Ang Matinong Photographer. [ Part 1 ]

4076 Words
KABANATA 3 IAN Masakit ang ulo ko ngayong araw, dahil sa hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Buong mag damag kasi akong hindi pinatulog ng Josh na iyon. Kahit anong iwas ko na hindi ito isipin ay bigla na lamang itong papasok sa isipan ko ng walang kahirap hirap. Hindi ko malaman kung ano bang mahika ang ginawa nito sa akin at ganoon na lamang ang pag sagi nito sa aking isipan. Tulad na lamang ngayon, imahe nito ang nalitaw sa aking isipan kaya naman imahe rin nito ang lumitaw sa dino drawing ko ngayon. Napapasabunot na lamang ako at nilamukos ang papel na nadrawing ko. Para akong teenager sa inaakto ko. Ian, wake up. Ano ba! Narito ako ngayon sa fortress ko, o shop ko. Gaya nga ng nabanggit ko kay Josh nung tinanong ako nito. Marami akong pinag kakaabalahan, marami rin akong mga hilig. At isa na nga riyan ang pag ka baliw ko sa potograpiya. Sa tulad nyang creative at artistic na lalaki ay gustong gusto nya na nakukuhan ang isang bagay na hindi ganoon kainteresado pero nagagawa nyang maging interesate kapag nakunan na ng lente ng kanyang hawak na camera. Isa rin sa mga lalaki na kapag may ginustong hobby ay mag lalaan ng oras dito o bibili ng mga mamahaling gamit tungkol rito. At sa case nga nya ay mga high end na cameras at kung ano ano pang bagay na tungkol rito. Hindi naman iyon nasasayang dahil nagagamit naman nya iyon at may kakayahang syang gamitin ang mga pasikot sikot roon. Kaya nya rin iexplain ang bawat detalye sa mga taong mag tatanong nito. Ganoon sya kapanatiko sa isang bagay na gustong gusto nya. Bukod pa dyan syempre ang pag guhit na talaga namang isa ring sa kinababaliwan nya. Kaya nga sa tuwing nasstress na sya sa kompanya na itinayo nya at kailangan nyang mag relax. Dito mo sya makikita sa shop nya na punong puno ng artistic side nya. Hahawak lang sya ng camera at kukuha ng mga bagay na makikita nya bigla at kukunan ng larawan. Sa gawing yun at marerelax na sya at magiging clear na ulit ang utak nya. Magaling syang photographer. At hindi lang iilang tao ang nag sasabi nun. Marami sila. Madalas ngang sabihin sa kanya ni Chase na may mahika ang mata nya sa pag kuha ng larawan. Dahil naka captured ko daw ang pagiging totoo at natural ng mga kinukunan ko. Kaya naman tadtad ng mga larawang kainunan ko ang mga dingding ng bahay namin. Sa clinic din ni Chase ay punong puno ng mga larawan na naka display na kinunan ko. Kaya naman minsan ay may mga bumibili roon ng di sinasadya na mga pasyente nito. Ang dahilan nila ay nakukuha ang atensyon nila ng mga larawan na kinunan ko, may kakaiba kasi roon na hindi nila maipaliwanag. Madalas tuloy nahihiya ako pag napupuri ang mga kuha ko. Siguro dahil hindi ako sanay at talagang hobby ko lang kaya ganoon. Sa shop ko rin ngayon ay tadtad ng larawan na kuha ko pero more on business kasi ito kaya hindi ako nahihiya, kumbaga parte talaga iyon ng tinitinda ko at uri ng business ko. Baka maguluhan kayo, yung shop ko ay hindi tungkol sa pag coverage ng mga events like weddings, debuts, parties alike. Yes, nag pi print kami ng mga larawan at nag be benta ng mga camera at mga gamit nito. Subalit hindi ako kumukuha ng larawan ng buhay na bagay gaya ng tao. More on, artistic shots ot specific items or spots that people wanted nice, classy and elegant na makukunan ko ng larawan. May iilan na tao rin ako na kinukunan gaya ng asawa ko at malalapit na kaibigan lang pero bibihira lang yun. Nitong mga nakalipas na araw nga ay nawalan ako ng gana bigla. Ewan ko, siguro once in a while talaga na darating sa punto natin na kahit gustong gusto natin gawin ang isang bagay ay nawawalan tayo ng gana roon. Yung para bang isang araw ay magigising na lang tayo na mawawalang ideas, or creative sides natin. O kung sa manunulat ay writers block na tinatawag. Nandito na ako sa fortress ko ah, pero paran normal lang din na shop pag kapasok ko. Nag try din akong mag drawing pero parang nabablangko nga ako ng di mawari. Nag aalala na nga ang asawa ko sa minsan pag kaka tulala ko. Pinayuhan na nga ako nito na mag pahinga naman kahit isang araw sa bahay. Baka sobrang nabuburn out lang ako sa kumpanya na itinayo ko. Pero hindi eh, may isang bagay sa akin na hinahanap ako na kulang. At hindi ko malaman kung ano iyon. Samahan mo pa ng pag sagi sa isip ko ng lalaking nag ngangalang James na iyon. Kaya binitiwan ko na ang sketch pad na hawak ko at tinabi na iyon. Hinawakan ko na lang ang mga papeles na dinala sa akin ng secretary ko dito sa shop na kailangang pirmahan. Naubos ang oras at mag hapon ko sa kakabasa, reviews ng mga reports at pirma sa mag hapon na iyon. Mabuti na lang din at kokonti lang din ang mga naging customer namin sa shop kaya kahit paano ay nakatapos din ako. Nang mapalingon nga ako ay nakita ko na oras na para sunduin ko ang asawa ko sa clinic nito. Kaya naman inayos ko na ang gamit ko, dinampot ang susi at bag ko at nag paalam sa trabahador kong si Riel sa shop. Binuksan ko ang pintuan ng shop ko ng hindi nalingon sa harapan ko dahil nga nag bibilin ako kay Riel ng maramdaman ko na lang na may nabunggo ako. Muntikan na nga akong matumba mabuti na lamang ay naakap ako ng nakabunggo ko dahil para mapadikit ng sobra ang katawan namin sa isat isa. Pag tingin ko rito ay nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng tao na nasagi sa isip ko buong mag damag at kani kanina lang. Ang isa sa mga pasyente ng asawa ko. Si Josh. The one with a big.... ahmmm.. personality. "Uh... ahmmm... Hi. Ayos ka lang?" Sabi ko rito na medyo nalilito kung bakit ito narito. Nag kataon lang ba na napapunta ito sa shop ko? "Yeah, im fine. Sorry at nabunggo kita" sagot nito sa akin na hindi parin kumakalas sa pag kaka yakap sa akin. Pansin ko pa nga na parang mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa akin, dahilan para mangunot ang noo ko. Napansin naman nito iyon kaya dali dali itong napabitiw ng yakap sa akin. Saka ko lamang napag masdan ang kasuotan nito. Simpleng muscle tee lamang ang suot nito na nag palitaw ng malaman nitong mga braso. Masyado ngang maluwag at malaki ang pag kaka punit ng design nito kaya hindi maiwasan nalitaw ang magandang dibdib nito at makita ang pinkish nitong u***g. Medyo maiksi rin at fit pa ang suot nitong short na neon green kaya masyado iyon agaw pansin. Lalo na sa may pwetan nito. Naemphasized kasing lalo ang katambukan niyon sa sobrang sikip ka ng short nito. Naka tsinelas lang din ito. Never akong tumingin ng may pag nanasa sa ibang tao bukod sa asawa ko pero hindi ko mapigilang di matukso na nasa harapan ko. Kahit sino naman sigurong lalaki ay ganito ang mararamdaman lalo na't nakaka akit naman sa paningin ang makikita mo. Ipinilig pilig ko ang aking ulo dahil sa hindi kanais nais na imahe ang nag laro't lumitaw doon. For Pete's sake Ian, you're already married. "Ahmmmm.. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko na lamang rito. Medyo hindi kasi maganda ang kutob ko rito. Ewan pero iba ang nafifeel ko sa taong ito. "Well, nag lalakad lakad lang ako tapos nakita ko itong shop na ito. Medyo nacurious lang ako kaya pumasok ako at aksidente lang na nakita kita dito" sagot nito sa akin. Hindi ako naniniwala sa sinabi nito. Siguro napansin nitong bumakas sa mukha ko ang pag iisip ko kaya kumambyo ito. "Okay to be honest, hindi talaga aksidente na napadpad ako rito. Okay na" Sagot nito na nangingiti sa akin. "Paano mong nahanap or nalaman itong shop ko?" Tanong ko rito. Ano bang nais nito? "Well sinearch ko sa Google, duh. At voila nakita ko ito. Hindi naman ito mahirap hanapin, lalo na't pangalan mo ang nasa karatula." Bibong sagot nito sa akin. "Bakit mo ako hinanap? Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko rito. "Hmhmmm. Nag enjoy ako sa pag uusap natin kahapon. Nakuha mo ang atensyon ko, para kasing napaka interesante mong tao. Bago lang kasi ako sa lugar na ito at as you can see wala akong masyadong mga kaibigan." Sagot nito sa akin. Hindi talaga ako kumbinsido sa sagot nito kaya tinignan ko lamang ito. Tinatantya kung nag sasabi ito ng totoo. "Fine, may ulterior motive ako sa pag punta rito. Ooooppps! Hindi masama noh, kaya wag mo akong bigyan ng tingin na ganyan. Ang sama mo at napaka judgemental. Ganito kasi iyon, diba napag usapan natin na mahilig kang kumuha ng mga larawan" Umpisa nito. "Yeah?" Maikling sagot ko rito at hindi ko pa rin maintindihan yung pinupunto nito. "Gaya nga ng sabi ko, isa akong modelo, na nangangarap sumikat. At kahit naman na nag pa salamat doc na ako sa asawa mo, natural naman ang mukha ko na ito. Itong pwet ko lang talaga ang medyo OA sa pag katambok pero maganda naman, diba?" Tugon nito sa akin. Hindi ko alam pero napatingin na lamang ako sa pag liyad ng pwet nito at napatango sa sinabi nito. Napangiti tuloy ito ng wala sa oras. "Lately kasi walang kumukuha sa akin para mag modelo sa kanila. Marami din kasing mga kakompetensya at kailangan ko sigurong mag level up. Medyo outdated na rin kasi ang mga pictures na meron ako para sa forfolio ko. Saka nag tungo ako rito sa manila para sana kumita ng malaking pera para may maitulong sa pamilya na naiwan ko sa probinsya at hindi ko naman inaasahan na ganito pala kahirap mag hanap ng pag kaka kitaan rito. Hindi naman kasi ako nakapag college kaya kahit mag hanap ako ng ibang trabaho ay laging ang hinahanap ay college graduate or may degree. Putang ina" Naiiyak nitong sagot sa akin. Hindi bato ang puso ko. Malambot ang puso ko at maawain ako lalo na sa mga taong umiiyak. Sa laki kong to ganoon ako kaya nga naiinis sa akin si Chase Everytime na bibigyan ko ng pera ang mga batang nang hihingi ng limos. Kinukunsinte ko lang daw ang mga ito. At kahit na wala akong tiwala sa kung anuman ang intensyon ng lalaki na nasa harapan ko ay lumambot ang puso ko para dito lalo na't hindi ito sanay sa kalakaran sa syudad. "Okay ka lang ba?" Tanong at pag aalo ko dito. "Pasensya ka na. Hindi ako ganito talaga. Siguro napuno na lang ako at sobrang frustrated sa sitwasyon kinaharap ko. Hindi ako mahinang tao pero inaamin ko medyo nahihirapan talaga ako sa buhay dito lalo na sa usaping pera" Pag amin nito sa akin. Doon ko lamang nakita ang sinseridad sa boses nito kaya sino ako para husgahan ito, lalo na't pumapatak na ang mga luha nito sa mata. "Okay, so anong maitutulong ko at Bakit nag punta ka rito?" Tanong ko rito. Pwede ko itong bigyan ng konting tulong kung sasabihin nito. Or pautangin na walang interest para naman makapag simula ito. "Ang sabi mo ay mahilig kang kumuha ng larawan, di ba?" Umpisa nitong tanong sa akin. Mukhang nakuha ko naman ang nais nitong iparating sa akin kaya agad akong umiling rito. "At sinabi ko rin sa iyo na hindi ako kumukuha ng larawan ng tao" Sagot ko rito. "Pakinggan mo muna ako, please. Ang kailangan ko lang ay kaunting larawan. Mga simpleng kuha ng larawan ko. Alam ko namang ayaw na ayaw mo ang kumuha ng larawan ng tao pero please kahit ito lang. Pag bigyan mo na ako. Malaking tulong na sa akin to para mapaganda ang portfolio ko. Para maipost ko sa social media at makahatak ng kukuha sa akin." Pag susumamo nito sa akin.  "Josh, Hindi pwede. Hindi rin maganda tignan na ako ang kukuha ng larawan mo. Hindi pwede talaga. Kung gusto mo, bibigyan na lamang kita ng pera o ako na ang mag hahanap ng professional photographer para sa iyo." Suhesyon ko rito. Hindi talaga pwede ang gusto nitong mangyari. May asawa akong tao. Ano na lang ang iisipin ni Chase sakaling malaman nya ito. At hindi talaga tamang mag karoon kami ng ugnayan, uanng una hindi naman kami mag kaibigan at pasyente to ng asawa ko. For pete's sake. "Alam kung mukhang hindi maganda na makitang mag kasama tayo. At sinubukan kitang landiin, pero Ian, my intentions are pure and innocents this time. I swear to god. Please." Pakiusap nito sa akin.  Sinubukan kong ilayo ang tingin rito. Nahahati kasi ang desisyon ko everytime na makikita ko ang mukha nitong nag mamakaawa. Ang isa ay nais itong tulungan at ang isa naman ay iniisip na baka may masama itong balak. "Hindi ko talaga kayang gawin, Josh. I'm sorry." Sagot ko rito. Desidido na ako na tanggihan ito. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa hinihiling nito sa akin. "Parang awa muna, Ian. Para na lang sa panagarap ko na maging ganap na modelo. Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Malinis ang intensyon ko talagang mag pakuha ng larawan sa iyo. Ramdam ko kasing may talento ka sa ganito at alam kong mabibigyan mo ng hustisya ang mga larawan ko na kukunan mo. Please. Please, Ian." Pag mamakaawa nitong lalo. Kinuha nito ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit, ng tignan ko ito. Bakas sa mga mata nito ang pamumula dahil sa pag luha kanina. Ramdam ko ang sinseridad sa boses nito. Katunayan nga ay nakita ko ang conviction dun sa pag nanais nitong mag tagumpay sa ganoong larangan. Nakita ko ang sarili ko rito noong nag sisimula pa lang ako. Ang desperado sa tinig nito na matupad ang mga mithiin  nito sa buhay. Kaya napaka hirap itong hindian at tanggihan. At gustong gusto ko talaga syang tulungan, katulad na lamang ng mga taong tumulong sa akin noon, pero may pumipigil talaga sa akin. At mukha naman talagang tapat ang sinasabi nya. Pero hindi ako tanga. Inalis ko ang pag kakahawak nito sa kamay ko. "Josh. I want to help. Really, i do. Pero hindi ako pwedeng basta basta na lang pumayag sa gusto mo. Hindi say magandang tignan. Lalo na't pasyente ka ng asawa ko. I'm sorry talaga. Sana maunawaan mo ako." Sagot ko rito. "Naiintindihan ko" Sagot nito sa akin na bakas ang pinipigilang muling pag iyak. Pinahid pa nga nito ang mga luhang umalpas ng di sinasadya. Iniiwas ko na lamang ang tingin rito, kasi baka mag bago pa ang pasya ko at mapa oo ako ng di oras. Alam ko kasing napaka delikado nun  kung sakaling pumayag ako.  Mabuti na itong ganito. Safe ako. Safe ang asawa ko. Safe ang buhay namin. Dahil sa itsura ni Josh. Natitiyak kong isa syang malaking kasalanan. "I'm sorry" Ulit kong pag hingi ng paumanhin rito. "Alam ko naman na tatanggi ka, pero syempre sinubukan ko pa rin malay natin makumbinse kitang wala akong masamang balak. Okay lang, Ian." Sagot nito sa akin na bakas ang pagiging malungkot. Nawalan din ng sigla ang boses nito. "I.." hihingi ulit sana ako ulit ng paumanhin ng pigilan ako nito at putulin ang sasabihin ko. "Pero kung sakaling mag bago ang isip mo, Ian. Katukin yang puso mo at mahabag sa akin. Narito ang numero ko, pakiusap tawagan mo ako. Kahit dito na lang, Ian. Please" Pakiusap nito sa akin sabay abot ng calling card nito. Hindi ko kinukuha ang inaabot nito at tinitignan ko lamang ito, hanggang ito na ang nag lagay sa palad ko. Tinanggap ko na lang iyon para matapos na.  "Thank you" Tuwang tuwa nitong sabi at napayakap sa akin ng bigla. Hindi ko inaasahan ang gagwin nito kaya naman natumba nawalan ako ng balanse, dahilan para matumba ako kasama ito. Naramdaman ko na lamang ang pag bagsak ko sa sahig ng shop ko at nakakubabaw ito sa akin. Hindi pang sinasadya na tumama ang labi nito mismo sa labi ko. Mabilis lang na nag dikit ang labi namin pero naramdaman ko ang natural na lambot niyon. At Hindi pa sinasadya na naikalang nito ang kamay nito sa may pundya ng pantalon lo. Kaya naman ramdam na ramdma ko ang pag kaipit ng kamay nito sa parte ng kargada ko. Agad akong natauhan ng pumasok sa isip ko si Chase. Dali dali ko itong pinaalis sa ibabaw ko. Tinulungan naman ito ni Riel na nakakita ng pag katumba namin. Hingi ng hingi ng paumanhin sa akin si Josh sa nangyari at alam ko naman na aksidente rin iyon. Alam kong pulang pula na rin ngayon ang mukha ko sa sobrang pag kapahiya na nadarama. "Anyway, Hindi ko alam kung matatawagan ba talaga kita. Pero may mga kilala akong photographer na alam kong makakatulong sa iyo ng malaki. Try ko silang tawagan mamaya at ibigay itong contact number mo" Sagot ko na lamang dito ng makapag adjust na sa pahiyang nadarama. "Salamat na lang pero hindi ko yata kayang mag pakuha ng larawan sa iba, Ian. Wala akong masyadong alam sa kalakaran na ganito kaya nga nilapitan kita para humingi nga sana ng pabor sa iyo. Hindi ko alam pero palagay ang loob ko sa iyo atr may tiwala ako sa iyo. Kung hindi lang rin ikaw ang gagawa, wag na lang. Okay na ako roon" Sagot nito sa akin ng seryoso. "Well, i appreciate it. At nakukuha ko naman ang pinupunto mo" Pag sang ayon ko rito. Sa panahon nga naman ngayon ay maraming mapag samanatala at manloloko baka ikapahamak pa nito iyon. "So, you will atleast think about it and consider it?" Tanong nito na nas ahimig ang pag asa. Nag kibit balikat na lamang ako rito. "I'll think about it" Sabi ko na lamang rito pero sigurado akong hindi talaga. Maybe tulungan ko na nga lang ito sa expenses nito. "Thank you, Ian. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag papasalamat at tatanawing utang na loob yun kung sakaling pumayag ka" Sabi nito sa akin. Ngumiti na lamang ako ng tipid. "Ahmmmm.. i have to go. Hinihintay na kasi ako ng asawa ko. Susunduin ko pa sya" Sagot ko rito at gusto ng umalis sa harapan nito subalit nakaharang ito s amay pintuan ng shop ko. "Oh! Sure. Again thank you at please san good news ang matanggap ko. See you then, Ian. Bye." Sabi nito bago tumalikod at nauna ng lumabas ng shop ko. Pinag masdan ko na lamang ang papalis na bulto ng katawan nito. Hindi ko tuloy mapigilang hindi hangaan ang napaka ganda nitong katawan. Ang ganda ng shape ng likod nito, ang kulay ng balat nito at ang pag bounce ng buhok nito habang nag lalakad palayo. Hanggang sa mapatingin ako sa bilugan at napaka tambok nitong pwet. Na para pa ngang umaalog alog iyon sa bawat pag hakabang nito. Bakit ba kasi ang sikip ng short nito at iksi. Itanggi ko man sa sarili ko ay hindi ko maiwasan mapalunok, hanggang sa maimagine ko ang hubad nitong katawan. Tiyak akong mas maganda iyong pag masdan kung nakahubad na ito. Agad kong ipinilig pilig ang mga imahinasyon na hindi pang bata sa isip ko. Hindi ito tamang nag nanasa ako habang ako ay kasal at may asawa na.  "Sobrang sarap naman nun, Boss" Tinig ng trabahador ko na si Riel. Napatingi ntuloy ak orito. "Ikaw na bata ka, ang bata bata mo pa kung ano ano ng lumalabas sa bibig mo. Sige na mag trabaho ka na dun at aalis na ako." Pag bibiro kong saway dito na ikinatawa lamang nito. Lumbas na rin ako ng shop namin at nag punta sa nakaparada kong sasakyan para sunduin ang asawa ko na kanina pa yata akong hinihintay. Wag naman sana itong mag taka kung bakit ako natagalan. Habang nag mamaneho ay hindi pa rin ako nilubayan ng imahe ng mukha ni Josh. Maging ang malambot nitong labi na aksidenteng nag lapat sa labi ko ay hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin. Hindi rin ako nito tinantanan hanggang sa makarating ako sa clinic ng asawa kong si Chase. Kaya naman ilang minuto rin muna ako tumambay sa loob ng saskayan ko bago ako nag desisyong bumababa na at puntahan ang asawa ko na nag hihintay sa kanyang opisina. "Hi, sir Ian. Medyo na late ata kayo ng dating. Traffic po ba?" Bati sa akin ni Marvs na syang assistant ng asawa kong si Chase. Napansin kong napatingin ito sa ibaba ng pantalon ko kasabay ng biglang pamumula ng pisngi nito. "Ah, medyo may inayos lang sa shop ko kay natagalan ako ng hindi sinasadya. Kanina pa ba ako hinihintay ng asawa ko.?" Tanong ko rito na nag tataka. "Ah.. ehhh.. opo kanina pa sa loobv ng office nya, pasok na lang kayo sir." Sabi nito na hindi makatingin sa akin. Binalewala ko na lamang iyon at agad ng pumasok sa opisina ni chase. "Hi, Love. Sorry natagalan ako. May tinapos pa kasi akong mga papeles eh" Bungad na sabi ko rito at akmang yayakap at hahalik ako rito ng mapasigaw ito. "Love, bakit naman nag lakad ka ng nakatayo yang si junior mo!!" sita nito sa akin sabay turo sa gitna ng pantalon ko. Saka alamang ako napatingin roon at doon ko lamang din napag tanto na bakat na bakat ang matigas kong b***t doon. Naka jogger pants kasi ako at medyo may kanipisan iyon. Alam ko naman na above average ang size ko pero hindi ko naman akalain na titigas ng ganoon ang b***t ko ngayon. Kasalanan ito ng matambok na pwet ni James. Kya pala ganoon na lamang ang pag ka pula ng mukha ni Marvs kanina. Agad akong pumasok sa CR na nasa loob ng opisina ni Chase. At inayos ang pag kakatigas ng b***t ko. Nag isip ako ng mga bagay na nakkatakot para manguluntoy iyon at ng bumalik sa normal na sukat nito, subalit hindi ako makapag concentrate dahil ang imahe talaga ni James ang napasok sa isipan ko. "Love, okay ka lang ba dyan?" Tawag ng asawa kong si Chase sa may pintuan. "Okay lang ako, Love. Sorry nakakahiya itong nangyari" Hingi ko ng paumanhin rito. Nakarinig ako ng mga mahihinang pag tawa mula rito. "Ganoon mo na ba ako kamiss at hindi mo na napigilang di tigasan pag kakita pa lamang sa akin, Love. Grabe, kinilig naman ako roon." Sabi pa nito. Mabuti na alamang at ito ang pumasok sa isip nito. Kundi mahabang paliwanagan ang mangyayari. Well, kilala naman ako nitong tapat. at Loyal naman kasi talaga ako. Masyado lang talagang ginugulo ng Josh na iyon ang kaisipan ko. Binasa ko ang mukha ko at pilit kong inisip ang mukha ni Harry Roque, kaya naman unti unti ng lumambot ang kargada ko. Ilang saglit pa ay nakalabas na rin ako ng maayos at naharap ko na ang asawa ko na abot tenga ang ngiti. Nilapitan ko ito at hinalikan. "Sorry, Love. Nakakahiya." Natatawa kong sabi rito. Yumakap naman ito ng mahigpit sa akin.  "Wala yun, natural lang naman iyon. Atleast panatag ako na sa akin ka lang tinitigasan ng ganyan. Flattered pa nga ko. I love you." Sabi nito sa akin. "I love you too. Oo naman, sa iyo lang titigas ito." Sabi ko rito at hinalikan ko ito ng mariin sa labi. Nakipag laban ito ng halikan sa akin. Lumalim iyon ng lumalim hanggang sa nag papalitan na kami ng laway na dalawa. Ganoon pa rin naman ang lasa ng labi ng asawa ko mula ng una ko iyong matikman, pero bakit parang nag bago iyon sa panlasa ko. Saka ngayon ko lang napag tanto na hindi iyon malambot. hindi kasing lambot ng labi ni.... f**k! Agad akong napabitaw ng halik rito.  Nagulat rin ito sa nangyari. Humingi naman ako ng paumanhin rito. "Nasa labas lang si Marvs, baka makita tayo na gumagawa ng kababalaghan dito sa opisina mo." Nahihiya kong sabi rito. Napangiti na lamang ito at naintindihan ang sinabi ko. "Sa bahay na lamang natin ito ituloy, Love. Tara alis na tayo baka matraffic pa tayo." Sagot ng asawa ko matapos nitong kumalas sa akin ng yakap at kunin ang bag nito. Sabay na kaming lumabas ng opisina nito. ( 1 )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD