Chapter 14

1566 Words

Padabog na isinarado ko ang pintuan sa kwarto ni Evan, hindi ko na muna pinansin kung gaano kaganda at kalawak ang loob nito dahil dumeretso na ako ng banyo. Mabigat pa ang loob ko kaya malalakas ang bawat paghinga ko na halos makulong iyon sa apat na haligi ng banyo. Kagat ang pang-ibabang labi ko saka wala pa sa sariling hinubad ang suot kong dress. Kapagkuwan ay pumasok sa loob ng shower room, nagbanlaw lang ako roon ng katawan saka lumabas din upang mahiga sa bathtub na puno na ng bula. Isinandal ko ang leeg, balak sanang pumikit. Ngunit hindi rin nagtagal nang mapadilat ako nang sumakit ang leeg at batok ko. Jesus! Napahawak ako roon at masuyong minasahe iyon, halos mapangiwi pa ako sa halu-halong emosyong nararamdaman. Pakiramdam ko nga ay pinagsakluban ako ng langit at lupa, til

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD