ROBIN's POINT OF VIEW. Hindi ko mabilang kung ilang araw na ako rito sa loob ng silid na ito na siyang magmimistulang kulungan ko. Gusto kong tawanan ang aking sarili sapagkat parang kailan lang ay isinisuka ko ang kaisipan na isang silid ang nagkukulong sa akin subalit ngayon ay hindi na. Marahil ay dahil sa pagkakataong ito, alam kong deserve ko ang makulong. Hindi labag sa aking kalooban ang pagkakapinid. Pinagmasdan ko si Sleav na nakatayo sa may bintana at malayo ang tingin. Malaya ko siyang natititigan sapagkat nakatalikod siya at hindi nakikita ang aking ginagawa. Gusto kong tawagin paulit ulit ang kaniyang pangalan. Nais kong paulit ulit na sambitin kung gaano ako nagpapasalamat na siya ay aking nakilala. Kung paano niya nabigyan ng pagbabago ang aking miserableng buhay. Kung