"Antayin n'yo ako dito may kukunin lang ako saglit, mabilis lang ako." ani Storm na mabilis na tumalon sa likod ng truck na sumundo sa kanila ni Autumn.
"Bilisan mo baka makita pa tayo nila Tatay." bilin ni Autumn, tumango naman si Storm na mabilis ng tumakbo papasok ng bahay. Mukhang nasa kusina ang pamilya nila at kumakain kaya malaya s'yang nakapasok ng walang nakakaalam. Mula sa kuwarto inangat n'ya ang kutson ng kama at kinuha dun ang isang picture na mabilis na itinago sa likod ng kanyang case ng cellphone saka kinuha na din ang bag na naka handa na dadamputin na lang n'ya ng mapamura dahil sa dalawang sunod na busina na narinig kaya mabilis na tumakbo si Storm at tinalon na n'ya ang balustre ng second floor pababa sa 1st floor bago pa makita ang inang maging emosyonal. Matagal ng gusto ng ina na umalis sila ni Autumn sa pag-aarmy pero na ngako naman s'ya na huhubarin n'ya ang uniform n'ya kapag alam n'ya na hindi na tama ang dereksyon na tinatahak n'ya.
'Kuya." malakas na sigaw ni Luna na mabilis sanang tatakbo kay Storm na nasa pinto ng bahay nila, ngumiti ito na nag taas ng kamay at inilagay sa dulo ng kilay habang straight body na nakatayo.
"Permission to leave sir/ma'am." nang tumango ang ama nila agad ng tumalikod si Storm na kumaway pa sa kanila. Agad naman silang napaluha na napatakbo palabas mag kakapatid. This time ang nanay naman nila ang biglang umiyak na tatakbo sana pero napigilan ni Skyler ang asawa dahil sa likuran ng truck nakatayo si Autumn na nag bigay pugay din sa parents nila. Tapos na ang bakasyon nila at babalik na ulit sila sa ibang bansa. Naki-usap na ang nanay nila na iwan na ang Army pero ayaw nila dahil masaya naman sila sa propsesyon na pinili. Si Thunder papasok din ito ng army bilang army doctor oras na makatapos ito sa pag iinter at maipasa na nito ang mga kailangang exam.
"Kuya, Ate." tawag pa ni Luna na naiyak. Umandar na ang truck pero nanatiling nakatayo si Autumn sa labas ng gate nila dahil ayaw tanggapin ng tatay nila ang saludo ng kapatid nila. Dahil noon pa man malinaw na na ayaw ng Tatay nila sa pag-aarmy ni Autumn, pumayag lang ang magulang ay kay Storm pero hindi sa kanya. Matigas ang pag tutul nito sa huli wala ng nagawa kundi hayaan na lang s'yang umalis. Ngayon ginagamit ng ama n'ya si Ian at ang nangyari sa kanila para lang idetain s'ya at wag ng tumuloy sa pag-a-army.
"Tay, I just can't marry him." sigaw ni Autumn na umagos na ang luha na nilingon ang papalayo ng truck. Naka uniform na si Autumn ganun din si Storm. Ito ang ayaw n'ya sa tuwing umaalis papuntang mission at mag papaalam sa magulang dahil na dudurog ang puso n'ya kapag nakita n'yang nag-iiyakan ang mga ito dahil na iintindihan naman n'ya ang dahilan ng pamilya nila dahil kapag isa kang army hindi mo tiyak kung makakabalik ka pa ba ng buhay sa pamilya mo sa tuwing sasabak sila sa gera. Ngunit para kay Autumn nasa gera ka man o wala kapag mamatay, mamatay kung talagang oras mo na. Nang tumango na ang Ina na tumanggap ng saludo niya napahikbi na lang si Autumn na nag yuko pa ng ulo saka mabilis na tumakbo pero ng madaanan nito ang Kuya Cloud nila agad muna itong yumakap bago muling hinabol ang truck na sundo sa kanila. Tinulungan pa ni Storm na makasakay si Autmn sa likod bago sila kumaway sa pamilya nila ng tuluyang umalis ang truck na mag hahatid sa kanila sa isang lugar kung nasaan ang sasakyan nila pabalik ng Pakistan para sa isang mission.
Sabay-sabay pa silang napalingon ng makarinig ng sunod-sunod na busina sa likuran ng truck nila isang top down na puting latest model ng porsche na kotse ang naka buntot sa kanila na ikinatawa pa ng mga military na kasama nila sa likod ng truck ang biglang pagtayo ni Ian sa kotse nito na may hawak na megaphone habang si Ivo ang nag mamaneho.
"Hey you! Lt. Autumn Mondragon alam kong nan d'yan ka makinig ka, this is the last time na tatanungin kita? Ako na mag bibigay sa'yo ng magandang lahi at masayang pamilya o yang uniform mo na mag lalagay sa'yo sa peligro.' Sigaw ni Ian na tinawanan lang ng mga militar pero tumayo si Autumn saka tumayo sa puwetan ng truck sabay hawi ng tolda na nakatakip.
"There your are my future wife." wika pa ni Ian na kumaway pa habang hawak pa rin ang megaphone.
"Hindi ka ba nahihiya sa pinag gagawa mo."
"Bakit ako mahihiya ano bang ginagawa kong mali?
"Tumigil ka na hindi mo ako gusto Cristian, nakikita mo lang ako bilang responsibilidad at alam ko kung anong pinag-usapan n'yo ni Tatay. You really don't love me so you don't need to marry me, wag natin pasukin ang magulong mundo ng mag-asawa. Just enjoy yourself sa maraming babaeng nag papaligaya sa'yo at hindi ako ayun dahil mas gusto ko pang makipag barilan kesa makipag sabunutan." ani Autumn na babalik na sana sa kinauupuan at ibinaba na ang telon na nakaharang sa puwetan ng truck ng mag salita muli si Ian.
"Kaya mong ipagtanggol ang maraming tao, sumusugod ka sa mga gera. Nakikipag sayaw sa umuulan na bala, nakikipag habulan kay kamatayan para labanan ang hamon ng buhay pero sana isang araw maisip mo naman na ako naman ang ipag laban mo hindi sa ibang babae kundi sa sarili mong damdamin. Ito ang tandaan mo kapag umalis ka wala ka ng babalikan pa, kakalimutan ko na ang lahat ng kung anong nasimulan natin. Hindi na kita papansin I will treat you like I didn't know you at all kaya habang may oras pa you better choose me. Wag mong sayangin ang isang tulad ko dahil kung hayop ang tingin mo sa akin endanger species na ako." mahabang komento ni Ian. Nagkatinginan naman si Storm at Autumn na para bang hinahamon s'ya ng kapatid pero umirap lang s'ya rito.
"Hindi s'ya kasing sama ng iniisip mo Tom." wika pa ni Storm.
"Bata pa s'ya mag pakasawa muna s'ya sa kipay ng kung sino-sinong babae."
"Paano kung mag settle down s'ya bigla anong gagawin mo."
"Paki-alam ko ba kung gusto mong bumaba ikaw ang bumaba at pakasalan ang lalaking yan basta ako hindi tapos ang usapan." mariin na wika ni Autumn na hindi na pinansin ang maingay na si Ian sa labas na nag bibilang pa hanggang 100.
-
-
-
-
-
--
-
-
-
"Pamparam pam pam pamparam parampam... pinaungol ka lang tapos iniwanan!" kanta pa ni Ivo para asarin si Ian na sunod-sunod ang tungga ng alak sa baso na maya't-mayang sinasalinan ni Blue habang si Doel naman ay panay ang subo ng pulutan kay Ian na panay ang sabi na hindi daw nito mahal si Autumn napilitan lang daw itong mag habol dahil sa paki-usap ng Ninong Sky nila na pigilan si Autumn na umalis.
"Ang sama n'ya! Ito ang tandaan n'yo pag bumalik ang tomboy na yun hu u s'ya sa akin. Anong akala n'ya maganda s'ya kapal ng mukha n'ya." ani Ian na lasing na dahil kanina pa bumubula ang bibig nito sa pag mumura kay Autumn.
"Sige tagay pa!" sigaw pa ni Ivo na natutuwa sa panay ang sumpa ni Ian kay Autumn.
"Oo, tama ipakita mo sa amin na matapang ka. Mag move on ka kahit hindi naman naging kayo." biro naman ni Blue na tinawanan nilang 3 pero hindi si Ian na tuloy ang laklak ng alak.
"Kung bumalik si Autumn one day at nagkita kayo anong sasabihin mo?" tanong ni Ivo.
"Hi! Ako nga pala yung sinayang mo pero pinag-agawan." malakas na nag tawanan ang mga ito ng malaglag sa upuan si Ian ng itutukod sana nito ang siko sa mesa pero dahil sa kalasingan nagkamali ito ng tansa kaya sa sahig ito na kipag lips to lips.
"Wala na na fall na ng tuluyan. Anong gagawin natin?" tanong ni Blue,
"Bantayan baka makapag punla ng bata sa ibang bahay bata." wika naman ni Doel na napapailing na lang na naka tingin sa kaibigan na hindi na bumangon at natulog na lang sa sahig.