PROLOGUE
“DAKPIN siya!” sigaw ng pinunong kawal ni Bathalumang Eliah nang matagpuan ako ng mga ito sa aking pinagkukublihang puno sa aking tirahan.
Wala na akong mapupuntahan. Magtago man ako sa kung saan ay nakikita ako ni Bathala. Ilang araw na rin akong hindi nagpapakita sa kanya dahil sa aking kahihiyan.
Itinalaga niya akong pinunong tagapagbantay ng mga taong nagkakasala sa pamamagitan ng kanilang mga mata ngunit ako mismo ang lumabag sa batas niyang ito.
Palapit na ang mga kawal na anghel upang dakpin ako kaya naman hindi na ako nanlaban pa sa kanila.
“Igapos ang mga kamay niya at tanggalin sa katawan niya ang kanyang sandata. Huwag hahayaang makalipad,” utos ni Lakandula, ang pinuno ng mga kawal.
Napaluhod na lamang ako nang biglaan nilang tiklupin ang mga tuhod ko sa pwersahan nilang pagpapasuko sa akin.
Ilang sandali pa ay nakapiring na ang aking mga mata at ang naramdamn ko na lamang ay hawak hawak ako ng dalawang kawal sa magkabila kong braso habang inililipad nila ako patungo sa kung saan.
Tila ba sa isang kisap mata ay bumagsak ako sa isang malambot na bagay na ang pakiramdam ko ay ulap sa Alapaap. Kung malambot ang ulap na ito, ibig sabihin ay nasa lugar na ako ni Bathalumang Eliah.
Narinig ko ang mga yabag mula sa magkabilang bahagi kaya naman naramdaman kong bantay sarado ako ng mga kawal. Tila ba pinakikiramdaman ko na lamang ang paligid kaya napapagalaw ang aking ulo at nabigla pa ako nang biglang tumunog ang malakas na alingawngaw ng trumpeta.
Nangangahulugang parating na ang Bathala.
Nakabibingi ang katahimikan nang matapos tumunog ang trumpeta. Wala akong maririnig na kahit na anong yabag, salita sa mga nasa paligid ko at pati na rin ang ihip ng hangin ay sadyang walang tunog na gaya ng dati.
Kinakabahan ako sa kung ano man ang mangyayari sa akin.
“Hugo,” napaatras ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
“Ba-bathala,” wika ko pa ngunit nagulat ako nang paluhurin ako ng mga kawala sa magkabilang bahagi ng kinatatayuan ko.
“Dinagdagan mo pa ang iyong pagkakasala dahil sa iyong pagtatago sa akin. Hindi ba ninyo nalalaman na kahit saan man kayo magkubli ay makikita at makikita ko pa rin kayo?” ang boses niya ay kalmado pa sa ngayon.
“B-bathala, na-natakot p-po ako na…” naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
“Natakot?” tila ba dagundong ng kulog na sinabayan ang kidlat ang biglaan niyang pagsasalita na mas lumilikha ng mga mumunting kaba sa aking dibdib.
Hindi na ako nagsalita pa.
“Alam mo ba na ang takot ang ginagamit ni Satanas upang linlangin kayong mga mahihina?” mas lumakas pa ang kanyang boses kaya naman napaatras pa ako mula sa aking pagkakaluhod.
“Hindi ko palalagpasin ang pagiging matigas ng iyong ulo, Hugo,” kumalma ang boses ni Bathala ngunit mas natatakot ako sa kanyang mga sinabi.
Unti unti ay nararamdaman ko ang pananakit ng aking mga ugat-pak kaya naman napahiyaw ako sa sakit kasabay nang pagkatumba ko sa malambot na ulap na aking kinalalagyan.
“AAAArrrrrghhhhh,” ang munting sakit ay unti unting nagdudulot ng mahapding kirot mula sa aking gulugod kaya naman nanghihina na ako sa sakit na dulot nito.
Dahil dito ay dinadala ako ng sakit sa unti unting pagkahina hanggang sa makatulog ako at nawalan na lang ng malay bigla.
“NASAAN si Jeeppppoooyyy?”
Nagising ako sa malakas na sigaw ng isang nilalang sa loob ng silid. May mga kapwa ako nilalang na nakasuot ng puting saplot sa kanilang gitnang katawan. Nasa sulok ako ng silid at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ito.
“Mamu, hindi pa siya nagrereply. Baka natraffic o kaya ay absent talaga,” sagot ng isang nilalang na tila kahugis ko ang katawan.
“Sino ang magiging star dancer? Eh wala naman yatang daks sa inyo dito? Nakakainit ng ulo. Malulugi ang negosyo nito,” nagngingitmgit sag alit ang isang nilalang na makulay ang kasuotan at may mga kumikinang pang nakasabit sa kanyang tenga at leeg.
Walang kumikibo sa mga nilalang na nasa paligid.
“Teka, sino ba ito? Si Jepoy ba itong nakatago dito?” lumapit sa akin ang nilalang na maraming palamuti sa katawan.
“Ewan namin diyan Mamu. Kanina pa iyan natutulog diyan. Akala nga namin ay bagong salta lang,” sagot naman ng isa.
Hinawi ng tinatawag nilang Mamu ang telang nakabalot sa aking katawan at saka nagsalita.
“Tayo,” utos niya.
Natatakot man ay dahan dahan akong tumayo sa harapan nilang lahat.
“Wwooooaaahhh,” halos sabay sabay na sigaw nilang lahat.
“Ikaw naman beh. Pwede namang sa akin mo lang ipakita,” pinulot ng nilalang na nagngangalang Mamu ang tela at saka ibinalabal sa aking katawan.
“Daks, nga Mamu,” sigaw ng isa.
“Che, maghanda na kayo at tayo’y magsisimula na,” iginiya ako ni Mamu palabas ng silid at dinala sa kakaibang lugar na kung saan ay puno ng mga kakaibang kagamitan.
“Marunong ka bang sumayaw? Sino ang nagdala sayo rito? Si Sugar ba? Si Honey? O si Lemon?” pinaupo niya ako sa isang kulay pula at mahabang upuan.
Hindi ako sumasagot.
“Anong pangalan mo pogi?” tanong niya.
“A-ako?” itinuro ko pa ang sarili ko.
“Oo, ikaw. May iba pa bang pogi dito?” kumurap kurap siya at nakita kong maiitim at makapal ang kanyang mga pilik mata.
Wala akong ibang naaalala ngunit may naisagot ako sa katanungan niya.
“Hugo Martines.”