"Umalis ka na sa dun Storm tulungan mo na lang akong mag higanti para sa mga bata na pinatay nila." mariin na wika ni Autumn sa kapatid na pinuntahan sa silid nito habang naka higa sa kama nito at nag papahinga. Masama naman ang tingin ang pinukol ni Storm sa kapatid na bumangon na napangiwi na sapo ang dibdib. "Tumigil ka Autumn, naririnig mo ba yang sinasabi mo huh." "Hindi ako titigil hanggat hindi nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay sa mga bata." "Sige wag kang tumigil para mauna ka pang mamatay tingnan ko lang kung saan ka pulutin ng mga desisyon mo. Mag-isa ka lang isang malaking sindikato ang binabangga mo tingin mo hindi pa sila naka handa sa mga gagawin mong kilos. Isang maling kilos mo lang hindi lang ako ang ipapahamak mo pati na ang buong pamilya kaya sige kung kaya ko