Matapos ang kaganapang iyon ay naging maugong sa Samal ang balitang mas lalong tumaas ang ratings ni Lyka kontra sa lahat ng krimen na nandoon. Mas pinaigting pa nila ang lahat ng mga negosyong nandoon, naipatupad din ang anti-toxic project sa lahat ng pabrika doon. Sa panahong iyon, ay hindi namalayan ni Lyka na lumipas ang mga araw, linggo, at naging buwan iyon. Hindi na niya nakikita si Mad. Mas lalo tuloy siyang nakonsensya kung bakit nagkaganoon ang huling pag-uusap nila. Hindi niya inakalang ganoon lang kadali kay Mad na bitawan siya. She thought that Mad will understand her. But it never happened. Bumuntong-hininga siya saka sumandal sa kaniyang swivel chair. Binuksan pa niya ang telebisyon na noo'y nasabit sa dingding at naghanap ng magandang palabas. Ngunit kahit nandoon na iyo