bibig para lamang kausapin sila. I can't stay there and act as if we're okay. Mom know we aren't. Kahit pa siya lang ang nakaalam ng bawat hinaing ko, at kahit siya lang ang meron ako, hindi ko maiwasang hindi magtampo at mainis sa kaniya. Alam niya kung gaano ko kaayaw na may pumalit sa pwesto ni Daddy sa buhay naming dalawa. Not that I'm guilty. It's because he's still my dad and I can't bear seeing Mom having that guy beside him. Iiling iling kong tinungo ang pinto palabas sa kusina. Nais ko lamang libutin ang labas ng bahay. Bumantad sa akin ang malinis na duyan doon. Kung saan kapag inilawit mo ang paa sa laylayan nito ay mararamdaman mo ang dampi ng tubig sa iyong paa. Ang duyan na ginawa ni papa kung saan lagi akong nakahiga kapag tanghali at nakadarama ng init. Dito ko nararamdaman ang feeling ng isang taong walang problema. Kitang kita sa malinaw na tubig nito ang iilang isda na naroroon. Wala ring makikitang dumi doon maliban sa iilang dahon ng puno na siyang pinagsasabitan ng handler ng duyan. Walang pag-aalinlangan akong umupo doon. Agad na nagkaroon ito ng paggalaw. Wala sa sariling ipinikit ko ang aking mata saka idinampi sa tubig ang naghahapdi kong palad. "Burn the pain away, but make the scar remain," usal ko sa hangin. Hinatak  ko ang tali ng duyan upang mas lumakas ang ugoy nito bago hinayaan ang sariling saliwin ng hangin at tunog ng mga ligaw na ibon. Muli kong binalikan ang alaala ng panahong nakakulong ako sa Hospital. The extravagant feeling of being imprisoned with those crazy scientists qsking me to talk and wish every bad things they want. Hindi lang nila diretsuhang sinasabi sa akin. Hindi ako nagsasalita at bumibigay sa gusto nila bagay na ikinaiinis nila kaya naman pinarurusahan ako ng hindi namin nahahalata ni Mommy. Akala ko noon, ganoon talaga ang epekto ng gamot. "Give her high dosage of Haloperidol. Make sure she'll be punished without her knowing it." Iyong inakala kong pagtulong nila sa akin ay kabaligtaran pala. They are doing that for their advantage. Doon ko nalaman na hindi ako narito para magamot kundi para mapag-eksperimentuhan at para maibigay ano man ang hilingin ng mga ganid na scientist. Since then, I didn't try to talk to anybody. My mother doesn't know anything about that. Ang inaakala niya ay ginagamot ako doon. Lingid sa kaniyang kaalaman ang sakit na tinatamasa ko mula sa mga kakaibang machine na ginagamit nila sa akin. Dinaig ko pa ang mga taong may malalang sakit. Noong una, pinilit kong tanggapin na baka iyon na ang parusa sa ginawa ko kay Daddy but upon realizing what they are doing ay pinilit kong unti-unting ipaalam kay Mommy kung gaano ko kagustosng umalis na sa lugar na iyon. Nagsusulat ako sa isang kuwaderno at alam kong nababasa niya. Gayunpaman alam kong nabulag na siya sa mga salita at pangako ng mga Doctor. I let out a deep breathe. Itinaas ko ang aking kamay na sugatan sa ere. Pinagmasdan ko ang lumulubong parte nito dala ng pagkakababad sa tubig. Ang namumulang sugat na iniwan ng nangyari kanina. Ngunit isa lamang ang nabago doon. Dahil di tulad kanina, wala ng sakit na mararamdaman mula dito at tila unti-unting nagiging pilat. Muling bumbalik sa akin ang katotohanang iba ang kapangyarihang nagmumula sa aking mga salita. Noon pa man alam na ng lahat na ang bawat salita ay sadyang makapangyarihan dahil kaya nitong manakit at pumatay ng paulit-ulit. Ngunit hindi ko inakalang magiging literal ang ibig sabihin noon sa tuwing ako ang nagsasalita, tila ang akin ay may buhay. Kung gaano kalamig ang boses ko, ganoon naman kainit ang buhay na mayroon ang bawat kong salita. Ilang beses ko ring sinubukan kung gaano ito katotoo, sa bawat pasyenteng nakikita kong nahihirapan, sa bulaklak na natutuyot na, sa mga ibong ilang beses bumagsak sa tapat ng bintana ng kwartong iyon. Noong una, napakahirap para sa akin ang magbitaw ng salita. Ayokong makapanakit pa ng iba. Ngunit naunawaan kong kung hindi ko pag-aralang kontrolin ang aking sarili, paano ko mararanasan ang mabuhay ng normal? Paano ko maiiwasang hindi magdala ng panganib sa ibang tao? Patago at paunti-unti kong tinuruan ang sarili ko. Walang nakaaalam na kaya ko ng makontrol ang aking kakayahan na gawing buhay ang aking mga salita, maging ang aking ina. Alam kong napakabilis niyang makuha gamit ang ilang mababango at mabulaklak na salita. Ayokong humantong sa puntong ako naman ang makapananakit sa kaniya. Bumuntong hininga ako. Ang problema ko noon ay kung paano makalalabas sa Hospital, ngayon naman ay kung paano ako mabubuhay ng normal kasama ang baliw na Doctor na iyon? Kaya ko namang pakisamahan si Mommy kahit pa alam kong naging malayo kami sa isa't isa pero si Doctor Lee, hindi ko alam kung magagawa ko. Kapag nakikita ko siya naalala ko ang bawat sakit at hirap na dinanas ko sa Hospital at sa kamay ng iba pang mga Doctor. Naalala kong iba't ibang Doctor mula sa ibang bansa ang nagsalit-salitan sa pagtingin sa akin. Ang iba ay nag-offer pa na i-transfer ako sa pangangalaga nila, mabuti na lamang at hindi pumayag ang Mommy. Umiling ako at pilit iwinaksi ang negatibong mga alala sa aking isipan. Minabuti ko na lamang na i-appreciate ang ganda ng tanawin at ang lamig ng tubig na dumadampi sa aking paa. Doon ko halos pinalipas ang oras ko kaysa marinig ang nakaiiritang palitan ng sweet words sa loob. Noon akala ko ay magiging masaya akong makitang masaya ang aking ina. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang umiyak at nabigo ni Doctor Lee hindi katulad ni Daddy, subalit hindi ko maialis sa aking isipan na baka ginagamit niya lang ang Mommy ko for his personal needs at ang pangarap niya ay maaring matupad kung kakapit siya kay Mommy dahil naririto naman ako. Nakapapagod din na mag-isip ng mag-isip ng masama sa kapwa ngunit mas mahirap naman ang magbigay ng tiwala. Sa ganoon lamang lumipas ang unang araw ko sa bahay at ang mga sumunod pa. I am doing my best to ignore my Mother and her boyfriend's sweet act. Minsan ay nakakasuka dahil para silang teenager na bago pa lamang sa isang relasyon. Hindi ko naugustuhan iyon. I actually don't believe in love. Sinong maniniwala sa buwisit na pag-ibig na iyan? I remember how my Mommy cry everynight, my dad's lies and my hidden pain whenever they are fighting. Dahil sa pag-ibig ay nagkandaletse-letse ang buhay ko. Ako ang tumamasa ng lahat at naipit sa pagitan ng dalawang apoy. Kaya noon pa man sinaksak ko na sa isip ko na kailanman ay hindi ako mapapasailalim sa mahika ng pag-ibig. "Robin! Come down, honey. I have something to asked you." I heard Mom shouted. Walang gana akong naglakad pababa. I hope wala ang lalaking iyon sa baba at hindi nakadikit kay Mommy na parang batang nawawala. Sumilip ako sa kusina upang siguraduhin na naroroon nga si Mommy. Pumasok ako at tulad ng nakaugalian, malamig na ekspresyon lamang ang ipinakikita ko sa kanila. Nang makita ako ay agad siyang ngumiti. "Robin, what do you want me to cook for you?" Malambing niyang tanong. Kumibit ako at pinasadahan ng tingin ang mga nakalatag na pinamili sa lamesa. Corn beef, fresh meat, can goods, soda, beer, junkfoods and biscuits. Napabuntong hininga ako. "Gusto ko ng Adobo," iyon lamang ang sinabi ko at umalis na. Balak ko naman ngayong pumunta sa tulay sa gitna ng lawa. "Robin!" I heard her calling my name pero hindi ko na iyon pinansin. Maaring natanto niya na nagsalita ako kaya ako tinatawag. Diretso ang lakad ko at hindi na lumingon pa. I want to be alone, like what I have been for almost eight years. Although maaring mabago iyon dahil papasok ako sa nag-iisang paaralan dito sa Barrio Venza. I can't explain the feeling. It will be my first time to go to a crowded place. Kahit pa namamayani ang takot sa akin, kailangan ko pa ring harapin ito. Like what Mommy said, ito ang unang hakbang para makapamuhay ako ng normal. Thank God at sa loob ng walong taon, kahit papaano'y nagawa kong makontrol ang sumpa na ito. A curse that even my parents doesn't know where did it came from. At first hindi ko talaga matanggap na hindi ako normal tulad ng iba. Lalo na at ang sarili kong salita ang dahilan kung bakit wala ngayon sa akin ang aking ama. Alam ko at tandang tanda ko kung gaano katalim ang salitang binitawan ko sa kaniya, ngunit dala lamang iyon ng galit at pagkamuhi na naipon sa aking dibdib. Hindi ko matanggap noon na wala ang daddy ko at mas lalong hindi ko matanggap noong nalaman ko na ako ang may gawa noon sa kaniya. I can still remember what Lola said, "Your daughter is a monster like you. She's just like you, you took away my son from me at ngayon, ang anak mo naman ang tuluyang naglayo sa akin kay Benjamin! I won't forgive the two of you. Kaya nga ba ayoko sa iyo at sa anak mo. Kapatid niyo ang malas!" Dinamdam ko iyon noon but like what Mom said, I need to accept it and face every consequences of it. Mabuti na nga lang at nakita ko ang mabubuting dulot nito. Nagagawa kong mabuhay ng hindi hinihingi ang tulong ng iba. Nagagawa kong mabago ang ilang pangyayari na alam kong magdudulot ng masama, nakatutulong ako sa ibang pasyente noon sa pamamagitan ng pagpapagaling sa mga sakit nila. Through that, kahit papaano ay gumagaan ang aking pakiramdam. Natanaw ko ang Mommy na lumabas at kasunod nito ay si Doctor Lee, nakatingin sila sa kinaroroonan ko. Kitang kita ko ang malapad na ngiti ng aking ina. Alam kong kaya kong sirain ang kung ano mang namamagitan kay Mommy at sa Doctor na iyon, but when I realized how happy she is, I encourage myself to accept him-little by little, and I can tell everyone that' it's really hard for me to do it. Mas madaling kainisan si Doctor Lee at paghiwalayin sila kaysa tanggapin ang katotohanang masaya ang Mommy ko sa iba. I tried to tell Mom what Doctor Lee and other doctors did to me but I can't. I don't know why. Maybe I'm already afraid of seeing my Mom crying again because of the man she love. Wala namang masama magmahal. Ngunit masakit isiping isa ito sa dahilan kung bakit takot ako ngayon. Takot akong makita muli si Mommy na nasasaktan at makagawa na naman ako ng bagay na labag sa loob niya. When my Dad died, I know she had been hurt. Kahit pa lagi siyang niloloko ni Daddy, mahal na mahal niya iyon. I love Mom so much more than I love dad. Kaya naman ng makita ko ang naging dulot ng nangyari, hindi ko magawang umusal kahit isang salita. Isa lamang akong batang nasasaktan noon para sa aking ina ngunit ngayon, nakatatak sa utak ko na ang batang durog ang puso dahil sa nasaksihan ay siya ring batang nakapatay gamit ang kaniyang salitang puno ng galit at pagkasuklam. Nagpapasalamat ako at ngayon ay nagagawa kong makausap ang iba ng walang pagaalinlangan. It's because I've learn how to play with this curse. Yes. a curse. Sumpa para sa akin ang abilidad ko ngunit pipilitin kong gawin itonng isang blessing sa akin at para sa iba pa. Ipagpapatuloy ko ang plano ko na taliwas sa gustong mangyari ng mga Scientists at Doctors. Tutulong ako at gagawa ng mabuti ng walang nakaaalam kundi ako. Gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang kung ano mang meron ako. Pipilitin kong hindi na makabalik pa sa lugar na iyon. Mabubuhay ako ng normal at masaya tulad ng pinangarap ko noong ako ay bata pa, hindi lang para sa akin kundi para kay Mommy. I know hindi rin naman madali sa kaniya ang desisyon na ipasok ako sa Hospital na iyon. She only wants the best for me. Kaya naman sisikapin kong ipakita sa kaniya na ito ang makabubuti sa akin at hindi ang mga gamot sa impyernong iyon. Hinding hindi na ako babalik doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD