Irah Marie’s POV “Rome,” mahinang sabi ko pero alam kong sapat na para marinig ng lalaki. Mahigit isang buwan mula nang huli ko itong nakita. Ang tanging pinagbago lang nito sa paningin ko ay mas lalo itong naging makisig. Pero ang titig nito na makalaglag panty ay pareho pa rin ang epekto sa sistema ko. Nakakapang-lambot ng tuhod. Bagay na bagay kay Rome ang suot nitong business suit. Totoong hindi ko na namamalayan ang paligid ko. Bakit kaya ganito ang t***k ng puso ko? Patuloy ang pagtitig ko sa mata nito habang lumalalim pa ang paghinga ko. Daig ko pa ang inaatake ng hika dahil kinakapos na ako ng hininga. I’m suffocated. Hindi ko pa masabi kung galit ba si Rome sa akin dahil hindi ko nababakas sa mukha nito. Hindi ko mahulaan kung ano ang emosyon ng lalaki na kaharap. Unti-unti