Chapter 6

1607 Words
THALIA'S POV Padabog akong bumaba ng hagdan patungong ground floor, dikit ang kilay kong dumeretso sa loob ng counter at padarag na binitawan ang hawak na tray. Halos magtaas-baba ang dibdib ko sa sobrang pagkahingal sa pinagsamang pagod at inis. Nabu-bwisit talaga ako, fudge! Hindi ko alam kung dala lang ba 'to ng pakikipag-break ni Jaxon o dahil sa presensya ng walang 'yang lalaki na 'yon? How dare him! Sino ba siya sa inaakala niya? Malalim akong bumuntong hininga, pilit na kinakalma ang sarili at wala pa sa huwisyo nang malingunan ko ang mataas na building na siyang nasa tapat ng Bluebells Café So, sa kaniya iyan? Iyang Trade & Home Structure Company? Sa higit isang taon kong pagta-trabaho rito ay ngayon ko lang talaga nalaman na iyong famous name nitong “Evan” ay pagmamay-ari pala niya. Matagal ko nang naririnig ang pangalang iyon, pero sa isang taon na pamamalagi at pagtatrabaho ko rito ay ngayon ko pa lang siya nakita personally. Ayon kay Stacy, na siyang nagsabi sa akin ng lahat kani-kanina lang, na isa ito sa mga business tycoon na namamayagpag sa panahon ngayon. Once in a blue lang din siya bumibisita para sa branch niyang narito kapag may problema. And Stacy Roberts said, he's famous for being rude and a heartless bachelor. Yeah, I know that! Alam ko na, ngayon-ngayon lang. Hindi talaga ako maka-get over sa kayabangan niya. Ang attitude, grabe! Pagak akong natawa. No wonder he looks like a monster. He looks old, pero hindi maitatangging gwapo ito kaya ganoon na lamang siya pagtinginan ng mga babae rito kanina. Matanda na pero malakas pa rin ang appeal. Siya nga naman, mayaman kasi. Muli akong tumawa, sakto naman nang lumabas si Stacy mula sa kitchen. "Oh! Anong nangyare, friendship? Tinanggap ba?" agad nitong pagtatanong habang tinataasan pa ako ng kilay. Mabilis kong itinuro ang tray kung saan naroon pa rin ang pinggan na may lamang cake at tama nga ang Evan na iyon sa kaniyang hinuha— nakita kasi ni Ma'am Paula ang eksena kanina. Pinagalitan pa ako at sinabing magbigay ng peace offering sa kaniya, syempre kaltas sa sahod ko iyon. Nakakagigil ang depungal, ang sarap tanggalan ng ngipin. Grr! "Ay, hindi niya tinanggap? Sayang at best seller pa naman natin iyan." "He don't want sweets daw, ang arte talaga!" palatak ko at muling isinuot ang apron. Nagdadabog na bumalik ako sa counter, nakasimangot pa akong humarap sa customer's line. Kalaunan nang maalala ko iyong sinabi ng depungal na 'yon. Am I happy with my job? The heck! Of course I do! Nataon lang na broken hearted ako at nakalimutan ko namang iwan ang problema sa bahay. Sino bang makakalimot agad, hindi ba? May first ever boyfriend cheated on me— that was the most painful heartaches for me. Just take note, buong puso ko ang naibigay ko that I almost forgot myself. Hay nako, nakakainis! Wala sa sariling napairap ako sa hangin, kung mas rude siya— aba, pinakitaan ko nga! Wala akong pakialam kung may kasabihang “customer is always right” dahil sa pagkakataong 'to, hindi naman yata tamang bastusin na lang niya ang mga katulad kong hamak na empleyado lang. Not totally binastos in a way of s****l harrasment, but his behaviour is kinda off! Grr times two. "Hayaan mo na, masasanay ka rin. Isa pa, ganoon na talaga yata 'yon since birth," anang Stacy na naroon sa katabing counter. "And I wonder kung bakit siya nagkaganoon? Iniwan kaya siya? Or something na mas malalim na rason?" tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "I don't know, maybe yes or no? Bakit hindi mo na lang alamin?" Sa narinig ay wala sa sariling binalingan ko si Stacy, maang ko itong tinitigan at nakitang nakatagilid ang ulo niyang nakalingon sa akin. "Befriend him, malay mo ay pumatol," pang-uudyo nito saka pa ngumiti, tila nandedemonyo. "Friend, ka-kaibiganin ko? Kakasabi mo lang kanina, he hates woman kaya nga ang secretary niya ay lalaki 'di ba?" natatawa kong turan. As if papatol ang depungal na 'yon, matanda na siya and he knew what was good for him. In his age, he already knows everything. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon para sa kaniya, if he doesn't care, then who cares? Magsarili siya, bwisit siya. "Malay mo lang naman. You know, most of deep people are deeply drawn by their past. Marahil iyon ang dahilan kung bakit siya gano'n, like you— bitter ka kasi niloko ka ni Jaxon." "Stacy!" singhal ko rito at patagong sinipa ang paa niya. Malakas naman siyang tumawa. Gagang 'to! Siya ang mentor ko sa pagmo-move on pero siya rin itong panay ang banggit sa pangalang iyon, sa lalaking gusto ko nang ibaon sa limot. "Ayaw ko sa lalaking 'yon, para siyang living dead kung umasta. Ang yabang-yabang! Hays, mga lalaki talaga, jusko!" "Huwag ka ngang bitter diyan," tumatawang saad ni Stacy ngunit inirapan ko lamang ito. Mayamaya pa nang sabay kaming napalingon ni Stacy sa bagong dating— uh, no! It's Evan again. Ano na naman kaya ang problema ng depungal na 'to? Naroon siya mismo sa tapat ng counter ko, kaya alam kong ako ang sadya nito, halos mabali naman ang leeg ni Stacy upang tingnan ang inilapag nitong si Evan sa harapan ko. "Take it, so you can sleep peacefully," baritonong boses niya ang muling umalingawngaw sa buong shop. Nang bitawan nito ang hawak ay doon ko nakitang pera iyon, one blue bill to be exact. Nangunot ang noo ko at agad na nag-angat ng tingin dito, handa na sanang singhalan siya. Ngunit huli na dahil nakalabas na ito, ni hindi man lang niya hinintay kung tatanggapin ko ba iyon. The heck! Nakakainis na talaga ang lalaking 'yon. He's getting on my nerves! Kulang na lang ay pumutok ang ugat sa leeg at noo ko. "Ang yaman talaga." Dinig kong puna ni Stacy. "Baka mayabang," mabilis kong salungat dito. Siya na na ang kumuha sa pera at ibinigay kay Ma'am Paula to acknowledge na may natanggap akong ganoong pera na hindi naman benta, baka kasi pagkamalang kinupit lang iyon sa kaha. Malalim akong bumuntong hininga, pilit pa ring pinapakalma ang nag-iinit kong ulo. Nakita ko pa ang pagtawid nito sa kabilang kalsada at ang pagpasok niya sa building na iyon. Tch, napaismid ako at nagbaba na lamang ng tingin. "Hindi niya ba kinain?" pagtatanong ni Ma'am Paula na siyang kalalabas lang sa kitchen at inginuso ang peace offering para kay Evan. "Sayang, ah. Sa iyo na lang, Thalia." "Ma'am?" takang tanong ko. "Kainin mo na. Bawal na 'yan ibenta pa at para na rin mahimasmasan ka dahil kanina pa ako naririndi sa boses mo sa loob," pahayag nito kaya nahiya naman ako. "Sorry po..." Wala na akong nagawa kung 'di kunin iyon at napagdesisyunang dalhin na lang sa rooftop upang doon kainin. Naalibadbaran kasi ako, pakiramdam ko ay kailangan ko lang ng sariwang hangin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto sa akin ng Evan na 'yon. What I mean is, grabe ang inis na nararamdaman ko, hindi ko lang talaga makayanan ang pagiging son of a b***h niya. "Tch, may karma ka rin," bulong ko bago nilingon ang matayog na building sa harapan ko. Hindi nagtagal ay mabilis na lumipas ang oras, tinatanggal ko na ngayon ang apron ko para makauwi na. Gusto ko nang magpahinga kaya lang ay naisip ko, baka mas lalo lang akong ma-badtrip sa bahay. Bakit ba ang daming kontrabida sa buhay ko? Ayaw ba nila akong sumaya at laging kino-control lahat ng ginagawa ko? Sa totoo lang ay kagustuhan ko lang itong pagpasok sa Bluebells Café, sa pagmamahal ko kay Jaxon ay naghanap ako ng paraan para hindi ako pauwiin sa London o Brazil. Ayaw talaga ni Mom and Dad na nagtatrabaho ako rito sa shop, nakiusap lang ako na dito muna ako pansamantala and of course, pumayag sila dahil kaakibat naman no'n ay ang pagpapakasal namin ni Jaxon. Ewan ko na lang kung anong mangyayari ngayon, kung ipipilit pa rin ba nilang ipakasal kami sa ngalan ng naghihingalo nilang business, o tuluyan na akong ipapadala sa London. Kibit ang balikat kong lumabas sa locker room at nagpaalam na sa kanila bago dere-deretso ang naging lakad ko palabas ng coffee shop. Pasado alas singko na ng hapon, ramdam ko na rin sa balat ang pang-gabing lamig. Sa ilang segundong pagkakatayo ko roon ay tiningala ko ang mataas na gusaling iyon. I assumed na nasa 25th floor ang building na 'to, sa pinakataas ay may nakalagay na “Trade & Home Structure Company” and I must say, it has a good outerior design. Nacu-curious tuloy ako kung ano ang itsura ng loob nito, gusto ko sanang pumasok. Kaya lang ay huwag na, baka makasalubong ko pa ang Evan na iyon. Umismid ako at handa na sanang tumawid sa kabilang linya upang doon mag-abang at sumakay ng jeep nang bigla akong mapahinto. Mabilis kong kinuha ang spare phone kong naroon lang sa bulsa na siyang malakas na nagri-ring, si Daddy ang tumatawag at kahit ayokong sagutin ay ginawa ko na. "Yes? What do you want?" "We're here at California Shack, be here as soon as possible." Sa boses nitong may katandaan na ay hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. Naintindihan ko lang iyong “California Shack” a fine dining restaurant na pagmamay-ari ng mga Lewis, yes— pamilya ni Jaxon the cheater. "Don't be late, we were discussing your upcoming wedding." "What the hell, Dad?" bulalas ko sa kawalan kaya walang pasabing pinatayan niya ako ng linya. This is so wrong! What should I do? Gosh, nakaka-stress. Pisteng yawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD