Kabanata 26

2234 Words

SLEAV Aking hawak ang may kaliitan ngunit makapal na batong aking dinampot bago pa madala sa lugar na ito. Akin nang nalalaman na ang mga susunod kong araw ay magiging madilim at hindi ako mabibigyan ng pagkakataong malaman pa ang mga oras at araw na magdaraan. Madiin ang aking ginawang pag-guhit sa pader, ito ang aking ika-apat na buwan na hindi man lamang nakasisilay ng liwanag mula sa haring araw. Tila isa akong preso na binabartolina sapagkat may nilabag na patakaran. Mabuti na lamang at alam ko ang petsa at oras bago ako madala rito kung kaya naman nabibilang ko ang bawat sandali. Batid kong napakatagal na ng oras na ang aking nasayang subalit iyon ang kinailangan ko upang pag-aralan ang bawat kilos, tao at nakaugalian ng mga naririto na dumakip at nagbabantay sa akin. Kailangan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD