KABANATA 2

1236 Words
Kabanata 2             Sakto naman na natapos akong maghanda ng hapunan saka dumating sila Mama at Papa.             “Ma, Pa, mano po.” Hindi pa sila nakapasok ng tuluyan sa bahay pero sinalubong ko na sila at nagmano. Kinuha ko naman ang mga daladala nila palaging bag kung saan nakalagay ang mga damit na kanilang isinusuot kapag pumapasok sa pabrika.             “Maligo na muna ako, Gloria.” Nangunot naman ang mukha ni mama nang marinig niya ang paalam ni papa.             “Anong maliligo, Nato? Hindi ka ba nag-iisip? Galing tayo sa napakahabag oras ng trabaho, tapos maliligo ka?” sermon naman ni mama.             Hindi na lang umimik si papa at baka hindi na naman magkamayaw si mama sa ktatalak sa kanya.             “Ma, kumalma ka po. Ang altapresyon mob aka tumaas na naman.” Hinagod-hagod ko ang likod ni mama para kumalma. Huminga naman siya para mabawi ang kanyang dere-deretsong pagsasalita kanina kay papa.             “Ito kasing ama mo, nakakataas ng dugo. Hindi nag-iisip sa mga maaaring epekto kapag naligo siya at galing pa sa trabaho. Kung mapaano siya? Saan naman tayo kukuha ng pambayad, Jusko maryosep talaga!” ito talaga ang dahilan kung bakit hindi na umiimik si papa kapag nanermon na si mama, dahil hindi na ito titigil.             “Oh, sige na, Ma. Kalma na po, oh, ayan na si papa. Tara kain na po tayo.” Aya ko naman kay mama at inalalayan na ito papasok ng kusina.             Maliit lang ang kusina namin, sakto lang sa aming tatlo. Kasi pagpasok ng bahay, salas kaagad namin ang bubungad at karugtong na ito ng kusina. May naka-division naman na pawid saka pinto na gawa sa kahoy rin. Ang sahig kasi namin ay semento na puro. Kaya ako na rin ang naglalampaso o minsan ay si mama o papa. Hindi na namin nilagyan ng floor-mat dahil nga dagdag gastos lang.             May silid naman ako na akin lang, pero sobrang liit lang, kasya ang dalawang tao kung hindi matataba ang papasok. Sa kwarto naman nila mama at papa ay ganoon din, sakto lang din sa kanilang dalawa. Gawa sa kawayan ang aming kama. Saka banig lang ang aming nilalagay sa ibabaw ng kama para hindi masakit ang pako sa likod kung madadampi sa balat namin.             Ang salas naman namin, simple lang, may maliit na mesa sa gitna na gawa pa rin sa kahiy, saka mga upuan na gawa rin sa kahoy at TV na maliit lang din na malaki ang likuran. Nakautang kasi sila ng TV ni mama at salamat sa sipag nila’t nabayaran din naman.             Hindi naman kami gaanong hikaos kaya may kuryente kami at binilhan din ako nila mama at papa ng cellphone na touchscreen para sa pag-aaral ko. Malayo kasi itong bahay namin sa mismong computer shop. Saka wala rin gaanong dumadaan na sasakyan dito, kaya nilalakad pa namin ang kalye patungong labasan, para lang makasakay ng habal-habal o traysikil.             “Anak, matulog ka na, may pasok ka pa bukas. Kami na bahala ni mama mo rito sa mga hugasin.”             “Naku, Pa. Ako na po riyan, maaga pa naman po, saka isa pa, nakapagpahinga naman ako kanina nang dumating ako rito sa bahay.” Paliwanag ko, hindi ko naman pwedeng hayaan silang dalawa na ang maghugas. Lalo na galing pa sila sa trabaho.             “Sigurado ka, Anak?”             “Oo naman, Pa, Ma. Kaya kayong dalawa na ang dapat magpahinga, dahil maaga na naman kayong papasok bukas sa trabaho.”             “Oh sige. Basta ha, kaya mo naman iyan sabi mo.”             “Oo naman, po.” Ilang minuto lang nang matapos silang kumain ay niyakap lang nila ako saka nagligpit na ng pinagkainan. Nilagay sa banggera at nagsimula ng maghugas matapos punasan ang kalat sa mesa.             Inaaliw ko na lang ang sarili sa pakanta-kanta habang naghuhugas ng plato. Habang ninanamnam ang lamig ng tubig na galing sa gripo. Oo, nagpakabit na rin kami ng gripo sa mismong tapat ng aming banggera, para hindi na mag-igib sa labas. Lalo na bawal sa akin ang mga ganoong mga klaseng gawain dahil hikain ako.             Nakakainis nga minsan, e. Dahil bawal din ako sa mga school activities like PE. O basta about mga aktibidad na nag-need ng extra kilos. Kasi ang dali ko lang hingalin. Hindi ko naman alam kung bakit ganito ako ka weak, wala naman silang ganito na karamdaman sila mama at papa. Nakakapagtaka lang. Napapailing na lang ako sa aking mga naiisip. Hanggang sa hindi ko na namalayang natapos na pala ako sa aking paghuhugas.             Natapos na’t lahat kaya pumasok na ako sa aking silid at kaagad na nagpahinga.             …             Malakas ang tunog ng alarm clock ko na galing sa aking mumurahin lang na phone na touchscreen, hindi kasi ako nagpapabili sa mga magulang ko ng mamahaling bagay, kontento na ako sa mga mura at nagagamit naman ng maayos. Kagaya ng mga damit ko, puro ukay-ukay lang ito. Pati nga sapatos, ukay-ukay rin. Anong masama kung puro ukay-ukay ang suot ko? Hindi naman nakababawas ng pagkatao ang magsuot ng mga second-hand clothes.             Saka hindi ako mayaman para mag-demand ng mga mamahaling bagay.             Paggising ko, wala na sila mama at papa sa bahay, ganito talaga sila, kaaga papasok kapag lunes, kasi raw para maganda ang pasok ng linggo. Kaya nang matapos akong maligo, alam ko ng may pagkain na sa mesa, dahil nga bago sila tutungo ni mama sa pabrika, magluluto muna siya para sa agahan nila at sa baon nila para sa tanghalian. Mahal kasi ang bilihin sa Canteen ng pabrika. Kaya mainam na magbaon na lang.             May pera naman ako kaya hindi na ako humihingi sa kanila ng pamasahe. Kaya nang matapos ako sa bahay, ni-lock koi to at kaagad na tumungo sa eskwelahan.             Gogh Academy             Iyan ang malaking karatula na inukit pa talaga sa bato. At kitang-kita talaga ng mga estudyante at kahit na sinong tao. Sa maniwala kayo’t sa hindi. Mga mayayaman lamang ang nag-aaral sa paaralang ito, dahil nga pag-aari ito ng Pamilyang Gogh, na may-ari rin ng pabrika nga aming tinatrabahoan.             Hindi ako mayaman, pero nakapasok ako sa Gogh Academy, dahil isa akong scholar. At sponsored ako ng pamilyang Gogh. Ako lang yata ang scholar, sa pagkakaalam ko. Kaya pagbubutihin ko talaga ang pag-aaral.             Kaagad naman akong pumasok sa gate at binati naman ako ni Guard. Kapag nandito kasi ako sa school hindi talaga mawawala ang pagiging palangiti ko. At binabati ko lahat ng mga nakasasalubong ko. Maliban na lang sa mga estudyanteng hindi ko naman kilala. Baka sabihing feeling close ako.             Napansin ko naman na hindi naayos ang sintas ng sapatos ko kaya nagyuko ako at inaayos ito nang may bumangga sa akin, mabuti na lang at naitukod ko ang aking kamay sa mismong sahig, dahil kung hindi ay baka nadumihan na ang puti kong uniporme.             Tinangka ko siyang tignan sa mukha kung sino itong bumangga sa akin nang hindi ko makita dahil sa sinag ng araw na direkta sa mata ko. Nang bigla na lang itong umalis sa harapan ko, kaya napatayo ako’t sinigawan siya.             “Gago, wala bang sorry?” ani ko, wala na akong pakialam kung may makarinig sa pagmumura ko.             Huminto naman ito pero tinaasan lang ako ng kamay saka ipinakita ang nakataas na gitnang daliri sa kanyang kamay, at saka nagpatuloy ng lumabas ng gate ng eskwelahan.             “Aba’y gago ‘yon, ah!” bulong kong mura dahil sa sobrang inis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD