Dalawang araw. Dalawang araw pa bago ang araw na ito. Mabagal ang aking bawat paglakad, dahan dahan at maingat. Lumalagitik ang mga tuyong dahon na natatapakan ko, nasusundan pa iyon ng mga apak ni Sleav sa aking likuran. Parehas kaming pigl hininga at ingat na ingat sa paggawa ng ingay. Ipinara niya ang sasakyan sa kalayuan upang hindi mahalata ang aming pagdating. Mabuti na lamang at may kalayuan ang mga bahay dito kung kaya hindi kami pansinin. Alerto ang aming mga mata at tenga sakaling makarinig o makakita ng kung ano. Natatanaw ko ang bahay sa gitna ng lawa, patay ang aurang bumabalot doon, puno ng dahon ang bubong at nakasarado ang bintana at pinto noon. Mukha namang walang tao na nagbabantay ngunit kailangan namin mas maging maingat dahil posibleng may look out sila na iniw