Episode 2

1091 Words
"Celyn! Kailangan mo nang kumain, lumabas ka na diyan." Mama na niya ang tumawag sa kanya, kaya dapat na siyang bumaba. Kanina pa siya nagmumukmok sa higaan at umiiyak. Hindi pa siya pumasok ngayon, dahil hindi niya kaya na makisalamuha muna, nakiusap siya sa Mama niya na payagan muna siya na umabsent ngayong araw, naaawa siguro sa kanya ito kaya pumayag na rin ito na magpahinga muna siya. "Celyn, aalis na ako ha, yung mga bilin ko sayo, yung mga pinag usapan natin. I hope naiintindihan mo ako mahal ko!" Hindi niya maiwasan na hindi maiyak sa mga sinasabi ng boyfriend niya. Tumawag ito kaninang madaling araw bago umalis. "Jules sobra kitang mamimiss. Hindi ako sanay na malayo ka!" Napabunghalit siya ng iyak. Pilit siyang pinapatahan nito pero hindi siya napatahan. Gusto niyang ilabas ang nararamdaman niya. First boyfriend niya si Jules at talagang minahal niya ito ng sobra, kaya nga simula ng sinagot niya ito ay naging aloof na siya sa lahat ng lalaki at never na siyang nakipaglapit sa mga ito, gusto niyang ipakita sa nobyo niya na tapat siya at totoo dito. Ito lang ang nag iisang kukuha ng kanyang atensyon. At deserved naman iyon ng binata dahil talagang iginalang at inalagaan siya nito. Kaya nga nagustuhan na rin ito ng kanyang Mama. "Mahal na mahal kita Jules! Huwag mo akong ipagpapalit doon ha." Sabay iyak na naman siya "Ako din Celyn pinakamamahal kita! Nag iisa ka lang sa puso ko at sa buhay ko, kaya huwag ka nang mag iisip ng negative patungkol sa relasyon natin ha." Pilit siyang inaalo nito Natapos na ang pag uusap nila dahil kailangan na nitong umalis. At siya naman ay hindi na tumigil sa pag iyak at nagmukmok na sa kanyang kwarto maghapon. Hindi rin siya kumain ng almusal at tanghalian kaya inakyat na siya ng kanyang ina. "Celyn! naririnig mo ako?" Malakas na sabi ng Mama niya. "O-opo Ma. Susunod na po ako sa ibaba." Nanghihina pa siya ng tumayo, dala marahil ng pagpapalipas niya ng gutom. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa patungan para tignan kung my message na ang boyfriend niya. Pabuntong hininga na ibinalik niya ulit iyon sa patungan. "Nasaan na kaya si Jules? Busy siguro ito." Wala pa rin kasing paramdam ito sa kanya. "Anak hindi ka na pwede na hindi papasok bukas ha, bawal na magmukmok bukas at pinagbigyan lang kita ngayon." Napatingin siya sa kanyang ina, kasalukuyan siyang pinagsasandok nito na kakainin niya. " Yes Ma." Matamlay na sagot niya, bagsak pati ang mga balikat niya. Inilapag nito ang plato ng pagkain sa harapan niya at naupo paharap sa kanya. "Anak 18 years old ka na! Hindi ka dapat ganyan, na nalulungkot ka damay lahat at pababayaan mo sarili mo, be matured at maging malakas ka. Control your self at matuto kang lumaban. Dahil sa boyfriend nagkaganyan ka na eh magtatrabaho lang naman sa Maynila kung makapagmukmok ka na diyan. Lahat ng bagay ay may dahilan at matuto kang maghintay. Eto sasabihin ko sayo Celyn at naniniwala talaga ako dito. Kung kayo talaga ni Jules, kayo talaga at walang makakapigil dun. Just learn to wait for the right time." Nakikinig lang siyang mabuti sa Mama niya habang kumakain, napaisip tuloy siya na napasama niya siguro ang loob nito kaya  sinesermunan siya ngayon. Bihirang magalit o magsermon ang kanyang ina. Hindi kasi masalita ang Mama niya ang ugali nito kapag may hindi nagustuhan ay titignan ka lang ng may kahulugan pagkatapos ay hindi ka kakausapin. "Sorry Ma!" Mahinang sabi niya. Ngumiti naman ito sa kanya. "Alam mo ba Celyn, dahil sa lumayo si Jules sa iyo dahil sa tamang dahilan. Diyan mo malalaman kung talagang mahal ka niya at tapat siya sa iyo. Kung darating ang panahon na ikakasal na kayo, saka mo malalaman ang sinasabi ko ngayon sa iyo. Mas magiging maganda ang relasyon ninyo sa isa't isa dahil sinubok kayo ng panahon at pagkakataon at napatunayan ninyo na tapat at mahal ninyo talaga ang isa't isa." Tumango tango siya bilang pagsang ayon. "Thanks Ma!" Yumakap siya dito Maswerte siya sa kanyang ina, iyon ang masasabi niya. Wala siyang masabi sa pag aalaga nito at kasipagan, maintindihin din ito sa kanila especially sa Papa niya. Kahit sa malayo naghahanap buhay ang Papa niya ay hindi nagkakaproblema ang mga ito, lagi itong nakakaunawa. Kita niya kapag umuuwe ng Papa niya ay lagi nitong niyayakap ang kanyang Mama. Sabi noon ng kanyang ina na pagod na pagod ang ama niya sa pagtatrabaho at kaya daw pilit na umuuwe ito sa kanila ay para makapagpahinga na kasama sila kaya dapat alisin yung away away, saka negative na pag iisip, kasi kung aawayin daw ng kanyang ina ang kanyang ama at pag iisipan ng hindi maganda, kawawa naman daw ang Papa niya. Naalala niya yung quotes sa f******k na nabasa niya. Sabi doon na "Kahit ilang buhay pa ang dumating, ikaw pa rin Mama ang paulit ulit kong pipiliin na maging aking ina". Agad niyang pinusuan iyon, dahil ganoon din ang damdamin niya para sa Mama niya. Maswerte silang magkapatid sa pagkakaroon ng mabuting ina. Nakatanaw siya sa bintana ng kanyang silid, kakaalis lang ng kanyang Mama at pupuntahan ang Grocery store nila sa bayan. Ang kapatid naman niya na lalaki na si Carl ay mamaya pa uuwe na manggagaling sa school nito. Nasa grade 7 pa lang ito. Iniisip niya ang mga sinabi ng kanyang ina at sa tingin niya ay tama ang mga iyon. Bata pa naman siya at matuto siyang maghintay ng tamang panahon, kung talagang sila ang tadhana ni Jules mangyayari yon. Nakakaramdam pa rin siya ng matinding kalungkutan dahil nasa malayo na ang kanyang nobyo pero sabi na Mama niya na pagsubok iyon sa pag iibigan nila, at doon nila malalaman sa isa't isa kung talagang matatag ang kanilang pagmamahalan.        "Ano kayang nangyayari sa kanya doon sa Maynila? Sana ay maayos siya at magawa niya ang mga ninanais niya." Umupo siya sa kanyang mini table at tinignan ang picture frame nito na nakapatong doon. At sana ako lang talaga ang mahal mo at nasa puso mo! Dahil ako ay willing maghintay sa iyo, na magawa mo muna ang mga dapat mong gawin, pagkatapos ay balikan mo ako." Kinakusap niya ang larawan nito.          "Pero ako sa sarili ko masasabi kong tapat ako sa pagmamahal ko sa iyo Jules, at wala na akong iibigin na sinuman kundi ikaw lang." Sinabi niya sa sarili.          Nangalumbaba siya sa kanyang lamesita. "Ang hirap pala ng LDR! Isang araw ka pa lang nawawala pakiramdam ko ay isang taon na agad."                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD