Hindi ko maiwasang hindi magalak ng sobra. Minadali ko ang pagkain at saka lamang nalaman na talaga nga palang gutom ako. Habang kumakain ako ay may kaniya kaniya silang pinagkakaabalahan. Si Zena sa polaroid, si Jiro sa drawing pad ko at ang dalawa pa na nagbabasa lamang ng libro at parang walang sinabi kanina tungkol sa mga plano ko. Hindi ko maiwasang mapaisip kung minsan ba ay sumagi sa hinagap ko na ang kwartong ito ay magkakaroon ng mga bisitang tulad nila? Ang hangad ko lang noon ay makakuha ng impormasyon, hindi kaibigan ngunit binigyan ako noon. Hindi lamang isa. Sapat na sa akin si Arriane ngunit binigyan pa ako ng ilan upang makatulong ko. Napangiti ako at saka isinubo ang huling kutsara ng kanin at saka inayos iyon. Naisip ko rin na maligo muna at hayaan muna silang magpahi