Kumunot ang noo ni Autumn dahil sa panay ang tunog ng cellphone n'ya na nasa kama habang nag bibihis. Lalabas muna s'ya kailangan n'yang mag unwind muna at maka hinga ng maayos. Kinuha n'ya ang phone at nakita si Ian nanaman ang nag text at napakadami nitong message na binuksan naman n'ya puro pag mumukha lang naman nito ang laman. May isang picture pa na kuha sa loob ng banyo habang naka harap ito sa salamin at may caption na Hi! kumusta ka na... Ako nga pala ito yung lalaking sinayang mo. Napangiti naman si Autumn kahit papano sa pabanat na iyon ni Ian. Tiningnan pa n'ya ang ibang larawan na sinend nito at may isa pang kuha habang naka lubog ito sa pool at konti na lang lalabas na nakatago sa suot nito short. Grabe hindi nakakapag taka kung bakit kaliwat kanan ang babaeng gusto itong m