Irah Marie’s POV “Tulong!” Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng humihingi ng saklolo. Nakita ko ang isang kawawang babae na pinagtutulungan ng mga siga dito sa lugar namin. Ngayon ko lang nakita ang babaeng pinag-titripan ng grupo nila Rocky. Matagal nang naghahari-harian ang grupo nila Rocky. Hindi naman kami kasama sa mga pinag-titripan ng mga ito dahil naging ka-tropa ni Kuya Joshua ang isa sa kapatid nito. Pero kapag mga baguhan talaga na mukha ang makikita nila sa lugar na ito ay binu-bully nila. Hindi ko lang maatim na pati ang walang laban na babae ay papatulan nila kaya sumigaw ako. “Bitiwan mo siya!” malakas na sigaw ko. Agad naman na lumingon si Rocky na agad kumunot ang noo sa akin. Sandali akong sumulyap sa babae. Grabe! Ang ganda niya. “Irah, huwag kang makialam di