Irah Marie’s POV “Sa maid’s quarter?” Kung gano’on ay gagawin pala akong katulong ni Rome. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa gwapong mukha ni Rome. “I need to buy something for Rodney as a reward for his high score on the exam. Babalik din ako agad.” “Okay, hijo.” sagot naman ng babae na saglit na sumulyap sa akin. “Sige, dadalhin ko muna itong magandang dilag sa kwarto niya.” tila naiilang naman na dagdag nito. Marahil ay dahil sa maling akala niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang napapahiya ako sa harapan ni Rome. Balewala lang ang presensya ko lalo na ng tinapunan lang ako ng tingin nito sabay lakad paalis ng sala. Napahawak ako sa tiyan ko habang tinitingnan palayo ang lalaki. Kahit papaano ay nawala na rin ang kaba ko sa dibdib na dulot