Isang buwan ang nakalipas simula ng ang dalaga ay mahatulan at maitalaga ang silid sa Hospital na iyon bilang kaniyang kulungan aay napakarami ng pagbabago. Ang mga balita ay unti unti nang nababago at napapalitan. Ang mga tao ay unti unti na iyong nalilimutan. Tatlong buwan ang nakalipas, ang kalagayan ng dalaga ay lumalala lamang. Ang mga kaibigan nito ay humingi nang pahintulot upang sila ay makadalaw sa dalaga sa araw araw. Ang dalawang Nurse pa nga ay nagpresinta na sila ang magbabantay dito sa araw araw. Halos hindi nawawalan ng panauhin ang silid na iyon sa Hospital. Sa inaraw araw ay higit sa limang katao ang naroon. Limang buwan ang nakalipas, ang Spokesperson at ang pamilya ng mga participant sa ibang bansa ay bumisita sa dalaga upang muli ay mapasalamatan ito sa ginawang