Chapter 1

2490 Words
FEELING glamorous si Ainah habang naglalakad-lakad siya sa loob ng SCK Mall. Suot niya ang isang wrap-around white floral dress na may cherry blossom flower design paired with a ballerina doll shoes. May bitbit din siyang sling bag kung saan niya isinilid ang baril at tsapa niya. Kung lahat ba naman ng deployment ay ganito ka-chill, eh, mamahalin kong mag-field! Isang dedicated na pulis si Ainah. Huling linggo na siya sa presinto kung saan siya nakadestino dahil ililipat na siya sa National Crime Investigation Agency. Nakasama siya sa team na magroronda sa mga matataong lugar nang araw na iyon. Nagkaroon kasi ng sunod-sunod bomb threats sa kalakhang Maynila na nadagdagan pa ng threat ng terrorist attack kaya mas pinapaigting ng pulisya ang seguridad sa mga matataong lugar tulad ng malls. Hindi siya pinag-uniporme para hindi mahalata ng mga masasamang-loob na alagad siya ng batas. Sinamantala na niya iyon kaya binonggahan na niya ang kanyang OOTD. There were five more police officers inside that mall aside from her. Naghiwa-hiwalay lang sila ng area na rorondahan kaya mag-isa siyang rumarampa—este romoronda—sa area na assigned sa kanya. Masaya si Ainah na sa mall siya napa-assign. Ang tagal na nang huli siyang nakagala sa mall. Puro kasi siya training at deployment. Madalas siyang napapasama sa mga highly-confidential undercover missions at investigation kaya sa tuwing nakalalasap siya ng day off, nauuwi lang iyon madalas sa pagpapahinga buong maghapon upang makabawi naman sa pagod. Feeling like a beauty queen, parampa siyang naglakad sa kalawakan ng mall. Katatapos lang niyang umikot sa food alley. Papunta siya ngayon sa mga salon and spa area. She was still enjoying every single step nang bumukas ang pinto sa isa sa mga sikat na salon for men, few steps away from her. Isang binata na may matikas na tindig na nakasuot navy blue three-piece business suit ang lumabas mula roon kasunod ang dalawang lalaking nakabarong na puti na tipikal na uniporme ng mga bodyguard. Tindig at postura palang, garantisadong pogi ang binata kaya inihanda ni Ainah ang kanyang sarili sa snap na pagpapa-charming. Miminsan lang niya nae-embrace ang pagiging dalagang Pilipina niya kaya lulubusin na niya. Mas madalas kasing tinatrato rin siyang lalaki ng mga katrabaho dahil kaya niyang makipagsabayan sa skills ng mga kapwa niya pulis na lalaki kahit babae siya. Inayos niya ang hawi ng kanyang buhok at nagpatuloy ang parampa niyang paglalakad. Until finally, bumaling sa direksyon niya ang binata. Natigilan siya nang makilala ang guwapong mukha na iyon. Nadismaya siya at napaismid. Guwapo nga pero never mind na lang. Next guwapo, please! Sa dinami-dami nang makikita niya, iyong pang ayaw niyang makita ang nakita niya. Well, dapat in-expect ko nang makasasalubong ako ng isang guwapong hambog na demonyo rito dahil siya ang may-ari ng mall na ito. She remembered the guy. And she didn’t want to remember the feeling anymore. SCK Mall was just one of the businesses owned by Kaviero Group of Companies. Si Althed Sol Kaviero—ang lalaking sinusumpa niya—ang President ng Board of Directors. At sa pagkakaalam niya, ito rin ang CEO na namamahala ngayon ng lahat ng SCK Malls sa bansa at sa Asia. Althed Sol . . . was also the same guy who gave her a traumatic high school life. Naglakad palapit sa direction niya ang binata. Nakabuntot dito ang dalawa nitong bodyguard. Trying her best na mang-deadma, taas-noo niyang sinalubong ito kaya nagkaroon siya ng access para mapagmasdan ang binata. He was walking gorgeously. Iyong tipong kahit naglalakad lang naman ito ay maaakit kang panoorin ang bawat kilos ng katawan nito habang humahakbang ito. He looked so sexy while walking. It is so unfair na ang amo ng mukha mong hayup ka! Na pa-yummy ka nang pa-yummy as years pass by. Na kahit sinaktan mo na ang puso ko, guwapong-guwapo pa rin ako sa ’yo! Pero demonyo ka! That will never change. Matisod ka sana! Muntik na siyang mapahalakhak nang matisod nga ito sa tiles na bahagyang nakausli dahil may bitak na. Ang bilis talaga ng aksyon ng universe! Yes! But knowing Althed so much with all her heart and soul, alam niyang hindi ang pagkakatisod ang makatitinag sa binata. He just continued walking towards her na parang walang nangyari hanggang sa dalawang metro na lang ang layo nila sa isa’t isa. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi inasahan ni Ainah ang pagkabog ng puso niya nang titigan siya nito. Tila biglang nag-slow motion ang paligid. It’s been years since she last saw the guy. She was just sixteen way back then. Ngunit hindi pa pala nakalilimutan ng memorya niya kung gaano kaguwapo ang binata. Nagbago bahagya ang hitsura nito—nag-mature. Pero nanatili pa ring buhay na buhay ang mata nitong parang nangungusap kung makatitig, ang ilong nitong ang ganda ng hubog at tulis, at ang labi nitong palaging parang nang-aakit na humalik. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa and vice versa. Hindi niya binawi ang tingin niya rito. Buti na lang pala at binonggahan niya ang suot niya nang araw na iyon. At least proud siyang nakaharap sa lalaking dumurog sa batang puso niya noon. Hi, Althed! Ako nga pala ang babaeng sinayang mo noon. Sige lang. Pagmasdan mo ang babaeng winalang-bahala mo noon. Mas maganda na ako ngayon, ’di ba? Come on! Appreciate my goddess beauty! Lihim siyang napangiti sa naisip niyang iyon. Binigyan niya lang ito ang matamis na ngiti . . . ngiting aso. Kumunot ang noo nito at napailing. “Weirdo!” sabi nito sabay lagpas sa kanya. Hindi ata siya nakilala nito. Napanganga si Ainah. Weirdo? Iyon lang ang sasabihin mo sa beauty ko?! Hindi pa pala nagbabago ang lalaking iyon. Kung gaano ito kahambog noong mga bata pa sila, ganoon pa rin ito ngayon. “Bakit mo sinabing weirdo ako? Inaano ba kita?!” gigil na hirit niya nang balingan niya ito. Ngunit, napagtanto niyang wala na pala ang binata. Nakalayo na ito; out of sight na. Letse talaga ang lalaking iyon! Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. “Ainah?” Napalingon naman siya nang may tumawag sa kanyang pangalan. Isang pamilyar na binata ang tumambad sa kanya. Ito ang kapatid ng lalaking sinusumpa niya. Kaklase niya rin ito noong high school. “Ian Sol?” Unlike Althed, mabait sa kanya itong si Ian. “Wow! Naaalala mo pa ako! Nice to see you here. Kumusta ka na?” magiliw na pagbati nito. “Okay lang naman. Ikaw? Isa ka rin ba sa nag-manage dito?” “Ah, no. Kay Kuya Althed ’to. I just have fair shares here. I have my own company, the Kaviero Cruise Lines. Kapitan na ako ng barko ngayon.” “Nice. Akalain mo iyon. Guwapong kapitan ng barko ka na ngayon.” “It won’t change the fact na madalas akong nanunulad ng assignment sa ’yo noon.” Tumawa pa ito. “Ikaw, saan ka nagwo-work? What do you do now?” Binuksan niya ang sling bag na dala at pasimpleng ipinakita rito ang tsapa niya. “Pulis ka na? Astig!” Tumawa lang siya. “A dedicated police at your service. Naka-duty ako ngayon, actually. Anim kaming pulis na naka-assign dito.” “Mas nice ’yan. Wait, nagkita na ba kayo ng kuya ko? ’Di ba crush mo iyon dati?” casual nitong tanong. Napasimangot siya dahil naalala niyang tinawag siyang weirdo ng hambog na iyon. “Oo at hindi ako nagulat na hindi niya ako naalala. Sa dami ba namang babaeng lumapit sa kanya na binasted niya, imposibleng maalala niya ako. Ang hindi ko matanggap, after niyang pagmasdan ang kagandahan ko mula ulo hanggang paa, sasabihin niyang isa akong weirdo. Buwisit talaga ang kuya mo!” Humagalpak ito ng tawa kaya lalo siyang nabwisit. “Pagpasensiyahan mo na. Wala kasing girlfriend iyon. Alam mo na. Walang nagpapalambot ng puso. Walang nagpapasaya. Come to think of it. Hindi pa siya nagkaka-girlfriend at all.” It’s her turn to laugh. “Walang naging jowa?” Tumango si Ian. “Kawawa! Tumalab pala ang sumpa!” Bigla niyang naalala ang kalokahan niyang ginawa noong binasted siya ni Althed Sol. Nagpunta siya sa puntod ng kanyang lola. Ayon sa sabi-sabi, isa raw mambabarang ang lola niya noong nabubuhay pa ito. Hindi naman niya alam kung legit iyon dahil never naman niyang nakita ang lola niyang nag-ritual. Wala rin siyang maalala na may binanggit tungkol doon ang mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga ito. Dala ng sobrang pagkabigo at pagkapahiya kay Althed, isinumpa niya sa puntod ng lola niya na walang babaeng magkakagusto sa binata . . . na hindi ito magkaka-girlfriend, na tatanda itong binata. Malay ba naman niyang posibleng magkatotoo iyon. “Ano? Isinumpa mo ang kuya ko?” kunot-noong tanong ni Ian. “Oo. Isinumpa ko na walang magkakagusto sa kanya ever! Pero puwede namang nagkataon lang talaga na walang magkagusto sa kanya kasi kahit saksakan siya ng guwapo, ang sama naman ng ugali niya at ang yabang pa niya, ’di ba? Walang magtitiyaga sa kanya, ano.” “Maliban sa ’yo.” Ngumisi ito. “Galit na galit ka pa rin sa kuya ko. Baka may gusto ka pa rin sa kanya until now.” Unfortunately, alam nitong si Ian Sol ang lahat-lahat tungkol sa pagkagusto niya kay Althed. Diwang saksi rin ito kung paano siya na-basted ng kapatid nitong tuod at hambog. “Excuse me! Kung papatol ako sa isang Kaviero sa ’yo na lang kaysa mapunta ako sa demonyo mong kapatid.” “Oh, I’m flattered. But sorry I’m currently taken. Pero kung willing to wait ka, ilagay kita sa waiting list,” biro nito sabay kindat. Tumawa lang siya. “Babaero ka pa rin. ’Di na nagbago—” “’Walang lalapit! Kung ’di, pasasabugin ko ang utak nito! May bomba ako sa katawan. Sama-sama tayong mamamatay!” Kapwa sila napalingon nang may sumigaw kasabay ng pagkakagulo ng mga tao sa paligid. Isang binata ang namataan ni Ainah na may bihag na matandang babae. Nakayakap sa leeg ng matandang babae ang binata. May hawak itong baril na nakatutok sa sentido ng hostage. Naka-puwesto ito malapit sa salon na pinanggalingan ni Althed kanina. Ainah, turned-on the earpiece of her communicator. “10–35, 10–35! Hostage-taking. 10–20 third floor.” She informed her co-police officers that there was a crime incident happening at the third floor using security codes. Madalas silang gumamit ng mga code kapag deployed sila. Ang lahat ay palayo sa lalaking may hostage habang siya naman ay pasimpleng nagtago sa poste malapit dito. Nag-anunsyo na rin sa buong mall na kailangan ng immediate evacuation dahil sa incident. Nagulat na lang siya nang sa halip na umalis ay nanatili sa tabi niya si Ian. “Uy, police operation na ito. Umalis ka na. Iligtas mo iyong kuya mong hambog.” “Uy, concern kay kuya.” Napa-roll eyes siya. “Dito na lang ako. Baka may maitulong ako,” sambit nito. “At saka, masyadong obvious na ’pag umalis ako rito sa puwesto natin. Baka mapagdiskitahan pa ako niyan. Mauna pa akong mapatay.” Napailing na lang si Ainah dahil may point ito. “10–4, Florendo. We’re on post. Status?” narinig niyang tanong ni PSMS. Cedrick Mapagmahal, ang palagi niyang ka-buddy sa mga ganitong klaseng operation. He acknowledged her report. Napatingin siya sa paligid at napansin na niya ang mga kasamahan. Walang makapunta sa likod ng hostage-taker dahil dead-end spot iyon. “10–32,” tugon niya na ang ibig sabihin ay person with firearm ang hostage-taker. “May matandang babaeng hostage. May bomba raw siya sa katawan but I think, negative.” Binalingan niya si Ian. “May way ba para makapasok ako roon sa shop na nasa likod niya?” “Yeah, employees’ entrance. Lahat ng shop may employees’ passage na ginagawang fire exit din.” Lumingon ito sa isang pasilyo papasok ng restrooms na malapit sa puwesto nila. Tinuro nito iyon. “Puwede tayong doon pumasok. May daan doon.” She nodded. “Mapagmahal, aatake ako mula sa likod,” she said over her communicator. “Geez. Let me do it. Iyan ka na naman; susugod ka na naman.” Napangiwi siya. Madalas, sugod nga naman siya nang sugod sa ganitong operasyon. Malakas naman kasi ang loob niya lalo na’t alam naman niya ang kanyang ginagawa. “Mas malapit ako sa access point. Distract him. Negotiate.” Namataan niya ang puwesto kung saan naroon si Cedrick. Napailing ito sa sinabi niya. Iyon nga ang ginawa ng iba pa niyang kasama. Nakipag-negotiate ang mga ito sa hostage-taker habang pumuslit naman sila ni Ian para makapasok sa employee’s passage na sinasabi nito. Naglalakad na sila sa loob ng daanan ng mga empleyado ng mall nang magtanong sa kanya si Ian. “Paano mo nasabing mukhang wala namang bomba sa katawan iyon?” curious nitong tanong. “Fitted shirt at pants ang suot niya. Walang paglalagyan ng bomba, unless isinipit niya iyon sa brief niya,” paliwanag niya. He chuckled. “That’s too dangerous.” Bahagyang nagulat si Ainah nang makasalubong nila si Althed. Mag-isa lang ito. “Ian, ano’ng ginagawa mo rito? Dito mo pa dinala ang date mo. Don’t you know there’s hostage-taking? May bomb threat pa. Let’s go!” sabi ni Althed. “’Di ko siya ka-date, Kuya—” “Ah, so napulot mo lang siya sa labas? How generous of you. Let’s go. Dito ang way palabas—” Naningkit ang mata Ainah sa narinig. Kaya asar na binunot niya ang tsapa niya at isinupalpal niya iyon sa guwapong mukha ni Althed. “Pulis ako and I have to save an old lady, you know?” asar na sambit niya sabay walkout. May ililigtas pa siyang hostage. Sayang ang oras niya kung makikinig pa siya sa kahambugan ng lalaking ito. “Hey you!” tawag nito sa kanya. Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Huminto siya at lumingon. “Hey you ka rin! It’s Police Master Sergeant Maria Ainah Florendo.” Inirapan siya nito sabay iling. “Whatever! Puwede bang resolbahin ninyo nang mas mabilis ang hostage drama na iyan? You know, I’m losing millions every minute because of that,” mayabang na sambit nito. “Kuya, that’s ridiculous!” hirit ni Ian pero hindi naman ito pinansin ng kapatid nito kaya lalo siyang nainis. “Seriously? Pera ang concern mo?!” gigil na hirit niya. “Florendo, ano’ng nangyari? Ang tagal mo!” narinig niyang sambit ni Cedrick mula sa communicator. She sighed. “Saglit lang. Kasama ko kasi ang magkapatid na may-ari ng mall. I just need to secure their safety. Nasa employees’ entrance door na ako ng shop on your left. Give me few seconds.” “Copy!” Inirapan niya si Althed at binalingan si Ian. “Lumabas na kayo ng kuya mong hambog. Salamat sa tulong mo.” At nagmadali na siyang pumasok sa loob ng isang salon for men.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD