"Baka puwede mo naman bawasan ang pag papakipot mo hindi ka naamn long hair." ani Ian habang pasakay sila ng elevator sa loob ng mall.
"Diba may sarili kang kumpanya bakit hindi na lang iyon ang pag aksayahan mo ng oras na patakbuhin kesa sa buntutan ako na parang aso." ani Tom habang inip na inip ng bumukas ang elevator.
"Ayaw mo ba talaga akong mahalin?" tanong ni Ian na itinatarak ng mata ni Tom.
"Hindi porket may nangyari na sa atin obligado akong mahalin ka dahil hindi mangyayari yun at mas gugustuhin ko pang mahalin na lang ang sarili ko kesa i-share pa sa'yo." iling ni Tom ng sa wakas bumukas na ang pinto ng elevator.
"Alam mo wag mong masyadong mahalin ang sarili mo."
"At bakit?" inis na tanong ni Tom na nakasimangot na napatingin kay Ian na nilingon ito ng makasakay s'ya ng elevator na sumunod naman ito.
"Kasi responsibilidad ko yan." mariin na wika ni Ian na hindi malaman ni Tom kung tatawa o sasapakin si Ian na pumasok na din ng elevator.
"Hala! Hindi ka man lang ba kinilig?" tanong ni Ian na pipindutin na sana ang close button ng isang babae ang pumigil sa pag sarado ng pinto na ikina-atras ni Ian na tumikhim sabay yuko na pinag taka naman ni Autumn sabay tingin sa babae medyo labas ang cleavage sa suot na blouse.
"Wait up!" sigaw pa ng isang babaeng natakbo na naka maiksing palda, muling napatingin si Ian sa babaeng pumasok saka muling umatras na pinag taka ni Tom dahil hindi n'ya maintindihan parang hindi mapakali si Ian. Pasarado na sana ang pinto ng isang babae pa ang humabol na may buhat na baby. Muling naman napatingin si Tom kay Ian na naramdaman n'yang humawak sa hinliliit n'yang daliri. Nang sumarado na ang pinto at umandar na ang elevator sabay-sabay pang tumingin kay Ian ang 3 babae na nginitian pa ni Ian ng alanganin. Nang huminto ang elevator at bukus iyon sa sunod na floor si Ivo at Blue ang naroon na ikinamura pa ni Ian na napatalikod na lalo na ng malakas na nag tawanan ang dalawa na akala mo mga walang pinag-aralan kita na ang atay ng mga ito sa laki ng buka ng mga bibig sa pag tawa.
"Anong meron reunion ba ito?" tanong pa ni Blue ng pumasok sa elevator.
"Dapat nag escalator ka na lang Hinlog." tawa pa ni Ivo na binati ang tatlong babae na pagak na tinawanan ni Tom ng maintindihan na kung anong nangyayari at kung bakit ganun ang reaction ni Ian ng pumasok ang tatlong babae sa elevator.
"Grabe ka! Mula noon hanggang ngayon mautog ka pa rin." bulong ni Autumn na iiling-iling kay Ian.
"Mali ang iniisip mo mamaya na ako mag e-explain." bulong naman Ian.
"Sobrang laki siguro ng puso mo, sa sobrang laki ilang babae kaya ang kasya?" ani Autumn sabay excuse sa mga ito ng bumukas na ang pinto sabay labas hindi naman nakalabas si Ian dahil pinigilan s'ya ng 2 kumag n'yang kaibigan sumama na daw s'ya sa ka meeting naman mga ito para sa bubukas nilang cafe dahil ngayon mag kakapirmahan ng lot ownership.
-
-
-
-
-
-
-
-
"Tigilan mo na kasi ang kapatid ko hindi ka uubra d'yan kahit anong gawin mo." ani Storm sabay agaw sa bote na tinutungga ni Ian habang naka tingin kay Autumn na may babaeng hinaharot sa table na nasa tapat ng table nila.
"Normal ba yan na gawain ng isang babae?" tanong ni Ian.
"Wala kang magagawa kundi panoorin mo kung paano mang babae ang babaeng type mo." biro ni Blue.
"Hoy!" sigaw pa ni Ian na ikinalingon ni Tom pero umirap lang ito na tinawanan naman ni Ian.
"Kita n'yo yun inirapan n'ya ako walang tomboy na umiirap." wika pa ni Ian na tinawanan pa ng magkakaibigan.
"Tingnan n'yo ha!" wika pa ni Ian na medyo lasing na.
"Hoy! Tomas Morato," muling tawag ni Ian sa dalaga na lumingon.
"Umuwi ka na gabi na!" turan pa ni Ian.
"Kapag flat wag ka ng mag puyat, wala ka na nga tulog wala ka pang dede."
"huy!" natatawang saway ni Ivo sa kaibigan pero napangiti naman si Storm na biglang tumayo ganun din si Blue na lumipat ng puwesto ng makitang tumayo na si Autumn na humakbang papalapit sa kanila.
"Patay na." ani Doel na nakatingin kay Autumn na papalapit sa table nila. Naka sports bra lang si Autumn at itim na cargo 6 pockets pants na parang nasa ibabaw na ng p*******e nito ang sinturera sa sobrang baba ng pagkakasuot. Kaya naman kitang-kita ang magandang katawan ni Autumn na kumikinang pa na parang may glitters. Itinulak ni Autumn si Ian pasandal sa round couch bago itinuon ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ni Ian kaya naman konti na lang didikit na sa mukha ni Ian ang dibdib n'ya na hindi naman masyadong flat pero kung makapang lait si Ian akala mo hindi nito nalamas ang dibdib n'ya noon.
"Ang ganda naman ng view kapag nasa ilalim, labas tayo saan mo gusto?"
"Gusto mo bang makarating ulit ng langit?" malanding tanong ni Autumn na gumapang ang isang kamay sa katawan ni Ian hanggang makarating sa may puson ng binata.
"Yes, basta ikaw ang kasama." ungol ni Ian.
"Talaga! Mauna ka na." wika ni Autumn sabay suntok sa harapan ng pantalon nito na sisigaw sana pero mabilis na nahila ni Ian ang batok ni Autumn at siniil ito ng marahan na halik habang mariin na naka pikit at tinitiis ang sakit ng ginawa ni Autumn na manununtok na sana ulit pero napigilan n'ya ang dalawang kamay nito sabay hila pahiga sa kandungan n'ya.
"Hey! Loverboy wag mong papakin mapapanis." ani Storm na mabilis ng tumayo at sinabunutan si Ian ganun din ang kapatid para magkahiwalay ang dalawa na perahas pang gumagamit ng mga lakas. Kaya kinailangan pang tumulong ng mga kaibigan para magkahiwalay ang dalawa. Akala nila lalayo na si Autum ng mapag hiwalay nila ang mga ito pero sa bilis ng kilos ni Autumn nakablik ito at na sapak pa ng isa si Ian na nahulog sa sofa na imbis na masaktan tumatawa pa na tinawang si Tom.
"Tom baka may kulang sa buhay mo.." sigaw pang tawag ni Ian na sapo ang harapan nag pantalon habang panay ang ngiwi.
"Check mo baka kasi ako yun." pero binigyan lang s'ya nito ng dalawang middle finger.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
"Maniwala ka hindi ka papayagan ni Tatay wag mo ng subukan." wika ni Storm habang tuloy sa pag bibihis si Autumn ng uniform may emergency call sila galing headquarters at pinababalik na ang lahat ng military na naka bakasyon sa Pilipinas.
"It's my duty call Storm,"
"So sasawayin mo si Tatay."
"This is not about me being a daughter, I chose this path kaya paninindigan ko to." giit ni Autumn.
"Paano nga kung buntis ka matatangal ka din sa service kung sakali."
"No, I'm not! sigurado ako."
"At paano si Ian?" pagak naman na tumawa si Autumn.
"Anong paano? Anong paki-alam ko sa kanya."
"Handa s'yang pakasalan ka."
"Tingin mo mag seseryoso talaga sa iisang babae yang tropa mo. Sa ating dalawa ikaw ang mas nakakakilala sa lalaking yan, ni minsan ba nabalitaan mo na nabakante yan."
"Hindi n'ya mga nagiging girlfreind ang mga babaeng yun. Mga babaeng assuming lang silang lahat may ilang pinapatulan out of s*xual needs pero hindi lahat mostly of them ginagamit lang n'ya dahil sa mga toys collection n'ya. Wala ng ibang_______."
"Wag mo ng pag tanggol kilala ko na yan si Hinlog mga bata pa lang tayo kaya tama na," ani Autumn na hinila na ang duffle bag at saka lumabas na ng condo n'ya na agad naman sumunod si Storm na bitbit ang sariling duffle bag habang mabilis na tenext si Ian. Sinabi na n'ya rito na paalis na sila at sinabi na n'ya rito na last chance na nito para pigilan ang kapatid na wag ng sumama pabalik ng military base pero wala pa ang damuho n'yang kaibigan saan kaya ito nag punta. Magaling ang kapatid n'ya no doubt deserve nitong maging platoon captain pero hindi ito marunong mag preno masyado itong sumusunod sa protocol which is tama naman pero hindi lahat ng pagkakataon susunod ka sa protocol dahil maaga kang mamamatay kapag sinunod mo lahat ng batas. At hindi na n'ya na gugustuhan ang mga naririnig n'ya tungkol sa mga taong nasa paligid nila. Mainit na ito sa headquarters nila kaya kailangan n'yang pigilan itong maka-alis baka malasin pa ito na ang huling mission nito.