KABANATA 3

1187 Words
Kabanata 3             Nag-iinit ang ulo ko umagang-umaga, kung hindi lang talaga ako nagpipigil, baka kanina ko pa iyon hinabol. Saka saan naman iyon pupunta? Wala ba ‘yong pasok? At ano namang pakialam ko?             Iniling-iling ko naman ang aking ulo dahil sa mga naiisip, nang may umakbay sa akin kaya napalingon ako rito.             “Oh? Anong pagmumukha naman ‘yan, Vanz, kay aga-aga. Para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa.” Turan sa akin ng bestfriend kong tomboy.             “Ikaw, ‘wag mo kong inaano, hindi maganda ang araw ko.”             “Aba kasalanan ko ba ‘yon? Gago.”             “Oo, kasalanan mo ‘yon, bakit kasi ngayon ka pa dumating. Eh, sana napiktusan mo na iyong walang hiyang tomboy na bumangga sa akin.” Irap ko pa sabay lingon sa gate na kung saan lumabas ang sigang babae.             “Tomboy? Sino? Sa pagkakaalam ko, ako lang naman ang tomboy sa paaralang ito.”             “Asa ka!” singhal ko sa kanya.             “Kontrabida ka talaga sa buhay ko, Vanz. Hindi ko talaga malaman kung kaibigan kita o hindi. At saka biro-biro lang ‘tong pagiging tomboy ko, para naman walang manligaw sa akin.” Bulong  niya sa akin.             “Talaga bang biro-biro pa ‘yan sa lagay na ‘yan? Daig mo pa nga buhok ko sa gupit mo, may paguhit pa sa bandang gilid. Hala ka! ‘Di ba bawal ‘yan?” napatakip ako ng bibig nang maalala na bawal nga pala ang ganoong gupit.             “Gago, tumahimik ka! Hindi naman ‘yan makikita mamaya, kapag naglugay na ako ng buhok ko. Ange pal mo talaga.” Aakmain sana niya akong kutusan ng umiwas ako.             “Tomboy, tara na baka ma-late pa tayo.”             “Sinabi nang hindi ako---tomboy, e.” bahagya siyang natahimik nang may dumaan na mga estudyante.             Natatawa na lang ako rito kay Vicky, dahil sa kanyang pagpapanggap. Oo, alam ko naman na nagpapanggap lang siyang tomboy, para matupad niya ang pangako niya sa kanyang magulang na matapos ng pag-aaral. Saka dahil nga mayaman, hindi siya pinipigilan ng kanyang mga magulang sa kung ano ang gusto niya. Palibhasa nag-iisang anak.             Magkakilala na talaga kami since bata, kasi naging kasambahay na noon nila si mama, hanggang sa umalis si mama sa kanila dahil nga sa may nakita na silang all-around maid na mas bata kay mama. Kaya hinanapan na lang nila ng work si mama kaya sila ni papa ang nabigyan ng trabaho sa Pabrika ng Tobacco ng mga Gogh.             “So, bakit ka nga kanina nakabusangot?”             “May bumangga nga sa akin,”             “Eh, hindi mo naman ba nakita kong sino?”             “Hindi ko namukhaan,”             “Aba’y bakit naman?”             “Ikaw ba naman masinagan ng araw, makikita mo pa baa ng mukha ng bumangga sa ‘yo?”             “Oh? Kalma, high-blood ka naman, e.”             “Ang kulit mo naman kasi.”             Tumahimik na lang kaming dalawa nang magsimula nang magtawag ng pangalan ang homeroom teacher namin.             “Mr. Cuancho?”             “Present!”             “Mr. Cinco?”             Walang sumagot.             “Mr. Cinco?”             Inulit pa ni Ma’am ang pagtawag nang wala pa ring sumagot.             “Again, Mr. Cinco?”             “Ma’am, present, Ma’am.” Hingal nitong pasok sa loob at kaagad na umupo sa kaniyang upuan.             “Late ka na naman, Mr. Cinco.”             “I’m sorry. Ma’am. Tinanghali lang po ng gising.”             “Sinasabi mo ba na kasalanan ko dahil tanghali ka na nagising, Mr. Cinco? Kaya Cinco lang lagi ang score mo sa activities and quizzes dahil diyan sa kakupadan mo.”             Nagsitawanan naman ang iba naming kaklase, habang si Vicky naman ay nagpipigil ng tawa. Ako nama’y napapailing na lang dahil sa katotohanang pinagsasabi ni Ma’am. Kung akala niyong malulungkot si Arman sa pinagsasabi ni Ma’am, nagkakamali kayo. Dahil siya pa nga ang nangungunang tumatawa. Ganyan ka spoiled ang iba kong mga kaklase. Palibhasa nga mayayaman.             “Miss Jimenez,”             “Present, Ma’am.” Maarte nitong sambit.             “Nakakairita talaga ang kaartehan ng boses ng babaeng iyan, sarap iumpog sa board.” Mahinang bulong ni Vicky sa tabi ko.             Nagulat naman ako nang siya na ang katabi ko, e, hindi naman kami magkatabi ng upuan. Nasa likuran ko lang naman siya nakaupo, kaya napalingon ako sa likod at doon na nakaupo ang katabi ko kanina.             “Bakit ikaw ang nakaupo riyan?”             “Bakit? Ayaw mo?”             “Masasaway ka talaga ni Ma’am, makikita mo.”             Umirap lang siya.             “Miss Tan?”             “Present, Ma’am.” Confident pa nitong taas ng kamay.             Inayos naman ni Ma’am ang kanyang salamin sa mata at itinutok ito kay Vicky at sa katabi ko kanina.             “Miss Tan, bakit katabi mo na si Mr. Greminez?”             “Ma’am, dito naman po talaga ako nakaupo,”             Napakunot naman ito ng noo, nang biglang umepal ang kaninang sinabihan ni Vicky kanina na maarte.             “Ma’am, huwag po kayong maniwala kay Vicky, nakipagpalit na naman po iyan sa katabi ni Vanz.”             Napairap ng three hundred sixty degrees ang mata ni Vicky dahil sa pagsumbong ni Lorra.             “Tsk! Sipsip.” Bulong na naman ni Vicky. Mahilig talaga itong bumulong kapag naiinis siya.             “Oh? Ano pa ang hinihintay mo, Miss Tan? Bumalik ka na sa rati mong upuan, at saka bakit ka ba kasi tumatabi kay Mr. Greminez? May gusto ka ba sa kanya?”             Imbes na hiyawan ang maririnig, mga kantiyaw ang umusbong sa loob ng silid. Natatawa na rin ako sa reaksiyon ng mukha ni Vicky ngayon na parang nasusuka na ewan.             Hindi na lang nagsalita pa si Vicky at baka madagdagan pa ang ingay.             “Okay, silent class. Let’s proceed sa pagtatawag ng attendance.”                      Napatingin na lang ako kay Vicky sa likod at nginisihan siya.             “Ano sabi ko sa ‘yo kanina? ‘Di ka kasi nakikinig.” Tukso ko sa kanya, may binubulong-bulong na naman siya na hindi ko maintindihan.             Napapailing na lang ako dahil sa kakulitan ng matalik kong kaibigan.             “Mr. Greminez?”             “Present.”             Nagtawag pa si Ma’am ng mga pangalan, naghanda naman ako ng aking papel at ballpen, inilabas ko ito sa aking bag, para hindi na ako mag-abala pa mamaya na ilabas iyon sa bag ko.             Nang may panghuling tinawag si Ma’am na apelyedo na nakapagpakuha sa aking atensiyon. Paano ba namang hindi ako mapapalingon, ang apelyedo nito ay ang apelyedo ng may-ari ng mismong eskwelahan na pinapasukan ko ngayon at sa Pabrikang pinagtatrabahuan namin ng mga magulang ko.             “Miss Gogh, late ka na naman,”             Hindi ito umimik, dere-deretso lang itong naglakad patungo sa pinakadulong upuan. Bakit ngayon ko lang nalaman na classmates pala kami?             “By the way class, simula ngayon, kaklase niyo na si Miss Gogh. Be good to her.”             Nakita ko naman ang pag-ismid nito. Tsk! Nainis naman ako bigla sa inasal nito. Kahit niisa sa mga estudyante ay walang umimik. Nasa pinakasulok kasi ang upuan niya.             Ibabalik ko na sana ang mga mata ko sa aking papel nang maalala ko ang babaeng bumangga sa akin kanina at nagtaas ng panggitnang daliri nito sa akin. Naibalik ko ang tingin ko sa kanya at sakto naman na nakatingin din pala ito sa akin at nagbitiw pa ng ngisi na nang-aasar sa akin.             “Sh*t!” napamura na lang ako ng mahina.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD