S2 Chapter 11

1083 Words

Tahimik silang tatlo habang tinatahak ng sinasakyang tricycle ang daan pabalik sa bukana ng Paesawaen. Hindi sila nakisisiguro kung ang mga kaklase y nakabalik na ba o kaya ay napansin ang kanilang pagkawala. Nang makarating sila doon ay tanging sila pa lamang ang nakababalik ngunit hindi naglaon ay sunod-sunod na huminto ang limang tricycle sa kanilang harapan at agad nilang nakita ang nagtatanong na mata ng President ng Classroom. Sumunod naman ay ang kaklase nilang si Mike na agad na tinapik ang balikat ng binatang si Viro. "Biglaan kayong nawala, ah?" tanong nito. Hindi kumibo ang binata habang ang dalawang dalaga naman ay pinanatili ang neutral na ekspresyon sa mukha. Maya maya lamang ay lumapit sa kanila ang mga kaklase habang ang Class President ay isinaboses ang katanungan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD