Episode 3

1286 Words
Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang magtrabaho ang nobyo niyang si Jules sa Maynila. Medyo nasasanay na rin naman siya na wala ito, at hindi naman ito nakakalimot na tumawag sa kanya sa umaga at sa gabi bago ito matulog. Napakaraming kwento nito tungkol sa bagong trabaho at kasalukuyang buhay nito doon. At masaya daw ito dahil marami daw itong mga bagong natututunan, nadagdagan din ang mga kaibigan nito. Tumira ito sa pinsan niya na nagpasok sa kanya sa trabaho, kaya wala siyang dapat problemahin, bali makikihati na lang daw ito ng pagbabayad sa apartment kapag sumahod na ito. Sa mga pag uusap nila ay hindi ito nawawalan ng mga kwento at siya ay tagapakinig na lang talaga. "Miss mo na ba ako?" Biglang tanong nito sa kanya. "Eh ano ba sa tingin mo po? Hindi kita miss! Kasi miss na miss na kita sobra! Hala uwe na dito, hindi na ako galit." Tumawa siya. Ayaw niya na makadagdag pa siya sa iisipin nito kapag malaman nito na sobra siyang nalulungkot sa paglalayo nila, pilit niyang ipinakikita sa nobyo na okay lang siya at kaya niya. Pagkatapos siyang kausapin ng kanyang Mama ay nakapag isip isip na din siya nang tama. Dapat ay matuto siyang maghintay sa tamang panahon, maging maging masaya para sa taong mahal niya, at suportahan ito sa mga layunin nito sa buhay, lalo't mabuti naman. Iniisip na lang din niya na kung sila talaga sa huli, ay magaganap iyon at mangyayari kahit ano pang dumating na mga balakid. "Tulog na baby koh! Pahinga na tayo at maaga pa tayo bukas." Narinig niya sa kabilang linya, nagpapaalam na ito. "Opo mahal koh! Goodnight my loves." Puno ng lambing ang boses niya sa nobyo. "I love you so much! Ikaw lang ang nag iisa dito sa puso ko, goodnight mahal koh, isama mo ako sa panaginip mo." Pagkatapos ay narinig niyang ibinaba na nito ang phone. Siya naman ay nahiga na, pumikit na siya para matulog. Masaya na ang pakiramdam niya dahil nagkausap na sila ngayong gabi, at nalaman niya na maayos ito sa lugar nito. At dahil sa mahal niya ang lalaki na iyon ay susundin niya ang sinabi nito na matulog na siya. May ngiti pa siya sa labi nang tuluyang makalimot at lamunan siya ng pagkatulog. At isang magandang panaginip ang naganap sa kanya dahil kapiling niya ang nobyo niya, naroroon daw sila sa kanilang tagpuan, magkayakap sa isa't isa. Napakasaya ng kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon. Nag uumapaw ang pagkagalak sa kanyang puso. Tinititigan niya ang gwapong mukha nito, ang mga mata nito ay nagniningning sa pagmamahal na para sa kanya lamang. Dahan dahang bumababa ang mukha nito sa kanya at syempre alam na niya na balak siyang halikan nito. At nang tuluyang lumapat ang labi nito sa kanya ay napapikit na siya at dinama ang masarap na pakiramdam dulot ng halik na iyon. "Jules." Anas niya. Nagkaroon ng konting puwang sa pagitan ng mga labi nila kaya nabigkas niya ang mahalagang pangalan na iyon. Eto ang gusto niya sa kanyang nobyo, napakagentle nitong humalik na pati sa paghalik nito ay parang inaalagaan siya. Lagi niya tuloy naiisip na napakaswerte niya talaga sa lalaking ito. Nakapikit pa rin siya habang patuloy nitong inaangkin ang kanyang malambot na labi, ikinapit na niya ang kanyang dalawang kamay sa batok nito. Maya maya pa ay naramdaman niyang lumalim at dumiin ang paraan ng paghalik nito, naging mapang angkin ang mga labi na iyon. Napaungol siya ng hindi niya mawari. Naguguluhan na siya at pakiramdam niya tuloy ay parang hindi na si Jules ang humahalik sa kanya. Hinapit pa nito ng tuluyan ang kanyang malambot na katawan, kaya ramdam niya ang matitigas na mga braso na pumulupot sa kanyang katawan. Gusto niyang magmulat ng mga mata para tignan kung bakit nagkaganoon si Jules sa kanya, pero hindi niya naituloy dahil nakakaramdam na siya ng pag iinit ng kanyang katawan at pakiwari niya ay nasasarapan na siya sa ginagawa sa kanya ng kaniig. Ang munting dila nito ay pilit na pumapasok sa kanyang bibig at hinahanap ang kanyang munting dila. Muli siyang napaungol sa sensasyon na hatid niyon sa kanyang pagkatao. "Ganito pala si Jules kapag sobrang nananabik sa kanya!" Naisip niya, ngayon lang kasi niya iyon nalaman. Tuluyan na siyang tinangay ng kakaibang pakiramdam dulot ng ginagawa sa kanya ni Jules. Naisip pa nga niya na masmasarap ang paraan nito nang paghalik na ginagamit sa kanya ngayon kaysa noon, talagang nakakapapawala ng kanyang katinuan. Nang bigla siyang makaramdam ng pagkalunod dahil ang mga palad nito ay naroroon na pala sa kanyang iniingatang dibdib, ni hindi niya napansin na nakapasok na pala iyon sa loob ng kanyang suot na damit. Ngayon lang nangyari na may nakahawak na sa mga iyon kaya pakiramdam niya ay nanigas na ang buo niyang katawan sa bagong pakiramdam na hatid ng mainit na palad nito. Nakaramdam din siya ng pagtataka dahil hindi naman iyon hinahawakan ni Jules sa tagal ng relasyon nila at dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanya kaya iginagalang siya nito ng lubos. Ang gusto nito ay makasal na daw muna sila, saka pa lang nito gagawin ang mga ganoong bagay sa kanya, hanggan halik daw muna at yakap ang ipaparamdam nito sa kanya dahil iyon ang tama. Kung minsan nga ay nakikita niya ang sobrang pagpipigil nito sa sarili na huwag siyang hipuan. Ganoon siya kamahal ng nobyo. Pero bakit ngayon ay nagawa iyon ng binata sa kanya, hindi talaga siya makapaniwala. Bahagya siya lumayo dito, itinulak niya ito ng marahan lang upang makita ang mukha nito. At sa pagkagulat niya ay hindi ito si Jules na nobyo niya, ibang lalaki itong nasa harapan at kaniig niya, hindi niya ito kilala. Nakaramdam siya ng malaking takot lalo pa't nabasa niya sa mga mata nito ang matinding pagnanasa sa kanyang katawan. Bigla siyang nagwala at nagpilit na makapiglas mula sa pagkakayakap nito. "B-bitawan mo ako! Sino ka ba?" Malakas na sigaw niya sa lalaking estranghero. Nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Bakit ka nagkakaganyan asawa ko!" Biglang tanong nito. Para siyang nabingi sa narinig. Pakiramdam niya ay lumaki ang kanyang ulo. Bakit siya tinawag na asawa nito, eh ni hindi nga niya ito kilala. Lalo pa siyang nagwala at nagawa nga niya na makaalpas sa mga braso nito, nang hindi sinasadyang napatingin siya sa kaliwang kamay niya at nakita niya na may singsing siyang suot, takang tinitigan niya iyon. Hindi siya lubos n makapaniwala sa mga nagaganap. Tinignan niya rin ang daliri din ng lalaki, at sa pagkagulat niya ay parehas ang singsing na mga suot nila, parang wedding ring iyon. Napaatras siya sa matinding takot. "H-hinde, hindi ito totoo!" Malakas niyang sigaw muli dito. Pilit niyang tinatanggal ang singsing na iyon sa daliri niya, ngunit ayaw matanggal. "Asawa na kita Celyn at dapat tanggapin mo na iyon, wala nang makakapagpahiwalay sa ating dalawa!" Malakas na sabi pa nito sa kanya. "Hindeee!" Bigla siyang nagmulat ng mga mata, at humugot siya ng hangin sa dibdib. Bumangon siya at napasapo siya sa kanyag ulo. "Panaginip lang pala! grabi akala ko totoo na, bakit nakapanaginip ako ng ganoon? Sino yung lalaki na iyon?" Pilit niyang inalala ang mukha ng lalaki sa panaginip niya, ngunit nawala ang mukha nito sa alaala niya. Basta alam lang niya na hindi si Jules ang lalaking na iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa tabi at tinignan ang oras. Alas dos pa lang ng madaling araw ang sinasaad ng kanyang phone, at dapat pa siyang matulog. Muli siyang humiga sa kanyang kama. "Sana ay hindi na ako managinip ng ganoon ulit." Dasal niya. Pumikit na siya para piliting makatulog muli. Binalikan niya ng alaala si Jules para iyon na lang sana ang mapanaginipan niya kung mananaginip siya ulit, at hindi ang kung sino sinong lalaki na hindi naman niya nakikilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD