SA halip na lumabas, nanatili lamang si Althed na nakatanaw sa babaeng pulis na iyon habang papasok ito sa employee’s entrance ng salon. Hindi siya makapaniwalang may babaeng sa halip na i-flirt siya ay sasagot-sagutin lang siya nang gano’n. Most of the woman he met easily got attracted to him. Being a known billionaire, blessed with gorgeous face, he was quite popular to women. They would do their best to catch his attention. But that police woman was a big exception. Tinatapakan ng babaeng iyon ang ego niya.
“Kuya, let’s go. Hayaan na lang natin ang mga pulis. We are safer outside,” Ian Sol said.
Althed ignored his brother and followed that woman named . . . Oh, I forgot her name.
“Kuya!”
“I want to make sure if that policewoman can really save the hostage.” He found himself walking towards the employee’s entrance of the salon. Walang nagawa si Ian Sol kung ’di sumunod sa kanya.
As of that moment, wala pa naman silang naririnig na putok ng baril. Marahil ay nakikipag-negotiate pa ang mga pulis.
Marahan silang pumasok sa salon. Agad na napalingon si Ainah sabay tutok ng baril sa kanila. “Ano’ng ginagawa ninyo rito? Pinalabas ko na kayo, ah,” pabulong na litanya nito nang ibaba nito ang baril.
“I own this place. No one is allowed to question my existence in every corner of this building,” he said while looking straight at her. “I’ll go wherever I wanna go.”
“Magtago kayo sa counter table. Hindi ko masasagot ang buhay ninyo in case magpaulan ng bala ang hostage-taker dito.” Nailing na may pinindot si Ainah sa earpiece pagkatapos ay sinabi nitong, “10–43, I’m stuck with Kaviero brothers,” pagre-report nito sa mga kasamahan. Althed understood the security code. It was just a code that give information to the receiver.
Hinila siya ng kapatid niya sa may counter table at nagtago roon. On his view, nakita niyang naglakad si Ainah papunta sa glass door. Nilingon sila nito. “Kahit ano’ng mangyari, ’wag na ’wag kayong aalis ng counter table na iyan. Uulitin ko, hindi ko masasagot ang buhay ninyong dalawa. Pinalabas ko na kayo—”
“Shut up! Just do your work,” sambit ni Althed.
“Kuya!” Sinita uli siya ni Ian Sol.
“You really didn’t change. After years, hambog ka pa rin!” sambit ni Ainah. Pagkatapos ay tumalikod na ito at nag-focus na kung paano ito aatake mula sa likod ng hostage-taker.
“What?” Napakunot ang noo ni Althed. Nagtataka siya dahil kung makapagsalita si Ainah ay parang kilalang-kilala siya nito. Hindi naman niya ito nakikilala. “Kilala mo ba siya, Ian?”
“Oo, bakit? Hindi mo ba siya nakikilala?” balik tanong nito sa kanya.
“Do I have to? Mga importanteng tao lang ang naaalala ko. Hindi siguro siya importanteng tao kaya madali ko siyang nakalimutan.”
Tumawa ang kapatid niya. Naguluhan din siya kung bakit ito tumawa. Wala namang nakatatawa sa sinabi niya. “This is interesting!”
“What the hell do you mean?—” Na-interrupt ang sasabihin niya nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.
Bahagya siyang sumilip at nakita niyang nakikipagbuno si Ainah sa hostage-taker na random kinakalabit ang gatilyo ng baril na hawak kaya random din ang mga ligaw na bala na kadalasan ay sa shop kung saan sila naroon tumatama.
Na-focus ang mata ni Althed sa magandang mukha ni Ainah habang nakikipagbuno ito sa hostage-taker. Fine, she’s gorgeous in that dress and more attractive with a gun on her hand but I don’t like her. Ayaw niya sa babaeng hindi siya gusto. That simple.
“Kuya, hindi mo ba talaga siya naaalala? As in?” tanong pa rin ni Ian.
Umiling si Althed sa tinuran ng kapatid. “You already asked it. No.”
“Sayang lang pala ang effort niyang magalit sa ’yo kung hindi mo naman pala naaalala ang nagawa mo sa kanya.”
“Galit siya sa akin? Why? And why do you know a lot about her?”
“I’ve known her since high school, kuya.”
“She went to the same school?” Ian nodded. “Really? But how come I don’t know her?”
Maliit lang ang exclusive school kung saan sila nagtapos ng high school sa Laguna. Althed was just one year ahead of Ian.
“Aba, malay ko diyan sa utak mong may selective amnesia,” hirit ni Ian.
Althed ignored what Ian said and turned his attention to Ainah. Nahinto na ang barilan. Nakita niyang hawak na ni Ainah ang dalawang kamay ng hostage-taker at pinoposasan na ito. The hostage-drama was over. Lumapit na rin ang iba pa nitong kasamang pulis at tinangay na ng mga ito ang hostage-taker at maging ang hostage.
Pumasok muli sa salon si Ainah. That became their cue to go out from the counter table where they were hiding.
Althed magnificently stood up and fix his clothes. Medyo nairita siya at may nakita na siyang lukot sa damit niya at medyo nadumihan na rin ang pantalon niya dulot ng pagtatago sa ilalim ng counter table.
“Ian, okay lang ba kayo?” Lumapit si Ainah sa kanila.
“Okay lang naman, Ainah. Galing mo do’n, ah. Astig! Parang ang sarap mag-date ng isang pulis,” Ian Sol said flirtatiously.
“Talaga ba?” medyo flirty din na tugon ni Ainah sa sinabi ng kapatid niya.
Hindi alam ni Althed kung bakit pero may kung anong inis na naramdaman siya at hindi siya ang tinanong ng babaeng pulis na ito. So, he caught her attention.
“Hey, you should be asking me not my brother. I own this place—”
“Mukha namang okay ka lang. Okay na iyan,” sagot ni Ainah sabay irap.
Ano ba’ng problema ng babaeng ito sa akin?
“How unprofessional!” he commented.
“Excuse me, Mr. Althed Sol C. Kaviero! Do you think calling a policewoman ‘hey, you’ professional? Nauna ka. I just reflected the attitude you showed me. Kung marunong kang rumespeto ng kapwa tulad ng kapatid mo, eh, ’di sana nirespeto din kita.”
That pissed him off. No one must talk to him like that inside his premises. He walked towards her.
“Kuya!” Ian Sol tried to stop him. Alam nito kung paano siya mapikon.
Hindi niya inintindi ang pagpigil ni Ian sa kanya. Ayaw niya ng pakiramdam na may taong parang kilalang-kilala siya pero hindi niya alam kung bakit.
He looked straight to Ainah's eyes. He gave her a deadly gaze. But as expected, this woman didn’t even show any sign that she was threatened. He moved closer to her. Their faces were just few inches away from each other. Pero ang palabang babaeng ito nakipagsukatan lang ng tingin sa kanya.
“What do you know about me?” He asked her that question with the tone that every woman he knew wouldn’t dare to hear.
Pero gaya ng inaasahan, walang epekto iyon kay Ainah. “A lot. Napakatalino mo, napaka-sporty mo, napakasungit mo, napakayabang mo, napaka—”
“Guwapo ko.”
“Guwapo mo—”
“Thanks.” Napangisi si Althed.
“Ha?” Tila naguluhan si Ainah sa naging flow ng usapan nila. “Fine. Oo, napakaguwapo mo nga pero para sa akin mukha ka pa ring demonyo!”
“Bakit ba gigil na gigil ka sa akin? Who the hell are you?” he asked.
Nakangiting suminghap si Ainah na tila inaasar pa siya. “OMG! Hindi mo talaga alam kung sino ako sa buhay mo? Wala ka talagang maalala?”
“Ah, yeah. Hindi ka nakikilala ni Kuya,” salo ni Ian Sol.
Tumawa nang malakas si Ainah, as if the fact that he didn’t recognize her was a big joke. Lalong kumulo ang dugo ni Althed sa babaeng ito.
“Pinasaya mo ako, Althed. Hindi mo ako nakikilala? Puwes, bahala ka sa buhay mong mabaliw sa kaiisip kung sino ako sa buhay mo!” Binalingan nito kanyang kapatid. “Ian, ’wag mong sasabihin sa kanya ang lahat para makabawi naman ako. Okay?”
“I really don’t have plans at all,” tugon ni Ian sabay kindat kay Ainah.
Inis na binalingan niya ang kapatid. “Why are you taking her side?”
“You know, Kuya, I’m always at woman’s side. Always!”
“Ay, kawawa. Hindi kinampihan ng kapatid,” pang-aasar pa ni Ainah.
Hindi alam ni Althed kung bakit pinapatulan niya ito at sinasayang niya ang oras niya sa walang kuwentang conversation na iyon.
“You know what? Just shut up!” may halong gigil na sambit niya. He actually wanted to walk out. Kaya lang, if he did that without getting even with her, magmumukha siyang natalo. Wala sa diksyunaryo niya ang magpatalo. Kaya kahit walang katuturan ang usapan na ito, papatol siya.
In his mere surprise, this policewoman just laughed. “You know what? Kung noong bata pa tayo, iniyakan ko nang i-shut up-shut up mo ako, ngayon, wala ng epekto sa akin iyan. Go ahead! Shut up me all you can—”
“Florendo!”
Napunta sa bumukas na glass door ng salon ang atensyon nila. Pumasok ang ninong niya na kasalukuyang Police General ng bansa. PGEN Eldwick Almendral was a very good friend of Althed’s parents.
Agad itong hinarap ni Ainah at sumaludo rito. “Sir!”
“Carry on. You did a great job there, Florendo,” papuri ni PGEN Eldwick Almendral dito.
“Thank you, sir.”
Binalingan naman ni Ninong Eldwick ang magkapatid. “At kayo namang dalawa, ano ba’ng ginagawa ninyo rito? Mamatay-matay na sa pag-aalala si Mama Sophia at Daddy Geo n’yo sa labas. Akala sa labas, kayong dalawa ang na-hostage. Buti na lang ini-report agad nitong si Florendo na ligtas kayong dalawa at hindi kayo ang hostage,” dire-diretsong sermon ng ninong niya.
Althed didn’t like the idea that his Ninong Eldwick was praising this policewoman in front of him. Pakiramdam ni Althed, mas magiging confident si Ainah na asarin siya dahil doon. That was petty but he felt that way. The fact that this woman knew him and he didn’t, really pissed him big time.
“Ah, Tito, ayaw kasing pabayaan ni Kuya si Ainah na mag-isang sumugod sa hostage-taker kaya sumunod siya rito. Sinamahan ko na lang. Ang sweet ni Kuya, ano po?” agad na hirit ni Ian.
Tiningnan ni Althed nang masama ang kapatid. “What?!”
He didn’t care about this woman at all. He’s just curious.
“Oh, that’s nice of you, Althed,” nakangiting sambit ng ninong niya.
Napangiwi na lang siya nang makita niyang nagpipigil tumawa si Ainah sa tabi niya gano’n din si Ian.
Binalingan ni Ninong Eldwick si Ainah. “Anyway, Florendo, escort them while going out. Nasa open parking lot ang mga magulang nila. Then, go back to precinct immediately.”
“Sir, yes. Sir!” Sumaludong muli si Ainah sa ninong niya bago sila iwan nito.
Lumabas na ng salon si Ninong Eldwick.
“Let’s go, Kaviero brothers!” Tiningnan siya ni Ainah bago ito naunang lumabas sa fire exit s***h employee’s entrance ng salon.
Tinapik ni Ian Sol ang balikat niya. “Let’s go, kuya.” Sumunod na ito kay Ainah.
Asar na sumunod na rin si Althed. Habang naglalakad sila palabas ng employee’s entrance ay pinagmamasdan niya si Ainah. She was literally walking in sexy way. With the dress she’s wearing, she really looked sexy. Sa kabila ng pagiging astig nitong pulis, her girly side was still there. Althed admitted that Ainah got a nice body and he’s enjoying the view despite the fact that her attitude annoyed him.
“Maganda siya, ‘di ba? And she got the figure,” bulong ng kapatid niya sa kanya.
“If you like her, then go ahead. Date her,” sabi niya.
“Hindi kami talo ni Ainah. Baka gusto mo?”
“Not interested.”
Pagkalabas nila ay agad na sinalubong sila ng yakap ng kanyang ina. Mama Sophia worriedly hugged him and Ian. Althed felt a bit guilty making his parents worried especially his mom. Nakita niya sa ’di kalayuan ang kanyang ama na kausap ang ninong niya.
“We’re okay, ’Ma,” sabi niya.
“Medyo natakot ako, mga anak. Buti na lang sinabi ni Eldwick na may kasama kayong pulis at ligtas kayo.”
“Ah, itong magandang ito ang pulis na iyon, ’Ma,” sabi ni Ian sabay pasimpleng tulak kay Ainah para mapalapit sa tabi ko.
Napalingon si Mama kay Ainah. “Really? Oh, wait, you look familiar.” Napatingin ito kay Althed pagkatapos ay muli nitong tiningnan si Ainah. “Ikaw iyon, ’di ba?”
Napakunot ang noo ni Althed.
“Ah, naku. Mrs. Kaviero, kalimutan na natin ang past. Hindi naman po niya naalala. ’Wag na nating ungkatin,” sabad ni Ainah. “Okay na po ako.”
Damn it! Ano ba talagang meron sa babaeng ito at pati magulang ko, kilala siya?
Napangiti ang kanyang ina. “Gano’n ba? ’Di bale, later on baka maalala ka na rin ni Althed. Pero salamat at inalagaan mo itong dalawa kong anak, hija. And it really nice to see you again.”
“Ah, walang ano man po. Police duty po iyon. Kahit sino pa po ang maiwan sa loob, responsibilidad ko po bilang pulis na magligtas ng tao mula sa panganib.” Feel na feel naman ni Ainah ang sinabi ng mama niya. Althed just shook his head. “Nice to see you din po. Sige po, mauna na po ako. Kailangan ko na pong bumalik sa presinto at i-interrogate pa po namin iyong hostage-taker.”
“O, sige. Ingat ka, hija,” tugon ni Mama Sophia.
“Salamat po.”
Nagpaalam ito kay Ian bago ito naglakad palayo nang hindi man lang nagpaalam sa kanya. That pissed him more. Sinundan na lang niya ang papalayong imahe ni Ainah in poker face. The nerve of that woman!