CHAPTER 16 Sa sindikatong kinaaniban ni Errol ay may batas silang sinusunod. Ang pagsasabi kung sino ang namumuno sa kanilang grupo ay isang hudyat na inilalagay mo na din ang sarili mo sa hukay. Kamatayan ang katumbas. Hindi lang sa nagsabi ng sikreto, kasama na ding ang taong pinagsabihan o nakakaalam na sa sikreto. “Gusto mong mag-usap tayo hindi ba? Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino ang pinuno ninyo. Sino ang nag-uutos at nagbabayad sa’yo para pumatay.” Napakamot si Errol. Umiling-iling. Tinitigan niya sa mata si Clint. “Patayin mo man ako ngayon, hinding-hindi ko sa’yo sasabihin hindi dahil takot ako sa maaring mangyari sa akin kundi ayaw kong mainvolve ka dito. Pare ko, ito ang maaring mitsa ng ikapapahamak ng buhay mo.” “Pulis