Kabanata - 1

2263 Words
Kabanata – 1 ATHISA “MASAYA na siya kay Diva, huwag ka nang maghabol pa girl. Maganda ka naman at mabuti nga ay hindi ka nalosyang. Isa pa, wala pa naman kayong anak kaya move on te. May alam akong lugar para mas makamove on ka,” kinurot pa ni Anghela/ Anghelino ang siko ko habang panay ang emote ko sa kanyang sofa. “Pero sis, apat na taon,” patuloy lamang ako sa pag-iyak habang siya naman ay pinakakalma lamang ako. “Hayaan mo na. Isipin mo na lang, hindi kayo kasala kaya kahit hiwalayan mo siya ay malaya ka na,” “Ang tanga tanga ko,” sinabunutan ko pa ang buhok ko. “Tanga ka nga pero hindi ka forever na tanga. Bumangon ka. May per aka naman, gamitin mo iyon para sumaya,” “So, bibili na lang ako ng pagmamahal ganon ba iyon?” pinahid ko ang luha ko sa aking mga pisngi at pakiramdam ko ay nalusaw na ang mascara ko kaya naman nangingitim na ang paligid ng aking mga mata. “Una sa lahat, ang pangit mong umiyak, pangalawa, alam mong iiyak ka tapos nagmake up ka pa, Athisa ang pangalan mo hindi artista, at pangatlo, maaari kang bumili tapos pagdating ng araw baka may bumalik din naman sayong kahit katiting na sukli,” nakuha niya pa talaga akong okrayin bago sabihin ang punto niya. Nag-abot siya ng tissue at saka ako bumunot nito. Nasa bahay niya ako ngayon dito sa Villa Carta, isang barangay ng Sinugong Lupa. Nag-iisa lamang siya sa buhay dahil itinakwil siya ng kanyang mga magulang dahil sa pagiging binabae niya pero heto at umangat siya sa buhay. Kasama niyang naninirahan ang dalawang binatilyong pinag-aaral niya at sa palagay ko ay mga papa niya. “So, anong gusto mong gawin ko ngayon?” “Gusto kong kalimutan mo si Faustino dahil may mahal na siyang iba at magpaganda ka. Maghahanap tayo ng papa tonight,” mukhang excited pa siya. Long time partner ko si Faustino na isang konsehal ng Sinugong Lupa ngunit dahil lapitin siya ng mga kababaihan ay hindi na rin ako nakatiis na umalis na lang nang malaman kong may relasyon sila ng dati kong kaibigang si Diva. Lalaki rin ang pinag-awayan naming dalawa ni Diva noong college kaya naman hindi na kami nagkaayos noon pa man. Tanging si Anghela lamang ang naiwan sa akin na tunay at matalik kong kaibigan kaya naman nagpapasalamat ako dahil ako ang pinanigan niya. “Maghahanap? Hindi ba’t may dalawang papa ka na?” “At sinong may sabing para sa akin ang hahanapin natin?” “Kanino?” “Sino ba ang umiiyak ngayon dahil nagmahal ng iba ang jowa niya?” “Ihahanapan mo ako? Sure ka bang makakahanap ka ng papasa sa taste ko?” “Hindi ba’t ako rin ang nagturo sayo kay Faustino?”proud pa niyang sabi. “Yun na nga eh. Ikaw ang nagturo sa kanya tapos nafall ako, ngayon, anong nangyari? Bumagsak ako at walang sumalo. Kaya ayaw ko na sa mga itinuturo mo,” “Not this time sis. May nakita akong papasa talaga sa taste mo ang guess what, mukhang magkakasundo kayo,” yung mga mata niya parang siguradong sigurado. “Siguraduhin mong sasaya ako,” “Sinisigurado ko. Now, get up. Umuwi ka sa bahay niyo ang I will pick up later at 08:00 in the hot evening. Make sure to wear your most beautiful dress para naman ikaw ang pinakamakinang tonight,” “Saan ba tayo pupunta? Party?” “More than just a party. Make sure to bring cash, meme,” sabi pa niya. Literal ngang magbabayad kami ng lalaki. Wala namang mawawala kung susubukan ko kaya sige, try ko ring sumaya kahit ngayong gabi lang. Well, kinaya akong ipagpalit ng lalaking iyon sa babaeng mangaagaw, pwes, kayang kaya ko ring maghanap ng lalaking mas hihigit pa sa kanya sa maraming bagay. Maghintay lang siya at ako ay babalik ng masaya, pero hindi na sa kanya, kundi sa buhay kong masagana. Kaya naman pagkasabi niya nito ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Malawak ang Villa Carta, Dalawang bahagi ito at ang bahay ni Anghela ay sa norte at ang akin naman ay sur. May mga bukirin ang aming barangay ngunit ito ay tila ba probinsyang nahaluan ng pagkamodernong panahon. Ilang minuto ko lang drinive ang daan mula sa bahay niya patungo sa bahay ko. Hindi na ako umuuwi sa bayan kung saan ako namamalagi noong maayos pa kami ni Faustino. Mabuti na lang a may bahay akong malapit. Nasa ibang probinsya ang mga magulang ko at tanging ang kapatid kong tibo lamang ang kasama ko sa bahay. Pinagbuksan na ako ng guard at saka ako tumuloy sa bahay. “Oh, bakit parang may sumuntok sa mukha mo?” bungad ni Dudang sa akin pagkabukas ng pintuan. Hindi ko siya pinansin. “Nagluto na si Manang Minerva, hindi ka na naman ba dito manananghalian?” tanong niya sa akin habang paakyat ako ng hagdan. “Kaya nga ako umuwi para mananghalian diba, Teresita,” sinadya kong banggitin ang tunay niyang pangalan para asarin siya. Nagmake-face pa siya sa akin nang sabihin ko iyon sa kanya. “Napakasungit,” narinig ko pang wika niya pero hindi ko na pinansin. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. Hindi niya nais na tumira sa poder ng mga magulang namin dahil hindi rin siya tanggap ng mga ito. Lima kaming magkakapatid at kaming dalawa lamang ang babae kaya naman ganon na lamang ang panghihinayang nila kay Teresita, ang bunso. So, ang role niya dito ay tumao lang, taga grocery, taga luto minsan, taga kain, taga asar sa akin at taga car wash. Hindi ko naman siya pwedeng itaboy dahil kapatid ko pa rin siya at ako na lang talaga ang matatakbuhan niya. So, that’s what siblings are for. Pabagsak kong isinara ang pintuan at saka ako nagbukas ng aking bintana at dinama muna ang hangin mula doon. “Haaaayyyy. I hate you Faustinoooo,” sigaw ko sa bintana ng aking kwarto. Mga bukirin na ang nasa tanawin kaya naman malaya akong sumigaw ng kahit na anong gustong kong isigaw sa pwestong ito. At wala akong pakialam kung meron mang makarinig ng pangalang iyon na ang ibig sabihin para sa akin ay playboy at manloloko. Medyo gumaang na ang pakiramdam ko nang maisigaw ko na ang gusto kong sabihin sa mundo kaya naman pagkatapos nito ay nahiga ako sa malambot kong kama at hihintayin na lamang ang pagkatok ni Dudang sa aking pintuan para kumain ng pananghalian. Nakaidlip na ako nang kumatok si Dudang sa pintuan. “Ate, kakain ka ba o ipapakain na namin kay Chabelita lahat ng tira?” tanong niya pa. Chabelita, ang pangalan ng aso naming askal na kung umasta ay may breed. “Babangon na ako,” tinatamad ko pang sabi saka umikot sa higaan. “Ikaw na lang ang hindi pa kumakain,” sabi pa niya. As usual, nauna na naman silang kumain. Hindi na naman nila ako tinawag. So, bagsak ang mga balikat kong nagbukas ng pintuan at tiningnan siya ng masama. Hindi ko na lamang siya pinansin at bumaba na ako sa kusina para kumain. PAGKAPANANGHALIAN ay nagpatuloy ako sa pagtulog. May lakad kami mamayang gabi ni Anghela so kailangan ko ng extra energy para sa oplan paghahanap ng papa. Ewan ko talaga kung saan niya ako ibubugaw or may ibubugaw siya sa akin. Ewan ko na lang talaga. PAGKAGISING ko bandang alas kwatro ng hapon ay bumaba muna ako para magkape. Maganda ang view mula sa aming balkonahe kaya naman doon ko talaga paboritong magkape. Tanaw ko mula rito ang malawak na palayan at kabundukan. Napakapayak ng buhay dito kaya dito ako nagpatayo ng aking dream house mula sa aking yaman. Well, ginamit ko sa mabuti ang yaman na nakuha ko sa aking mga magulang kaya naman naging triple pa ito nang dahil sa aking pagiging mautak. “Hoooyy, iniisip mo na naman ba?” maya maya ay pumitik pitik si Dudang sa tapat ng mukha ko. “Teresita, panira ka talaga ng moment kahit kailan,” saway ko sa kanya. “Mukha kasing nakafreeze ka na diyan na naghihintay lang na mahipan ka para gumalaw,” “Anong paki mo?” “Kapatid kita kaya mayu pakialam ako. Gusto ko lang sabihin sayo na may iba na siya at hindi ka niya mahal kaya tigilan mo na ang pag-iisip sa kanya,” Ang harsh niya sa akin ha? “Teka, sino bang may sabi na siya ang iniisip ko ha?” lumingon pa ako sa kanya. “Napakalaki ng bubble diyan sa taas ng ulo mo, tapos ang nakalagay ay Faustino Amorsolo,” exaggerated pa ang pagkakasabi niya nito. Well, hindi ko man aminin ay totoo nga ang sinasabi niya at hindi ko na maikakaila na siya ang laman ng isipan ko kapag natutulala ako. One week na rin kasi akong hindi umuuwi doon at wala man lang siyang tawag o kaya ay text na namimiss niya ako. Kung talagang mahalaga ba naman ako sa kanya, kahit nahuli ko na sila ay pupuntahan niya ako dito para suyuin. Pero wala eh. So, nga nga ang beauty ko. Hindi ko na lang sinagot ang mga sinabi ni Teresita at imbes ay sinabi kong late ako uuwi mamaya. “Dudang, pakisabi sa guard pagbuksan ako ng gate. Late akong uuwi mamaya,” “Bakit na naman? Saan ka pupunta?” “Gigimik ako,” “Sasama ako,” “Hindi pwede. Tumao ka dito sa bahay,” “Lagi na lang,” “Tatao ka dito o palalayasin kita,” “Saan ba kasi iyan?” tanong niya. “Basta, huwag nang maraming tanong Teresita,” “Sino na lang ang kasama mo?” “Si Anghela,” “Saan kayo pupunta? Anong gagawin ninyo?” “Ang kulit,” “Sige na,” “Maghahanap kami ng lalaki,” inirapan ko pa siya. “Wow ha, para lang kayong naghahanap ng fishball sa daan,” “Madali lang iyon, may pera naman ako,” “Yuck, babayaran mo?” “Paki mo,” “Huwag ka na namang iiyak iyak ha?” “Hindi na,” KINAGABIHAN ay sinundo nga ako ni Anghela gamit ang sasakyan niya. Nagsuot ako ng plain black na dress at saka ko ginamit ang sling bag kong may gold na chain. Pinili kong ilugay ang buhok ko dahil gabi naman at medyo malamig sa daan. “ANg pretty,” komento ni Anghela nang makita ako. “Mas pretty ka sis,” nakadress din talaga ang lola at mas dinaig pa niya ako sa taas ng sapatos niya. “Ready?” tanong niya. “Saan ba tayo pupunta?” “Sa heaven,’ ngumisi pa siya at saka nagdrive. Nagpark kami sa labas ng isang medyo malaking building. Tahimik ang kapiligiran ngunit marami na ang nakapark na sasakyan. Pumasok kami sa isang gate at hinarang kami ng dalawang lalaking malalaki ang katawan. “May pass po kayo?” “Ah, no need ng pass sa akin. I am Lemon, isa sa mga kaibigan ng may-ari. And this is my friend. We are here to talk with Jakelou, AKA tweety,” pagpapakilala ni Anghela. Nagkatanguan ang dalawang lalaki at saka kami pinapasok. Siniko ko pa siya nang makapsok kami. “ANg galing mo ha?” “Ako pa ba,” hinawi niya ang medyo maikli niyang buhok saka kami nagkatawanan. Madilim ang pinapasok naming pasilyo ngunit unti unti ay may naririnig na akong tugtog. Mukhang hidden bar ito ah. “Maya maya ay binuksan niya ang isang pintuan at may sumalubong na naman sa aming dalawang kalalakihan. “Lemon,” pasigaw na wika niya dahil hindi kami marinig ng dalawa. Nagtanguan lang ang dalawa saka kami pinapasok. “Ssssiiiisss,” sigaw ng isang bading na may angking kagandahan din at saka yumakap kay Anghela. “Ikaw ha, ngayon ka lang ulit magpakita matapos mong magdonate ng isang fafa. Jusko, siya ang pinakamabenta. Kaya medyo nalalaos na ang Jepoy,” wika pa niya. “No problem. Basta promise me, he is in good hands,” wika pa ni Anghela. “Syempre naman. Oh sino ang kasama mong mukhang may dalang pasabog at gustong maghasik ng lagim sa bar ko,” mula ulo hanggang paa ang tingin sa akin ng kapwa niya bading. “Hoy huwag ka, babae lang iyan pero bakla ang kaluluwa. Pero milyonarya,” bulong pa niya. “So, nandito siya para bumili ng isa sa mga Adonis ko?” natutuwa pang tanong ng isa. “Baka nga pakyawin pa niya,” “Ayy bongga,” Saka sila nag-apir ng malakas pa sa tunog ng halakhak nilang dalawa. “Anong pangalan mo ganda?” baling sa akin ng “Athisa,” sagot ko. “Wow, name pa lang dyosa na. Oh dito kayo at nang makita niyo ang magandang view at nang makapili kayo ng maigi. Sa VIP kayo para bongga,” iginiya niya kami sa harapan. Marami na ring tao. Halos puno na ang paligid ng mga bakla at may mga iilan lamang na babae. Kaya medyo naiilang ako pero keri na. Hanggang sa magsimula ang show. Nakarami ako ng order na beer at pahatid ng tubig dahil halos hindi ako makahinga sa mga nakikita ko. Mga lalaking nagsasayaw na nakabrief lang at teka, sadyang nagpapahard sila sa stage kasabay nang pagsisigawan ng lahat mula sa audience. Parang gusto ko nang magsisi na nasa pinakaharapan ako dahil sa mga nakikita ko. “LADIES and GAYS, we would like to present to you, our Star for the night, the King of Adonis Club, Hugoooooo,” sigaw ng emcee. Saka naman nagpalakpakan ang lahat at may kasama pang sigaw. “Girl, ako ang nagdala niyan dito. Hawakan mo yang garter ng panty mo at baka mahulog,” babala ni Anghela. Lumabas mula sa entablado ang lalaking nakasuot ng parang kay Kamatayan. May hawak siyang palakol at natatakpan pa ang kanyang katawan.Madilim ngunit naaaninag siya dahil sa ilaw mula sa disco light. Hanggang sa magkasabay na umilaw ang spot light at ang pagdagundong ng musikang nakaka-excite. “WWWWOooooooaaaahhh,” sigaw ng audience nang makita ng malinaw ang nasa entablado. At nang gumalaw na ang mga kamay ng tinatawag nilang Hugo ay hinila nito ang tali ng kanyang kapa at saka iyon tinanggal ng tuluyan. Nakasuot siya ng silver na Briefs at boots na kulay itim. May mga glitters din ang kanyang buhok at puno ng langis ang kanyang katawan. Mas lalong nadagdagan ang lakas ng sigawan nang makita nila ang kanyang katawan. Napapainom ako ng marami dahil sa view. “Gosh, I like him,” turo ko pa sa lalaki sabay tingin kay Anghela. “See,” aniya. Nang magsimula siyang gumiling ay parang gumuho ang mundo dahil sa hiyawan. Seryoso lamang ang mukha niya at walang halong emosyon. Nakadadagdag sa kanyang kaseksihan. Ngunit nang tumingin siya sa aking mga mata ay may kakaibang koneksyon akong nadama. Tila ba nanlabo ang aking paningin at mula sa aking isipan ay mayroon akong nakikita. Siya. Nakita ko na siya dati. Pero saan? At nang tumingin akong muli sa kanya ay hindi na siya nagbalik pa ng tingin sa aking mga mata. Curious ako sa kanya. So I decided, bibilhin ko ang gabing ito para sa kanya. Wala na akong iisipin pang iba, gusto ko lang makalimot at lumigaya. Pagtatapos ng Unang Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD