As days passed by, mas naging malapit uli kami ni Sleav sa isa't isa. Kahit papaano, ang malaman na halos parehas naman kami na dumaan sa kamiserablehan ay naging dahilan kung bakit mas naging panatag at komportable ako sa kaniya. Sigurado ako na nauunawaan niya ako at ganoon din ako sa kaniya. Hindi ko kailangan na magpanggap palagi na malakas dahil alam kong naiintindihan niya ang ilan sa mga dahilan ng panghihina ko. Sa paglalakbay naman namin, ilang araw na lamang ay mararating na namin ang baryo na siya namang patutunguhan namin. Sa mga araw din na iyon mas dumarami ang posters na nakikita namin at kahit pa sa probinsya ay mayroon nang ganoon. Hindi ko alam kung paano ako makahahanap ng pagkakatiwalaan kung ang tingin na sa amin ng tao ay masama at isang nawawala. Isang tao lamang