Kabanata XV: Rivals |Maria| "HALATANG kinakabahan ka." bulong ni Lucas sa akin. Mabilis ko siyang nilingon at pinanliitan ng mga mata. Natawa naman ito at pinisil nito ang kamay ko. Napanguso ako dahil doon at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Pero tama siya, kinakabahan ako dahil ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pagkapasok na pagkapasok namin sa kakahuyan sa likuran ng mansion ay akala ko doon lang kami maghihintay pero napansin kung nagpatuloy sila sa paglalakad ng diretso. May iilang naglalakad palibot sa amin, ang ibang mukha ay pamilyar sa akin. Napag-alaman kong napapabilang sila sa pack ni Lucas. 'Isa kang lobo.' Napakagat-labi ako ng sumagi sa isipan ko iyon. Mas dumoble ang bilis ng kabog ng puso ko. Napahigpit ang pagka