Imbes na magtaxi pa-uwi ay nakisakay pa ang walanghiyang kapatid ko sa sasakyan ni Conrad! E, wala na akong nagawa, kesyo umikot na ang paningin ko at gusto ko ng matulog. Alos dose ang paalam ko kay Mommy. Pero kasama ko naman si Elmo, kaya okay lang. Nahiga na ako sa likod ng sasakyan ni Conrad. Samantala ang dalawa ay hindi pa tapos sa chikahan nila. Wala akong naiintindihan sa pinaguusapan nila, dahil ang bawat halakhak ni Conrad at Elmo lang ang naririnig ko. I might be drunk but my mind is still fully awake. Ang katawan ko lang 'ata ang pagod na. Ewan ko lang, pero sa tuwing naririnig ko ang konting tawa ni Conrad at boses niya ay ang isang eksena sa high school ang palaging bumabalik sa isip ko. ***** "Candy likes you, bro," boses ni Miko. "Damn, not Candy." "E, ayaw mo noon?