Heck! That was close. Kakagat na sana ako sa peanut butter bread ko pero hindi natuloy. Kaya napalunok na ako at ibinaba na ito. Tumayo ako at lumapit sa mesa na kung nasaan ang pagkain na in-order niya. It's Jollibee meal, with my ultimate favourite chicken joy, spaghetti and jolly hotdog. May mushroom soup pa nga ito at mainit pa ng inihanda ko. . Naalala ko lang ang unang beses na niyaya niya ako na magiging ka-date niya sa prom noong high school pa kami. Sa Jollibee niya ako dinala dahil nasa labas lang naman ito ng paaralan namin. Grabe! Abot hanggang langit ang kaba ko noon, at isang baldeng pawis ang nangyari sa akin. Ganito rin ang in-order niya! Walang pinag-iba. Walang forever! . "K-Kain ka na. Handa na," pekeng ngiti ko. He cleared his throat, moved his swivel chair back