Masayang nai-daos ang tanghalian nilang mag-anak kasama ang bagong bisita na si Allyza. "Mabuti at naisipan mo, hija na manatili na rito sa akin," pahayag ng abuela. Isang ngiti ang pinakawalan ng dalagang si Allyza. "Opo, Lola. Miss na miss ko na po kayo pati ang dalawang ito, e." sambit noon. "Ilang taon ka na nga uli, hija?" tanong uli ng abuela na agad nitong tinugon. "Twenty po, La. balak ko po mag-apply as financial adviser dito sa Bagaec at naisipan ko po na imbes na umupa ay dito na lamang para makasama ko kayo," mahabang paliwanag nito. Ikinatuwa iyon ng matanda. "Mabuti naman at naisipan mo iyan at nang hindi naiinip ang dalawa dito." Bakas ang saya sa boses ng matanda. Ayaw pa man na umalis at magpaalam ni Riva ay kinailangan sapagkat hindi sang-ayon ang abuela sa