Kinabukasan. Dahan-dahang bumaba si Lyka sa hagdanan at tinungo ang salas. Nakita niya roon si Lendon na abala sa ginagawang cardio exercise. "Woah! ikaw ba 'yan ate?" bulalas pa ng binata. "Bakit? paengit ba?" ngiti niya. "No, What i mean is, ang ganda mo ate, bagay ang bagong buhok mo, i never thought na babagay sa'yo ang maikling buhok." "Well, thanks for that." Ngiti ulit niya sa kapatid. "If you don't mind, i will drive you to the city," he offered. "No, i can manage, brother. Sasanayin ko na ang sarili ko na hindi na umaasa sa iba." "Hmm, what do you mean ate? Parang nag-iba ka yata ngayon ah? Nag-agahan ka na ba?" pag-iiba pa ni Lendon. "I am now in detox, mamaya na ako kakain sa office. Pakisabi kay manang na aalis na ako," sulyap pa niya sa kapatid bago kinuha ang susi ng