HINDI KO maipaliwanag ang kasiyahang bumabalot sa puso ko. Pagkagising pa lang kinabukasan nang umaga, ngiti agad ang gumuhit sa aking mga labi. Hindi ko pa rin makalma ang sarili lalo na't nasa tabi ko lang si Archer. Paulit-ulit na bumalik ang mga imahe ng kahapon, hindi ko naiwasang mag-init muli ang mukha. Marahan akong tumayo mula sa pagkakahiga sa braso niya. I have to cover myself up before he sees me again... naked. Malapit ng sumikat ang araw ngunit tanaw pa rin sa ibang banda ang kadiliman ng gabi. Nakatutuwang isipin na nakapagitna ako sa araw at gabi kasama ang taong inalayan ko ng buong pagkatao ko. As soon as I put on my jacket, I heard him moved. Bumaling ako ng tingin sa kaniya pero agad ko rin iyong binawi, for he was dressing himself. "Y-you woke up early," aniya haba